Chapter 2

9 6 0
                                    

Lumipas ang mga araw at gano'n palagi ang eksina sa tuwing dadalaw ako kay Nanay.  Pero pilit ko siya na inintindi dahil sa mga pinagdadaanan niya. Naghanap ako ng trabaho bilang isang taga silbi sa isang kainan pero mababa ang sweldo. Ini ipon ko ang natira sa sweldo ko natuto akong mamuhay mag isa habang nasa kulongan si Nanay. Tutuparin ko ang pangarap ko na maging abogado at si Nanay  ang una kong asikasuhin pagdating ng araw.

"Mira!" naputol ang pag iisip ko at ng lingunin ko kung sino ang tumatawag sa 'kin. Ang kaibigan ko pala humahangos na habang papalapit sa 'kin.

"Nangyari sa 'yo Rose?" tanong ko sa kaniya. Natawa ako sa mukha niya dahil parang timang kung makatakbo sa akin.

"May tumawag kanina sa 'kin pulis daw." tumaas ang kilay ko.

"Oh?ano naman ngayon kung may tumawag sa iyong pulis?" asar ko sa kaniya.

"G*g* si Aling Brenda daw nakitang patay loob ng banyo." deretsahang sabi niya.

"Ano?" tanong ko ulit sa kaniya na tila nabingi ako sa naging pahayag niya sa akin.

"Yung Nanay  mo nakitang wala ng buhay sa loob ng banyo" sabi niya ulit habang ina alog ako sa balikat.

Tila ngayon lang nag sink in sa utak ko. Pumatak bigla ang luha ko sabay takbo sa labas ng karenderyang pinapasokan ko. Narinig ko pang tinawag ako ni Rose pero hindi ko na siya pinansin. Dumeretso ako ng sakayan ng trysikel para puntahan kung saan si Nanay.Hindi ko rin alam kung oaanong nakasakay si Rose sa trysikel.
Ilang minuto lang ay nakarating ako sa pulis station  agad akong pumunta sa information desk.

"Sir pwede ko po bang makita si Brenda Cruz?" bungad ko sa pulis na nakaupo sa mesa.

"Nako Miss nasa porenarya na 'yong bangkay niya. 'Di ba ikaw 'yong anak niya?" tanong niya sa akin.

"Opo sir" sagot ko sa kaniya.

"Natagpuan kaninang walang buhay ang Nanay mo. Wala naman kaming nakita na  foul play sa nangyari." imporma sa akin ng pulis.

"Sige po Sir, salamat." magalang kong sabi. Tinanong ko na lang din siya kung saan si Nanay dinala at agad akong lumabas pagkalabas ko ng pulis station nakita kong bumaba si Rose mula sa trysikel.

"Mira, alam mo na ba kung saan ang Nanay  mo?" tanong niya sa 'kin. Tumango ako sa kaniya.

"Iiyak mo yan Mira, huwag mong pigilan nandito lang ako." sabi niya sa akin.

Niyakap niya ako ng mahigpit kaya napahagulhol na lang ako sa sakit ng nararamdaman ko. Ang sakit mawalan ng ama, ang sakit mawalan ng kapatid at ang sakit mawalan ng ina.

"Puntahan na natin si Aling Brenda" umiiyak din siyang kumalas sa 'kin.

Tumango ako sa kaniya at agad niya ako  hinila sa sinakyan niya na  trysikel.

Pagdating namin sa porenarya ay nakita ko ang bangkay ni Nanay  na nakahimlay sa isang higaan. Tumakbo ako sa kaniya  na umiiyak.

"Nay bakit naman gano'n? bakit mo naman ako iniwan agad? Bakit ka naman kaagad sumama kay tatay nay? Pa 'no na ako? Pa 'no ko hahanapin ang kapatid ko?" sabi ko sa kaniya habang nakayakap ako sa malamig na katawan niya.

"Nay  bumangon ka na diyan kahit galit ka sa 'kin ok lang basta makita lang kitang buhay." sigaw ko sa kaniya.

"Nay,  sana man lang sinabi mo sa 'kin kung nasaan ang kapatid ko para mapuntahan ko siya." nilapitan ako ni Rose at hinahaplos ang likod ko.

"Ang daya mo naman 'nay eh. Iniwan mo ako kaagad Nay." sabi ko sa pagitan ng paghikbi ko.

"Ang sakit dito Nay," tinuro ko ang dibdib ko. "Ang bigat sa dibdib ko na hindi man lang tayo nagka linawan at hindi tayo nagkapatawaran Nay." sabi ko sa kaniya.

LOVE BENEATH THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon