Pagising ko ay nabalitaan kung nag ibang bansa si shawn ang hari at reyna dahil sa isang negosyo..
Tanging naiwan lamang dito ay si shoven,
Mas kinainis ko pa dahil limang buwan silang nandun. Mangungulila ako ng sobra sa kanya.. paano ko mapapainom ng gamot kung ganun?
Lumabas ako ng silid ko. Parang wala namang kakaiba sa paligid.
Lahat ng taong nadadanan ko ay tila ang sama ng tingin sakin kung hindi man ako saktan ay sinasaktan ako sa mga salitang binabato nila,
Ng makapasok ako sa kusina ay bigla akong sinigawan ng isa.
Hoy babae! Ang tagal mong kumilos wag kang lalampa! Hinila ako ng babae sa buhok ko.. at tinulak tulak pa ako nito..
Ito! Ibigay moto sa prinsepe. Jusq babae ka! Mas lalong tumapang ang prinsepe sa pinag gagagawa mo wala ng may lakas loob lumapit sa Kan'ya.. kaya ikaw na!!
Pe-pero.. naku! Walang pero pero baka kami na ang isusunod kung kami pa ang magbibigay..
Kahit natatakot ay kinuha ko ang mga pagkain.
Maya maya tumabi sakn si briana habang naghuhugas ng gulay,
Ella, ayos ka lang ba?
Oo. Pero bria, anong meron bakit ang sasama na sakin ng mga tao dito?
Nag utos kasi ang prinsepe na kung sino man ang makikipag kaibigan sayo at magtatrato sayo ng tama ay papatayin kaagad. Sorry ella pero kailangan kung lumayo sayo. Ayoko pang mamatay
Naiintindihan ko bulong ko dito.
Pumunta na ako sa kwarto nya..
Ngunit wala sya..
Pumunta ako sa opisina nito.. at nandun nga.
Ah, sho-
Lumapit ka! Mabigat nitong pagsabi sakin.
Dahan dahan akong naglalakad,
Bilis! Sigaw nito..
Ng binilisan ko ay pinitid nya ako at aksidente kung naihagis sa kanya ang mga pagkain,
Patawad, kabado ako at sobrang natakot sa nangyari.. nabasag lahat ng lalagyan lahat ng pagkain at sabaw ay natapon sa kanya...
Inis na inis sya, sinakal nanaman nya ako sa pisngi at sinandal sa pader...
Ito nanman ang kanyang mga mata.. nanlilisik nanaman.. kung gusto mo kung patayin.. gawin mo nalang
sabay titig sa kanya.
May kinuha sya sa bulsa.
At laking gulat ko ng makita kung ano iyun..
Ang bote! Ang bote na binigay sakin ni alira.
Akin na yan! Sabay kuha ko sana dun sa bote pero mas nilayo nya kamay.. tinanggal nya ang kamay nya sa pisngi ko kaya't naka galaw ako ng maayos.
Akin na yan sabi!!!
Bigla akong napahinto ng magkadikitan nanaman sana ang labi ko sa kanya.. lumayo ako..
Akala mo ba d ko alam na ito ung gamot na pinapainom mo sa kanya? Para maalala ka nya? Hahaha wala na ella. Hindi kana dapat nya maalala...
Anong ibig mong sabihin?!
Bigla nyang binato ang bote sa pader at nabasag ito..
Pinuntahan ko ung bote agad at dun umiyak..
Shawn...
Sya parin ba?!
Mabigat nitong tanong..
BINABASA MO ANG
Heir of the throne (tagalog)
Fantasíaikaw ang nawawalang tagapagmana ng trono ng iyong kaharian!! ho? ako pero bakit ako?! paano, dalian muna! kailangan mong maabutan ang iyong ina bago pa man ito paslangin.. nakapasok na sa palasyo ang kalaban! ...... spin the whole story with a s...