Chapter 8❤

7 1 0
                                    

Hindi ako nakatulog kagabe dahil doon sa nangyari. Kaya ito mukhang zombie ang mukha ko.

Nakayokyok ako sa desk ko ng maramdaman kong may kumakalabit sa akin.

"Gurl anyari? Mukhang yatpu ka ah." Ah si Abi pala.

"Oo eh, nag review kasi ako baka magkaroon na naman ng biglaang quiz si Sir." Tinatamad kong sagot sa kaniya.

"Concealer gurl para matakpan yang nangingitim mong gilagid" humahagikhik siya sa akin.

Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin na binigay niya sa akin. Tama nga si Abi nagingitim nga ang ilalim ng mata ko.

"Hala puyat pa Gurl," solsol pa niya.

"Alam mo gwapo sana si Sir kaso lang ang hilig niya sa surprise quiz," sabi pa niya."ang sakit niya sa ulo ha."

Hindi na muna ako sumagot sa kaniya at nilagyan ko na ang mukha ko ng concealer. Pagkatapos na maayos na ang mukha ko ay binalik ko sa kaniya ang concealer.

"Abogasya ang kinuha mong kurso kaya indahin mo na lang ang sakit, sandali  na lang at matatapos rin tayo" sagot ko sa kaniya.

"Oo nga gurl, excited na ako umakyat ng gate, este stage," Natatawa niya sambit.

Maya maya lang ay biglang tumahimik ang loob ng classroom. Nang bumukas ang pinto nito isang singhap ang kumawala sa akin dahil sa akin kaagad dumapo ang tingin niya .

"I heard your  mouth outside, you don't seem to be law student." he is furious knowing that my classmate is busy chatting each other before he came in.

He look at me seriously na para bang may ginawa akong mali sa kaniya.

Ayon na nga surprise na naman, ang iba kong classmate ay nakasimangot habang kumukuha ng kani kanilang papel.

Sinadya kong maglagay ng maling sagot para  hindi ako ang maging highest score.

Tiningnan niya muna ako bago binalik ang mga papel namin. Nang tingnan ko ang papel ko ay may nakasulat sa papel ko.

"Come to my office twelve o'clock sharp."

Hano raw?

When he is done. He immediately leave us but before he leave he look at me again and then he step outside.

"Nakita mo ba 'yon? Tiningnan ako ni Sir." Kinikilig na wika ng nasa likuran ko.

Ako ang tiningnan niya tanga!

"Hindi eh, ako yata ang tiningnan niya."

Isa pa 'to.!

Nang pumasok ang  sunod naming professor sa pangalawang subject ay naging smooth ang naging takbo ng utak ko. Kanina kasi kahit nakatuon ang atensyon ko sa tinuturo niya ay ang puso ko naman ay kumakabog na parang wala ng bukas.


Nang matapos ang pangalawang subject ay agad kaming nagsilabasan para kumain.

"Tara gurl, punta tayo ng canteen." Yaya sa akin ni Abi.

"Sige,nagugutom rin naman ako."

Bitbit ang aking bagpack pumunta kami ng canteen. Masasabi kong naging close ko si Abi nitong nakaraang araw kasi palagi niya akong kinakausap kahit hindi ko siya kinakausap.

Ang sarap pala kapag my kaibigan kang matatawag dito sa school. Si Rose kasi pambihira na kaming magkita dahil naging busy ako sa pag aaral ko.

"Hey Mira, Nice to see you again?" Napatingin ako sa gilid ko.

Si Cris lukas pala.

"Hey, ikaw pala." Napangiti ako sa kanya.

Tumango siya sa akin. "Order what ever you want, it's my treat" nakangiti niyang sabi sa akin.

Habang si Abi naman ay nakangiti na parang kinikilig sa amin ni Lukas.

"No, I'm fine, i can handle myself."

"I insist, sige na maupo na kayo doon ako at ang bahala." Wala kaming nagawa ni Abi ng Siya na mismo ang pumila sa counter.

"Ano yarn? Manliligaw teh?" Ngiting bigkas ni Abi ng makahanap kami ng aming pwesto.

"Hala siya, pag nilibre nanliligaw agad?"seryoso kong sagot habang hinihila ang isang upuan.
"Hindi ba pwede nakipagkaibigan lang 'yong tao?"

"Asus, ito naman binibiro lang po kita," sarap bigwasan e.

"Here's our food, Iced tea and two sliced of cake for you Mira, and one soda and one sliced  of cake for ...."

"Abi is her name" agap ko sa kaniya.

"Abi" ulit niya sa pangalan ni Abi.

"Bakit kay Mira Dalawa 'yong cake sa akin, isa lang." Pinandilatan ko siya ng mata pero ang bruha dedma lang ako. Nagpa cute pa kay Lukas.

"Ah...hehe sorry ha? baka kasi hindi ka kumakain ng cake kaya isa lang 'yong sa 'yo."nahihiya na sagot sa kaniya ni Lukas.

"Joke lng, ano ka ba? Alam ko naman na mahal mo 'yong kaibigan ko kaya nagpapalakas ka sa kaniya " natatawa na sambit ni Abi.

"Abi tama na." I warned her. Agad naman siyang nag peace sign sa akin.

Nahihiya na ako sa ginagawa ni Abi 'di kono kaibigan na ang turing ko sa kaniya. Gaganiyanin niya na ako.

"Sorry Lukas, masanay ka na diyan kay Abi dahil ganiyan siya Talaga." Hinging paumanhin ko sa kaniya. "Takas kasi sa mental 'yan kaya pagtiyagaan mo na."

Nakasimangot na sumubo si Abi. Ako naman ay kinain ko na rin ang binili niyang meryenda sa akin. Nang matapos ay agad din kaming tumayo dahil parami ng parami ang kakain sa canteen.

Habang naglalakad kami ay walang imik si Abi kaya sa isip ko ay nagtampo siguro sa sinabi ko. Bawi na lang ako mamaya sa kaniya.

"Abi pwede ko bang makausap muna si Mira?" Tumango si Abi. "Ingatan mo si Mira, mahal 'yan" sabi niya saka tumalikod papuntang klasrom namin.
Akala ko naman nagtatampo na siya sa akin,may plano pa  naman akong susuyuin siya mamaya.

Tumabi kami para hindi kami maka abala sa dumadaan sa hallway.

"Ano ba ang sasabihin ko sa 'kin?" Agad na tanung ko sa kaniya.

Lumunok muna siya bago tumingin sa mga mata ko. "Papaalam sana ako sa 'yo Mira"

"Paalam? Hindi mo naman ako Nanay, mas lalong hindi mo ako girlfriend."

"'Yon nga eh, paalam sana ako sa 'yo." hinawakan niya ako sa kamay saka tumingin muli sa mga mata ko. "It's sounds wierd but can i court you Mira?"

What?!
Ligaw?

Seryoso liligawan niya ako? Bago pa lang niya ako nakikilala ah.

Ano 'yon love at first sight?

Am i ready in that stage?

"She's not available, she's taken."


LOVE BENEATH THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon