Mira's pov:
"Ito ba ang hinahanap mo?" tanong ni Nanay mula sa likuran ko. Saka hinagis ang alkansya ko sapul sa ulo ko.
Lumingon ako sa kaniya at kahit masakit ang ulo ko hindi ko pina kita sa kaniya na nasasaktan ako.
Pinulot ko ang alkansya ko pero mukhang nakuha niya na ang lahat ng laman nito."Buti na lang pala may naiwan ka diyan." nakangisi si Nanay sa akin at saka ako iniwan. Natulala ako habang tinitingnan ang alkansiya kong butas.
"Nay, bakit naman ganito ka sa 'kin? Hindi ko naman gusto na mawala si tatay eh. Bata lang po ako sana maintindihan mo 'yon."
"Nanay kahit ganyan ka sa 'kin mahal parin kita." nasabi ko na lamang habang nakatingin sa kanya sa sala na nakangiti habang umiinom.
Alas kuwatro ng hapon nakita ko si Nanay na natotolog sa upuan na mahaba sa sala namin na maliit.
Niligpit ko na lang ang boteng nagkalat at saka lumabas.Habang naglalakad ako sa daan na ispatan ko isang kotse na nakamasid sa gilid ng daan. Mukhang mayaman ang may ari ng kotse sa kintab pa lang at sa klase ng kotse. Tila nagmamasid sa paligid. Lalagpasan ko sana ng bigla akong hawakan sa kamay pagka kabukas ng bintana ng kotse niya.
"Miss alam mo ba kung saan ang bahay ni Brenda Cruz?" tanung sa 'kin ng taong nasa driver seat.
"Opo, nanay ko po siya." magalang kong sagot sa kaniya.
"Pwede mo ba kaming samahan sa kaniya?" tanung niya ulit sa 'kin. Sinulyapan ko ang kasama niya pero hindi ko maaninag masyado ang mukha niya.
"Ano po ba kailangan niyo sa Nanay ko?" tanung ko sa kaniya.
"Basta samahan mo na lang kmi sa kaniya." saad niyang muli sa 'kin.
"Sige po." pagpayag kong sabi. Ngumiti siya sa 'kin at lumabas silang dalawa sa kotse.
"Bata alam mo bang nasangkot ang Nanay mo sa isang drug trafficking." nagulantang ako sa sinabi ng lalaki sa akin. Papaanong nasangkot si Nanay e alak lang naman ang bisyo niya?
"Paanong nasangkot? Alak lang naman ang bisyo ni !anay?" sabi ko sa kaniya habang naglalakad kami papuntang bahay namin.
"Well, young woman here is the proof that your Mother is a drug trafficker" sabi ng kasama niya.
Medyo tisoy ang mukha niya may balbas ng kaunti sa mukha.
Pinakita niya ang picture na hawak niya. Nanlaki ang mata ko dahil ang nasa picture ay si Nanay mismo at may hawak na isang plastik na may lamang drugs.Alam kong talamak ang bentahan dito sa aming lugar pero hindi ko akalain na isa si Nanay do'n.
Pagpasok namin ang nagulat pa si Nanay pero ng mapansin siyang may kasama ako ay agad siyang nagpanic.
"Mira alam mo ba kung sino ang kasama mo? Bakit ka nagpapasok ng hindi natin kilala" bungad sa 'kin ni Nanay. Halata sa mukha niya ang hindi mapakali habang nakatingin sa kasama ko.
"I'm Major Luke Montemayor And this is Spo1 Tristan Di Magiba." bruskong pakilala niya pati nang kasama niya na siyang kumausap sa 'kin.
"Teka anong kailangan niyo" sabi ni Nanay sa kanila. Nakiramdam na lang ako sa mga nangyayari dahil hindi ko alam ang ginagawa ng Nanay ko.
"Misis sumama na lang po kayo maayos sa presinto " mahinahong sabi ni Tristan.
"Hindi ako sasama. Hindi ako nagkasala sa batas kaya hindi ako sasama sa inyo sa presinto!" nagsisigaw na sabi ni Nanay.
Marami na ring nakapanood sa 'min yung iba ay natatawa pa sa nangyari kay Nanay."Misis heto ang warrant of arrest namin. May karapatan ka upang manahimik. Lahat ng sasabihin mo ay maaring gamitin laban sa 'yo" sabi ni Tristan at saka binigay kay Nanay ang papel.
Natahimik si Nanay ng mabasa niya ang papel. Agad ko siyang nilapitan habang pinuposasan ang kaniyang kamay.
"Nanay paano kayo nagkaganito.?" tanung ko at agad siyang niyakap pero pumiksi siya.
"Ikaw ang may kasalanan nito lahat Mira. Simula noon hanggang ngayon salot ka sa buhay ko." nanggagalaiti niya sigaw sa akin. Napanganga ako sa sinabi niya.
"Sana hindi na kita binuhay, sana hinayaan na lang kitang mamatay no'ng nakita kita sa gilid ng kalsada no'ng sanggol ka pa lang." huling sabi niya bago siya bitbitin ng mga pulis.Napa iyak ako sa sinabi ni mama hindi ko matanggap ang mga sinabi niya. Papaano niya nasabi ang mga bagay na yun?
"Oh ano pa ang tiningnan niyo dito Tapos na ang palabas!" sigaw ko ng makita kong nandyan pa rin ang mga tao sa labas.
Lumipas ang isang araw dumalaw ako kay Nanay sa presinto. Nagdala ako ng damit at pagkain niya.
"Bakit ka nandito? Alam mo ba na sukang suka na ako sa pagmumukha mo?" Galit na sabi ni Nanay sa 'kin .
"Ano po ba ang kailangan kong gawin para hindi ka na magalit sa 'kin 'nay?" uumiiyak kong tanong sa kaniya.
"Anong kailangan mong gawin? Ibalik mo sa akin ang asawa ko na pinatay mo." sabi niya sa 'kin bago tiningnan ang dala kong plastik na may laman na damit niya at pagkain
"Ipakain mo sa aso ang pagkain mo at ibigay mo na lang sa iba ang mga damit na 'yan hindi ko kailangan ang mga 'yan at mas lalong hindi kita kailangan!" sigaw niya sa 'kin. Kinuha niya ang dala kong supot ng plastik at saka hinagis sa mukha ko at saka umalis sa harap ko.
Napalingon ako sa ibang nandoon sa visiting area at halos lahat sa kanila ay nakatingin sa akin. Napaiyak ako habang pinupulot ang mga nagkalat niyang damit. Biglang dumating si Tristan kaya siya na ang nagwalis ng mga pagkaing natapon. Binigyan niya ako ng tissue para ipahid sa mukha kong nadumihan ng pagkain.
"Salamat ha." sabi ko sa kaniya makatapos niyang maglinis ng pagkaing natapon.
"Nako wala 'yon. Pauwi ka na?" tanong niya. Tumango ako kaya napangiti siya sa 'kin .
"Kung gano'n ay ihahatid na kita pa uwi na rin ako eh." pahayag niya sa 'kin.
"Bakit ang aga mong umuwi wala ka bang trabaho dito?" sabi ko na siyang kinatawa niya.
"Night shift ako ganda at off ko na ngayon Kaya uuwi na ako." sagot niya sa 'kin.
Hindi na ako sumagot sa kaniya at nagpaubaya na lamang ako ng inalalayan niya akong makalabas sa visiting area.
"Hintayin mo ako dito kukunin ko lang ang kotse sa likod " sabi niya sa 'kin at agad na umalis.
Naghintay ako sandali at hindi naman nagtagal ay may kotse na huminto sa harap ko. Ito yung kotse na ginamit niya nung isang araw."Sakay na ganda." sabi niya ng ibaba niya ang bintana.
"Hindi ba nakakahiya?" nag aalangan kong sabi.
"Hindi 'yan halika ka na." yaya niya sa akin at binuksan ang passenger seat sa unahan.
"Hala" bigkas ko ng makaupo dahil napansin ako ang nasa likurang bahagi.
"Huwag kang mag alala siya mismo ang nagsabing ihatid ka." mahina na sabi ni Tristan.
Kaya umupo ako katabi ng driver habang ang nangangalang Luke Montemayor naman ay nasa likuran.
"Hindi pa pala tayo nagpakilala ng maayos sa isa't isa. Ako si Tristan, siya naman si Major Luke Montemayor." pagpapakilala ni Tristan sa akin.
"Ako naman si Mira." sabi ko at saka sinara ang pinto. Agad naman na umusad ang sasakyan .
#my another story please support me and please follow me and vote my story
#thankyou
BINABASA MO ANG
LOVE BENEATH THE SKY
AcakREAD AT YOUR OWN RISK! This is work of fiction,names ,character,business and place are product only of author imagination. Any resemblance about the story to an actual situation is purely coincidental. COPYING is a crime. Write your own story. @2022...