CHAPTER 9 ❤

5 1 0
                                    

This Professor must be crazy!

Anong taken? Single ako Sir!

Para lang malaman mo!

Naiinis ako kay Sir sarap putulan ng kaligayahan. Panira ng moment eh.
Ito na ang chance ko maligawan tapos biglang sulpot siya. Parang kabote!

"H'wag ka maniwala sa kaniya," bulong ko kay Cris Lukas baka kasi maniwala.

Napatango na lang si Lukas sa  sinabi ko. Habang ang eksaherado kong Professor ay dumaan lang pagkatapos niyang mabanggit ang mga kataga kanina. Na para bang walang nangyari.

"Basta manliligaw ako sa 'yo Mira, sa ayaw at gusto mo." Final na sabi ni Lukas.

Hinatid ako ni Lukas sa Classroom ko bago siya pumunta ng classroom niya. Sinalubong naman ako nang aasar na tingin ni Abi.

"Gurl, hinahanap ka kanina ni Sir." Napataas ang kilay ko sa pahayag niya.

"Ano sabi mo?" Tanung ko sa kaniya.

"Sinabi ko na kasama mo jowa mo." Natatawa niyang sambit."Ayon nagmamadali agad na lumabas."

Ang saya niya!.

Kaya pala nandoon 'yon kanina. Ako pala ang hinahanap, sabi twelve o'clock?

Hays bahala siya!

Hindi na kami nakapag patuloy ng pag uusap namin dahil dumating na ang isa Professor namin sa Tax and Remedial laws.

Discuss
Quiz

Twelve o'clock nagmamadali akong lumabas ng classroom para pumunta sa opisina ni Sir Luke. Kinakabahan na parang iwan ang nararamdaman ko. Nang kumatok ako ay bumukas kaagad ang pinto. Isang seryosong mukha ang bumulaga sa akin.

"Come in." His cold tone make me nervous.

"Is there a problem about my study Sir?" I was glad that i manage to say it clearly infront of him.

"Yes there is a problem."

Tinuro niya ang  sofa kaya napaupo ako doon. Nagtataka ako dahil halos naman lahat ng project tsaka paperwork na e comply ko naman. Bakit may problema?

"Sir seryoso? May problema sa akin?" Hindi talaga ako makapaniwala eh.

"Who's that guys you talk earlier?" Balik na tanung niya sa 'kin. Nakatayo siya sa harap ko kaya kita ko kung gaano ka seryoso ang mukha niya.

"Si Cris Lukas po,"

"Is he courting you?" Tanung niya ulit.

Ano to? Question and answer?

"Akala ko po ba may problema sa pag aaral ko?" Nagtataka kong tanung sa kaniya.

"Sagutin mo ang tanung ko sa 'yo." Umupo siya sa harap ko. He even look me in the eyes.

"N-Nagpaalam po na manligaw siya sa ayaw at sa gusto ko man." Hindi ko kaya ang tingin niya na tagos hanggang kaluluwa kaya napayuko ako.

Tumayo siya at pumunta ng mesa niya.
Nang tumingin ako ay may kinuha siyang isang   supot na lamang pagkain. Pagkalapit niya ay nakita ko ang logo ng isang mamahaling restaurant.

"Let's eat, I'm hungry." Saad niya.

Binuksan niya isa isa ang mga naka transparent na tupperware kaya amoy na amoy ko ang mabangong aroma ng pagkain.

"Sa labas na lang po ako kakain Sir." Tatayo sana ako ng hawakan niya ako sa braso kaya napaupo ako ulit.

"Eat or else ibabagsak kita sa klase ko." Sabi niya .

Binigay niya sa akin ang isang pinggan at kutsara tsaka tinidor.
Nilagyan niya rin ng kanin at ulam na beefsteak ang pinggang hawak ko.

Nahihiya man ay nagsimula na akong kumain. Kaysa naman sa ibagsak niya ako dahil lang sa hindi ako kumain kawawa naman ang unknown sponsor ko.

Walang imik habang kumakain  kami. Subo lang ako ng subo hanggang sa makatapos na ako. Inabot niya sa akin ang isang bottle water kaya ininom ko na lang.
Siya na rin ang nagligpit ng pinagkainan namin.

Swerte ng mapapangasawa mo Sir! Sigaw ng utak ko habang nakatingin sa kaniyang likod.

"Sir, puwede na po ba akong lumabas?" Tanong ko sa kaniya.

"Yes."

Agad agad akong tumayo saka binuksan ang pinto. Pero namutla ako pagbukas ko ngpinto bumungad sa akin ang mukha ni  Ms. Iyana. Teacher ng first year sa Law.

"Why are you here." Kunot noong tanung niya sa akin.

"Mira collect all the paperwork of your classmate then submit it to me." Sabat ni Dir sa likuran.

Thank god it's friday.

"Yes Ms. Iyana?" Baling niya kay Ma'am.

"I Just want to ask you if naka lunch ka na." Kiming tanung niya.

"Yes tapos na ako mag lunch." Tumalikod na ako kaya hindi ko na narinig ang pinag usapan nila.

Mag aala una na kaya dumeretso na ako ng classroom. Nadatnan kong naglalagay ng kolorete sa mukha si Abi. Nang makita ako ay tinabi niya ang brush at saka make up kit niya saka my kinuha sa bag likuran niya.

"Binigay ni Lukas," sabi niya sabay abot sa akin ng isang naka tupperware.

"Ano to?"

"Lunch mo daw baka magutom ka." Nakangisi niyang sagot saka pinagpatuloy ang paglalagay ng make up.

"How to be you po kasi." Natatawang sambit niya ulit. "Nakita kitang pumasok kanina sa opisina ni Sir Luke tapos ang tagal mong lumabas." Hala lagot na!

"Ah... Kuwan...may pinagawang report sa 'kin si  Sir kaya doon ko na lang ginawa sa opisina." Sagot ko sa kanya.

"Bakit hindi kami na inform na may reporting pala?"

Nak ng!
Hindi pa ako nakasagot ay pumasok na ang first Prof na namin sa hapon. Kaya ayon wala ng time na mangulit sa akin si Abi.
Buong hapon na naging busy sa subject namin. Hanggang uwian ay hindi na ulit nakapagtanung o nangulit pa si Abi.


Pagkalabas ko ng gate ay nag abang ako kaagad ng trysikel pero may pumarada na kotse sa harapan ko kaya napa atras ako.

"Get in Mira, it's me Lukas." Hinubad ni Lukas ang shades niya kaya napangiti ako sa kaniya. Kala ko kong sino na.

"Hindi na mag ta trysikel na lang ako." Tanggi ko.

"I insist Mira." binuksan niya ang pinto sa driver sit saka bumababa.
Hinawakan niya ako sa kamay at nagpunta kami sa kabilang side ng kotse niya. Pero bago pa man mabuksan ni Lukas ang Pinto ng kotse niya ay biglang my humablot ng kamay ko sa kaniya. Kaya napatingin kami parehas ni Luke agad akong kinabahan.

Si Sir Luke.

"She didn't ride at your car kid, so back off." Sabi niya ng malapitan kay Lukas.

" Sir sinong may sabi na hindi ako pwedeng sumakay?" Sabad ko.

"Me." Hila hila niya ako papuntang kotse niya kaya naiwan si Lukas na tulala.

Ang gulo ni Sir!

#diyan na lang muna.
Leave some comment if may gusto kayong sabihin feel free to message mo.

#thank you for reading my story.

❤❤❤❤❤❤❤


LOVE BENEATH THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon