CHAPTER 5❤

8 1 0
                                        

Lumipas ang buwan at naka adjust na ako sa bago kong trabaho. Mabait naman kasi si Ma'am Alex, nalaman ko rin na siya rin ang may ari ng cafe.

Aral sa umaga, trabaho sa gabe. Nagkaroon din ako ng kaibigan sa school pero hindi katulad kay Rose na alam ang buhay ko.

"Besh, hindi mo pa rin ba alam kung sino ang sponsor mo?" Untag sa akin ni Rose.

"Ayaw talaga sabihin ng Dean sa akin Rose." Sagot ko sa kanya.

Sabado ngayon kaya wala pasok dagdag mo pa na binigyan ako ng day off ni Ma'am Alex para daw makapagpahinga ako ngayon.

Kasalukuyan kaming nandito sa karenderya na pinapasukan ko dati at kumakain ng batchoy libre ni Rose.

"Nga pala Rose, saan ka ngayon nagtatrabaho?" Tanong ko sa kanya.

"Sa isang pabrika Mira, gusto mo ipasok kita?" Tanong niya sa akin.

"Pa'no pa ako makakapasok diyan, may trabaho ako pagkalabas ko ng eskwelahan?"

"Ay sayang besh, naghahanap sila ngayon dagdag na tao."

Hindi na ako sumagot, pagkaubos ng kinakain namin ay agad na nagbayad si Rose at lumabas na kami. Pumunta kami ng plaza para magubos ng oras. Libre ngayon si Rose dahil nandiyan si Nanay niya para magbantay ng anak niya.

Nang magdilim na ay napagpasyahan namin na umuwi. Pagpasok ko sa lumang bahay namin ay nakaramdam ako ng kahungkagan muli. Kulang na kulang kapag wala kang pamilya. Walang kang kausap o kasama sa bahay.

Hindi ko pa rin alam kong nasaan si Boyet, wala rin akong ediya kung saan siya dinala ng umampon sa kanya.

-----

Alas sais ng umaga, maaga akong gumayak para pumunta kay Lola Neneng para sabay kaming magsimba sa Tondo. Naka jeans ako at t-shirt na puti na may print na brats. Pang katorse pero bet ko ang damit na 'to.

"Lola, tara na po simba na tayo." masayang bungad ko sa kanya pagkapasok ko sa bahay niya.

"Oo, heto na po." Natatawa niya sagot sa akin.

Sinuot niya ang kanyang salamin at saka inabot sa akin ang kandado ng bahay niya.

Nang malock ko ang bahay niya ay inalalayan ko siya papuntang sakayan ng trysikel papuntang Simbahan.

Matapos ang misa ay nagyaya si Lola Neneng na kumain sa isang kainan dito sa tabi ng Simbahan.

Puto at dinuguan ang inorder ni Lola Neneng, ako naman ay mami para mainit ang sikmura ko. Marami ang tao sa kainan na to karamihan sa kumakain ay ang kasama naming magsimba. Mukhang nagutom rin sila pagkatapos ng misa.

"Ok ka na ba diyan sa mami mo Apo?" Baling ni Lola sa akin.

"Opo 'la, maliit naman po kasi ang tiyan ko kaya kasya na 'to sa bulate sa tiyan ko." biro ko sa kaniya.

"Puro ka kalokohan Mira," Sagot ni Lola Neneng.

Pagkatapos namin kumain ay nag abang na kami ng trysikel para umuwi. Niyaya ako ni Lola na doon matulog sa kanila pero tumanggi ako. May pasok ako ng maaga bukas kaya hindi ako pwedeng matulog sa kanya. Pero sa susunod na sabado doon ako matutulog.

______

Lunes, maaga ako gumayak para pumasok ng maaga. Pero pagkabukas ko ng pinto ng bahay ko ay may nabungaran akong bugkos ng bulaklak. Pinaghalong aster at babies breath, pinulot ko ito at dinala sa loob. Maganda ang pagkakaayos ng bulaklak parang mahal din ang bili. Nang hubarin ko na ang nakatali sa bulaklak ay nalaglag ang isang card.

"For my precious one." Basa ko sa sulat kamay.

Maganda ang handwriting ng nagsulat sa card.

Kanino galing 'to?

Sinawalang bahala ko lang ang card, nilagay ko ang bulaklak sa isang basong hindi ko na nagagamit tsaka nilagyan ito ng tubig para hindi matuyo agad.

Nilock ko ang bahay ko para pumasok na.
Pagkarating ko sa University ay binati ko si Mamang Guard.

"Goodmorning po Manong,"

"Goodmorning din Mira," Nakangiti niyang sagot sa akin.

Dumeretso ako sa departamento ko para sa mga fresh law student, Nakita kong marami ng nakaupo at naghihintay sa prof namin.

Aircon ang kwarto namin kaya nanayo ang balahibo ng tumagal ang pag upo ko sa designated chair ko.
Dagdag pa ang tiyan kong kumukulo dahil hindi ako nag agahan kanina sa bahay.

"Mira, bakit nanginginig ka?" Tanong sa akin ni Abe.

Close kami pero hindi masyado. Maganda si Abegail, pandak at cute ang pisngi niyang namumula palagi ng make up. Tapos mapupula ang labi animo'y kinagat.

"Malamig kasi," sagot ko sa kanya habang hinahaplos ang braso ko para mahibsan ang lamig sa balat ko.

"May jacket ako, gusto mo hiramin?" Tanong niya sa 'kin.

Tumango ako sa kanya. Kaya kinuha niya agad ang jacket sa bag niya at inabot sa akin.

"Salamat." Ngumiti ako sa kanya.

Bumalik si Abe ng upuan niya ng dumating aming professor.

"Guys, goodmorning magpapaalam lang ako sa inyo na sandali akong mawawala dahil may gagawin lang akong importante. Pero may papalit sa akin." Nakangiting anunsyo sa amin ng Professor namin.

"Let's welcome your new sub Professor today, Mr. Luke Montemayor." Palakpakan agad ang aking mga kaklase pero ako medyo nacucuriuos sa bago naming Teacher.

Pamilyar ang pangalan niya sa akin.

Bumukas ang pinto ng classroom namin. Pumasok ang isang lalaki na makisig ang katawan at naka professor's unifor. Makinis ang mukha at may kaonting balbas na naiwan sa may baba.

Siya?

Siya ang magiging professor namin?

Gumala ang mata niya sa loob ng classroom namin at huminto ito sa akin.

"Hello, good morning class." Bati niya pero ang mata sa akin lang nakatutok.

"Good morning Sir," ganting bati nila.

Kinikilig ang mga babae kong kaklase na ang akala mo ay ngayon lang nakakita ng gwapo sa loob ng klasrom namin.

Sandaling nag usap ang dalawa sa harapan namin saka nagpaalam ang Ginang sa amin.
Pagkaalis ay umupo si Sir Luke sa harapan na mesa namin para tingnan ang last na lesson namin. Pagkatapos ay nag discuss ng maliit na detalye para sa quiz namin. Nayayamot ang kaklase ko.pero ako easy lang kasi napag aralan ko na ang ibang naroon sa quiz namin sa library ng nakaraan na byernes at nag take down notes rin ako para hindi ko malimutan.

Nang matapos ang kalse niya sa amin ay agad nagsilabasan ang kaklase ko para sa susunod na klase. Nagpahuli ako dahil ayoko ko makipagsiksikan sa kaklase ko.

Nang patayo na ako sa inuupuan ko ay may tumawag sa akin.

"Mira, kamusta ka na?" Bungad sa akin ni Sir Luke.

Mabuti na lang wala na ang kaklase ko.

"A-ayos naman, natatandaan mo pa po pala ako." Nahihiya kong sambit sa kanya.

"Of course, I remember you." Sagot niya.

"S-sige po Sir, aalis na po ako." paalam ko sa kanya saka tumakbo palabas ng classroom namin. Hindi ko matagalan ang titig niya sa 'kin. Titig na sagad hanggang buto. Nanginginig ang tuhod ko.

LOVE BENEATH THE SKYMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon