Chapter 7: THEY MET AGAIN

2 0 0
                                        

After what happened last night, nagkulong ako sa kwarto ko. Nagpumilit ako na bumalik sa kwarto kahit ayaw nila.

It's already lunch time pero nandito pa rin ako sa kwarto. Umalis silang lahat dahil may gagawin daw silang importante. Including my sister. Pakiramdam ko nanaman na hindi ako belong sa family na ito. Like, palagi na lang akong hindi kasama sa mga gawaing importante.

*tok tok tok*

"Quinn? Can I come in?" tumayo ako at tinignan kung sino yun. Si Persus lang pala. Binuksan ko yung pinto, yung sakto lang para makasilip ako.

"What do you want?" tanong ko sa kaniya.

"Let's eat." aniya.

"Wala akong gana." tugon ko at isasara na sanang muli ang pinto ng iharang niya ang kaniyang paa. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Please?" pagmamakaawa niya. Umiling lang ako ngunit akala ko ay susuko na siya.

"The whole family is waiting for you. We know nasaktan ka, pero you need to eat. And also, pinapasabi ng dad mo na tumawag ang academy. Sasabihin niya daw pagbumaba ka." aniya.

Agad akong umalis sa pinto at kumuha agad ng damit para maligo. Mabilis akong naligo at nagpatuyo ng buhok bago bumaba sa kanila.

"Dad, what happened sa academy? Is it urgent? Bakit naman kasi hindi ako ang tinawagan." aligaga kong sabi ng makita ko sila sa isang kubo dito sa baba.

"Sit down and eat." seryosong sabi ni dad kaya naman sinunod ko ang sinabi niya. I only eat the sandwich and the shake prepared in the table.

"I'm done. Tell me what happened?" sabi ko. Ako ang namumuno sa academy na ipinatayo ni mamita at papsi.

"Nothing." maikli niyang sagot. Napakunot ang noo ko sa sagot niyang iyon. Kahit ayaw ko lumabas, pinilit ko ang sarili ko dahil tungkol sa academy yun pero ngayon, he'll just say nothing?!

"What do you mean nothing?" nakakunot noo kong wika.

"You skipped breakfast, and I know that you'll skip lunch and dinner so, gumawa ako ng dahilan para kumain ka." aniya. Napahilamos ako ng mukha. He's always like that. Ginagawang dahilan ang mga kahinaan ko.

"Then, I'm done. Please excuse me." sabi ko at bumalik na sa hotel. Pagpasok ko sa hotel, nakasalubong ko ang ex ko at ang bago niya. Habang papalapit ay tinitigan ko ang mukha ng babae. Nakita ko na siya somewhere. I'm sure nakita ko na siya.

"Hey! You're Sola, right? Nice to formally meet you. I'm Kylie Caceres" pagpapakilala niya at inilahad ang kaniyang kamay.

"I'm Sola Quinn Trujillo from Trujillo Clan. Nagkakilala na ba tayo? Your full name is Kylie Cassidy Caceres, right?" nashock si Kylie nung mabanggit ko ang name niya.

"I'm sure ngayon lang tayo nagkakilala. Pero paano mo nalaman ang full name ko?" takang tanong niya sakin. Biglang naalala ko ang picture na kinuha ko kay Denver na nasa likod ng phone ko.

"Ikaw ito di ba? Denver is finding and waiting for you. Nandito siya yesterday? Or noong isang araw pa, and he's celebrating your anniversary alone." sabi ko. Tinext ko ang number ni Denver at sinabing nandito si Kylie sa Bohol kasama namin sa iisang hotel.

"How did you met Denver? Where is he now?" naluluha luha niyang tanong. Makikita mo sa mata niya na mahal na mahal niya si Denver.

"Wait, are kidnapped?" I asked confusingly. Hindi siya mukhang nakidnap or kung ano pa man.

"No, I wasn't. I planned everything. 18 pa lang kami, gusto na kami ipakasal ng mga magulang namin. That time, I just like him as a friend. Habang tumatagal, hindi ko namalayan na nainlove ako sa kaniya. But.." tumigil siya kaya naman napatingin ako sa kaniya. Yung mga mata niya, parang kalungkutan lang ang tanging makikita roon.

"Let's seat here." anyaya ko at umupo kami sa sofa sa lobby.

"What happened? I can see in your eyes that you love him. Bakit kailangan mong lumayo?" umaandar nanaman pagkachismosa ko amp.

"He got me pregnant when we were 19 and alam kong wala pa iyon sa plano niya. Kaya inutusan ko ang mga magulang ko na ipakidnap ako at itago nila ako hanggang sa mapalaki ko ang anak namin." napatakip ako ng bibig dahil sa mga nalaman. Ang bata pa niya para mabuntis!

"Yung mga pangarap ko... bigla na lang naglaho at parang nagrestart iyon. Ang nasa isip ko ngayon ay ang anak namin. Ayoko siyang lumaking walang kinikilalang ama" napalingon ako kay Calum na naguguluhan, nalilito, gulat pa sa mga nalaman.

"You want to marry me dahil lang sa anak mo?" tanong ni Calum sa kaniya. Kahit hindi ako yung tinanong niya, parang ang sakit nun.

"I'm sorry." ang tanging nasabi ni Kylie. Napahilamos siya ng mukha at nagpipigil ng galit. Hinawakan ko ang kamay ni Calum, senyales na huwag siyang magsasalita.

"K-Kylie?" rinig naming tawag sa kaniya kaya naman napalingon kami sa gawi ng elevator.

Patakbong lumapit si Denver sa amin at dare-daretso siyang lumapit kay Kylie. Niyakap niya ito ng mahigpit. Napangiti ako dahil kita talaga sa mukha nila na mahal talaga nila ang isa't isa.

"I've been looking for you. Sa loob ng pitong taon, hinanap kita at umasa na babalik ka sa akin." umiiyak na wika ni Denver. Hinaplos niya ang pisngi ng babae.

"I'm sorry. Mahal ko lang talaga siya eh. Kaya nagpakalayo layo ako kasama siya. Hindi ko kasi kakayanin na mawala siya sa akin." napakunot ang noo naming lahat.

Sinong siya? Yung anak ba nila ang tinutukoy niya?

"Sinong siya, Kylie?" takang tanong ni Denver sa kaniya.

"Mommy!" rinig naming sigaw ng isang bata. Patakbo itong lumapit kay Kylie na masaya naman nitong hinagkan.

"Kamusta naman ang princess ko? Nasaan si yaya?" kausap niya sa bata. Nakasimangot na itinuro ng bata ang hahangos hangos na babae na malamang ay ang yaya niya.

"Who are you?" tanong ng bata kay Denver na ikinagulat nito. Nakangiti itong lumuhod para maging kaheight ng bata.

"I'm Mr. Denver Benavidez, and you are?" pagpapakilala ni Denver at inilahad pa ang kaniyang kamay.

"I'm Ms. Demsel Caceres, daughter of Kylie Cassidy Caceres. It's nice to meet you, you can call me Demmy." fluent na pagpapakilala ng bata. Grabe, parang nasa 3 years palang ata ang batang yan pero sobrang fluent niya sa english. Jusko!

"It's very nice to meet you. You can call me Mr. Denver." ani Denver. Inilahad niya ang kaniyang kamay at tinanggap naman iyon ng bata ng may ngiti.

"Baby, this man over here, Mr. Denver Benavidez is your father." sabat ni Kylie. Nakakaiyak naman silang panoorin.

"F-Father?" she was stunned. Unti unting tumulo ang luha ng bata at humagulgol. She open up her little arms for an embrace. Agad naman tinugunan ng ama niya ang yakap na gusto.

"Shh, Ms. Demsel Caceres. I'm already h--" pinigil siya ng bata sa pagsasalita at tinignan siya.

"Call me baby or princess or whatever." sabi ng bata na ikinatulo ng luha ko. Hindi ko alam kung bakit ba affected ako sa ganito kahit di naman ako kasali.

"Sola, I'm blessed that you came to me, to us. Kung wala ka, hanggang ngayon hindi ko pa din sila nakikita. Thank you so much. Habang buhay ko itong tatanawin na utang na loob." ani Denver.

"I'm happy to help. I'm really glad that you were reunited again with your family. Have a nice vacation here in Bohol." nakangiti kong sabi sa kanila. Sabay nila akong niyakap, kasama na din si Demsel kaya naman lalo kong nafeel na sobrang nagpapasalamat talaga sila dahil sa tagpuang ito.

"We're going na. Thank you and have a nice vacation!" masayang sabi ni Kylie. Kinawayan ko sila upang magpaalam.

"Can we talk?" biglang tanong ni Calum sa akin.


______________________________________

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Jun 07, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yesterday Once More [ON-GOING] Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon