Kabanata 1

720 256 187
                                    

Disappointed

"No dad.Please d-don't.P-promise i will do my best to manage the companies.W-Wag niyo lang a-akong ipakasal sa l-lalaking iyon.P-please" pag mamakaawa ko kay dad

"NO! Magpapakasal ka sa ayaw at gusto mo.buong buhay mo Yuri sinunod ko lahat ng luho mo, Mga branded mong mga bags,alahas, at mga collection mo.Binigay ko naman diba?! Lahat ng sumbong ng mga teachers mo ay ginagawan ko ng paraan para makalusot ka.pero this time ako ang nahingi ng pabor sa iyo,Hindi mo kayang ibigay?! Isang pabor lang to Yuri! Isa lang!Natutuwa na nga akong mataas ang mga grades mo.pero para sayo naman ang mga ginagawa kong to Yuri" galit na galit na sabi ni dad.namumula na yung mata niya

"P-Para sakin dad? O para sa inyo? Para l-lumago ang negosyo niyo? G-Ganon?" tanong ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit pilit nila akong pinakakasal sa lalaking yon "D-Dad P-p-please.Please d-dont be l-l-like t-this" hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa pag hikbi. "D-Dad h-hindi kami m-magkakasundo."

"Hindi kayo magkakasundo dahil diyan sa ugali mo.masyado kang mataray!! ISANG PABOR LANG ITO YURI, HINDI MO MAGAWA GAWA?! Yung problema sa ugali mo baguhin mo.BAGUHIN MO YURI! "

"ANONG MAGAGAWA KO KUNG AYAW KONG PAKASAL SA LALAKING YON DAD?! HA?! EIGHTEEN PALANG AKO DAD TAS GUSTO MO NA AKONG IPAKASAL? HINDI KO MAEENJOY ANG MGA PANAHON NGAYON DAD!" Napataas ang boses ko dahil sa inis.pati ako ay nagulat.

nanlaki ang mata ko nang nakaramdam ako ng malakas na sampal sa aking pisnge na siyang dahilan kung bakit nawalan ako ng balanse kaya umuntog ako sa table.

"M-M-mom" gulat ako kasi first time lang akong napagbuhatan ng kamay ng mga magulang ko.hinawakan ko ang dumudugo kong labi at noo.

"Huwag na huwag mo kaming tataasan ng boses Yuri! Hindi ka naming pinalaking ganyan!"galit na sabi ni mom "We are so disappointed to you! Yan na nga lang ang paraan upang ipagmalaki ka namin eh.Ayaw mo pang sumunod! Its for your own good Yuri! Hindi yan para saamin dahil lahat ng pinaghirapan namin para sa kompanya ay mapupunta sayo.hindi kinuha ng kuya mo ang kompanya dahil gusto niya...........Gusto niyang sa iyo ito mapunta.para hindi ka na mahirapan pa. At pagaaral na lang ang aatupagin mo.jusko naman Yuri."

Inis.yan ang naramdaman ko dahil pinipilit nila akong ipakasal sa lalaking gusto nila para sakin.

Nilabas ko ang wallet sa bulsa ko at hinayaang bumagsak sa sahig pati ang susi ng kotse ko.tumakbo ako palabas ng aming mansyon.hanggang sa kung saan saan na ako napadpad.kanina pa ako nakalabas ng subdivision kaya naglakad nalang ako nang naglakad.nakakainis,pati ang cellphone ko ay nilapag ko kanina,kaya wala akong pantawag.

Nakakainis naman.Ginawa ko naman ang lahat,pinagbuti ko pag aaral ko.
Bar at shopping na nga lang kasiyahan ko tinatanggal pa dahil lang diyan sa pagpapakasal sa lalaking yon.just what the fuck...

Maya maya ay may naisipan ako.
kinapa kapa ko yung bulsa ko para tignan kung may natira pa ba akong pera.

Nanlaki ang mata ko nang nakita ko 500 sa bulsa ko.Thank God.O my gosh kala ko sa daan ako matutulog ngayong gabi.Buti nalang tinuruan ako ng bakla kong kaibagan na mag commute.Kaso nga lang ang daming nangka cat-call sakin doon.mga manyak.kaya naisipan ko nalang mag taxi hanggang sa condo ni kuya Leo ang kapatid kong panganay.buti naman at malapit lang ang condo niya kaya aabot ang pera ko sa pamasahe.

Nang nakarating ako sa tamang room ng condo ni Kuya.ay kumatok ako.

"Kuyaa?" tawag ko

Bumakas ang pinto at nakita ko si Ate Lucille ang asawa ni kuya at nasa likod niya si kuya.

"Yuri? Gabi na ah.anong nangyari? Bakit may sugat ka sa labi?" nagaalalang tanong niya

"Pasok ka" si kuya. Nang makapasok na ako ay umupo ako sa sofa nila pati si kuya ay umupo sa harap ko.samantalang si ate Lucille naman ay nakuha ng panggamot sa sugat ko.
"Anong nangyari?" tanong ni kuya

nanligid ang luha sa mata ko nang maalala ang sagutan namin ng parents ko."nagkasagutan kami ni Dad at Mom" tipid na sagot ko

"Bakit ka may sugat?" tanong niya.muka siyang galit pero ang halata sa mata niya ang pag aalala.

"Nauntog ako nung sinampal akong malakas ni Mom." sagot ko

"Pinag talunan niyo nanaman ang pag papakasal sa lalaking gusto nila para sayo?" tanong niya

Tumango lang ako bilang sagot.

Dumating si ate Lucille at may tumawag kay kuya kaya umalis muna siya para sagutin iyon.

Habang ginagamot ako ni ate ay pinapagaan niya ang loob ko.

"Ok lang yan.lilipas din yang pag aayaw nyo nila mama at papa." sabi niya."Ano ba talaga ang nangyari?"

kinuwento ko lahat ng nangyari.kasabay ng pag iyak ko dahil hindi ako maka move on sa sinabi ni mom sakin na " We are disappointed to you" kasi ginawa ko naman lahat lahat eh.di ko lang nagawa ang pagpapakasal sa lalaking iyon disappointed agad?

Hanggang ngayon ay hindi parin tapos si kuya sa pakikipagusap sa cellphone niya.

habang ako naman ay naiyak hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.








Playing Fire with Her Lies ( BAD GIRLS SERIES #1)Where stories live. Discover now