Chapter 23

27 4 0
                                    

Amnesia♡

pagkatapos ng isang linggo't 3 araw.

gumaling na nga sya at nakakatuwa ay gumaling nadin si shawn..

nabalitaan kung nagising na ito kani kanina lang..

pero bawal pa daw siyang lapitan.

kailangan ko na ding lumayolayo sa panganay.. pagtataksil sa minamahal ko kung  malalaman niyang mayganitong nangyayari sa amin at ng kuya niya..

hapon*

naglilinis ako sa mga bintana ng nanakbong lumapit sakin si briana

ella! ella kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala.

bakit bria? may masama bang balita?

masama? hindi no napakagandang balita..

nakakapaglakad na uli ang pangalawang prinsepe. at nasa labas sya ng palasyo sa may hardin..
nakikipagusap sa mga kababaihan..
nakakakingiti nadin ito. dali!!

sabay paghila naman sakin ni briana. noon ay hawak hawak ko pa ang pamunas.

ng nasa gilid na kami masayang nakatayo at nakikipagusap sa mga babae si shawn!

lumapit ako sa kanya na may galak at niyakap ito.

pinatapos niya muna ako ng pagyakap sa kanya.

pag alis ko ng aking mga kamay at humarap sa kanya.. at medyo tumingala dahil sa tangkad.

ang mga bibig nitong kanina lamang ay nakangiti ay nawala na.

shawn! salamat naman at ligtas kana. ang saya... kamusta na lagay mo? d naba masakit ulo mo? d kaba nahihilo? oh ano...

habang hinihipo ang muka nito..

hinawakan niya ang 2 kamay ko gamit ang 2 din nyang kamay dahan dahan nya itong inialis sa muka niya at ibinaba.

nakakapagtaka dahil wala siyang imik ni d man lang nya ako niyakap ng pabalik o ngumiti..

shawn? anong problema? ma-maysakit kaba?

Sino ka?!

tanong nito sakin habang mag kasalubong ang mga kilay.
na kinagulat ko. naghalo ang lungkot at kaba sa puso ko ng marinig iyon sa kanya..

a-ah? nagbibiro ka lang d-diba? alam mo wala tayo sa oras para makipagbiruan...

hindi.. seryoso ako. sino kaba? kilala ba kita? tila ngayun lang kita nakita dito ahh..

ha? pe-pero kasi

sabay salita ng isang babae

sya ang nobya mo hindi mo siya kilala? samantalang noon pinagmamalaki mo pa siya.

Sinagot naman iyon ni shawn..

nobya? wala pa akong nagiging nobya.

sabay titig nito sakin na parang kinikilala ako at pilit inaalala..

shawn! huwag ka namang ganto oh..
kilala mo ko.. imposibleng d mo ko kilala andami na nating pinagsamahan...

hinawakan ko siya sa braso. shawn naalala mo ba ung pangako mo sakin noon? sabi mo kahit anong mangyare poprotektahan moko..

ha? ano? hindi kita maintindihan..

tumingin sa likod ko kung saan may mga babae

isa nanaman ba itong gawa gawa?

tinignan ko siya at hinawakan sa kamay.. 

shawn.. pakiusap alalahanin moko..

umusog ito ng kunti palayo sakin..

at tinignan ang pamunas na binitawan ko sa damuhan.

binibini, patawad ngunit hindi kita kilala. ni hindi kita matandaan.

hindi! huwag mong sabihin yan..

isa ka lamang katulong..

ah ano ganito naalala mo ba yung palaro na naganap nakaraang linggo na nakalilipas?

aligaga na ako d ko alam kung anong gagawin ko para lang may maalala siya..

yung palaro.. oo naalala ko un. nawala. ako sa balanse.

tapos? sige shawn isipin mo.

dahil ng mga araw na un habang duguan ang gilid ng ulo ni shawn nagawa pa nitong mamulat at sa pagkakataon na un ay ako na ang nakahawak sa ulo niya at nakatingin sa kanya.  kaya malaki ang posibleng nakita niya ako.

ayun lang... pagising ko nasa silid na ako..

hindi talaga ako makapaniwala sa sinasabi niya..

iniisip ko nalang na gusto naba talaga ako ni shawn kalimutan o nawala talaga sa kanya ang mga alala pero imposible tanda nya yung mga tao dito ang mga nangyare pero ako? ako na nobya nya hindi nya kilala...

sige na binibini. aalis na ako upang kumain.

bago pa man sya tumalikod sakin.

tumakbo nako palikod niya para hanapin ang gumamot sa kanya.. at malaman ang totoong nanyayare.

mangiyak ngiyak na akong nakalapit sa manggagamot...

paumanhin.. ginoo ano po bang nangyare kay shawn? bakit ganun? tila nagiba ang pananaw nya.. ni di nya ako matandaan?

lahat kami ginawa ang makakakaya namin.. sa tindi ng pinsala sa utak niya...may isang memorya ang nawala dito.. tumigil ang puso at utak nito ng sabay.. kumalat ang dugo sa may ulo nito.. pasalamat nalang at walang ugat na naputol..

ho? ano po ba ung gusto nyong sabihin?

nawalan siya ng isang taong memorya..

ho? paanong?

maykatanungan ka? maari kang pumunta sa bahay ni Alira isang 56 gulang na manggagamot na nakakakita ng pangloob na lamang tao.

saan ko po ba siya makikita?

sa bundok ng banlawe.

pero matirik ang daan paakyat dun.
at sobrang napakalayo..

sandali! paano nyo po ba siya nakilala?

pumunta siya dito noon. pagkatapos ng aksidente. pinasundo siya ng mahal na reyna pero d nagtagal umalis nadin ito makalipas ang 2 oras.

si-sige po sasalamat..

disidido akong malaman ang totoo. dahil kung hindi ko to maayos
maari ngang makalimutan na talaga ako ni shawn at mawala lahat ng mga pinagsamahan namin.

lumabas ako, ng palasyo ng tumatakbo...

at muntik pa akong hulihin ng mga kawal at sinumbong nila ako sa pang-unang prinsepe...

nandito na ako sa paanan ng bundok..

pawis na pawis na ako nauuhaw at nagugutom..

inakyat ko pa iyon.

nandito na ako sa daan kaso nga lang...














Heir of the throne (tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon