CHAPTER 7 ❤

4 1 0
                                    

Alas otso palang ng umaga ay nasa school na Ako. Kahit alas nuwebe pa ang klase ko. Pupunta pa kasi ako sa library tungkol sa isa kong paper sa Political at commercial. Buti sana kung wala ng surprise quiz.

"Miss pwede makaupo sa tabi mo?" Nakangiting bati sa 'kin ng isang binata.

Nerd siya tingnan pero kapag kinuha siguro ang salamin sa mata niya makikita mo na gwapo siya. Medyo payat ang pangangatawan at my biloy sa magkabilang pisngi. Cute!

"Miss?" Untag niya ulit sa 'kin.

"S-segi bah." Tumabi ako ng kaunti para may espasyo sa pagitan namin.

"Ako nga pala si Cris Lukas." Nilahad niya ang kamay niya sa akin.

"Mira." Tinanggap ko ang kamay niya.

Ang init ng kamay niya.

"Law din ba ang course mo?" Tanung niya.

"Yes." Binalik ko ang tingin sa librong hawak ko para matapos ang binabasa ko tungkol sa first subject kong Civil law.

"I like her." He whispered kaso narinig ko.

Tindi talaga ng pandinig ko hanep na tenga to!

Maya't maya ay tumindig ako para isauli ang libro mag uumpisa na ang first subject ko. Nakita ko rin na tumayo si Lukas para ibalik ang libro niya.

Nang makalabas ako ay dumeretso na ako sa building ko. Pero ramdam ko na may nakasunod sa akin. Pagkalingon ko si Lukas pala ang sumusunod nakangiti ito sa akin.

"Dito rin pala ang building mo?" Tanung niya ng mahabol niya ako.

"Oo, graduating na ako ng law, how about you?"

"I'm in a third year, I took law because of my Father." He answer me straight in the eyes.

Nababanaag ko ang lungkot sa mata niya. Napipilitan lang siguro siya, batid ko rin na mayaman siya base sa kanyang mga gamit na dala niya. Gano'n naman ang mayaman di'ba? Pinipilit 'yong mga anak nia sa kursong gusto nila para sa anak nila.

Mahirap din naman maging mahirap, mahirap din naman maging mayaman.

Pagkapasok ko ng classroom nakita kong kinikilig ang mga babae pagkabaling ko sa mesa sa harap ay nandito na pala si Sir Luke.

"Good morning Sir," bati ko sa kaniya.

"Good morning."

Ay shet! Seryoso! Kagabe lang parang iba siya ngayon iba din ugali niya?

Attitude Sir?

Meron pa lang gano'n?

Umupo na ako, saktong tumunog ang bell.

"Guys get your papers, we're having a surprise quiz today." Seryosong saad niya bago pumunta sa akin ang paningin niya.

Halos lahat ng classmate ko ang nagmamadali sa pagkuha ng kaniya kaniyang papel. Ako naman ay habang iniisip kung ano ang mga lalabas sa surprise quiz ay kumuha rin ng kaperasong papel.

Sa abot ng aking makakaya ay nasagutan ko naman halos lahat ng tanung sa quiz ni Sir. Nang sumulyap ako sa kaniya ay tumaas ang sulok ng bibig niya habang itinaas ang papel ko.

"You surprise me Mira, you got a higher score." bulong niya ng maisa isa niyang ibigay ang papel namin.

Tama nga naman lahat ng sagot ko tama.

"Ok, Class we got a higher score this time, Mira." Pumalakpak ang classmate ko maliban sa mga babaeng sosyal na halos pumutok na ang mukha sa mga make up nila na nilagay.

"Congrats gurl,"naka thumbs up na bati sa 'kin ni abby.

Ngumiti lang ako sa kaniya saka tiningnan muli ang papel ko. My Father will surely proud of me if he still alive.

Natapos ang buong maghapon na magaan ang katawan ko. Umuwi ako ng bahay ko namimiss ko na si Rose pero mukhang busy yata sa anak niya. Hindi rin ako nakapunta sa birthday celebration ng inaanak ko dahil naging busy ako sa mga report outing at essay tungkol sa isang taong kailangan kong interviewhin.

Nakarating ako ng cafe na matiwasay pero ramdam ko na parang my nakasunod pa rin sa akin.

Sino kaya 'yon?

Alas onse pa naman matatapos ang shift ko.

"Girl, tulaley ka diyan?"Untag sa akin ni Brielle.

"Oo nga girl." Segunda naman ni Avyanna

"I'm fine." walang buhay kong sagot sa kanila. Kasalukuyan kaming narito sa lockers room tatlo kami na magkasabay na pumasok. Nakita ko silang nag aayos ng kani kanilang sarili kaya napatingin na rin sa ako sa salamin na malaki sa harapan namin.

"Alam mo gurl, ang ganda mo hindi bagay ang beauty mo sa cafe," sabi ni Brielle.
"Pang model iyang kagandahan mo Gurl"

Iwan ko sabi nga ng iba, matangos ang ilong ko, brown ang kulay ng mata ko, pati bibig ko ay natural na mapula. Matangkad rin naman ako.

"Iwan ko sa inyo, pero salamat sa papuri, una na ako sa inyo." Paalam ko.

Nang makalabas ay sinalubong ako ng isa kong kasamahan na lalaki.

"Tawag ka ng costumer Mira, 'yong nasa malapit sa bintana sabi ni freone.

Tiningnan ko ang sinasabi niya pero hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod ito sa amin. Pero may idea na ako kung sino ito.

"Good evening Sir," pormal na bati ko sa kaniya.

"Have a sit Mira," tinuro niya ang silyang nasa harap niya.

"I'm on my duty Sir, we are not allowed beside the costumer, unless we are done at work," mahaba kong litanya sa kaniya.

"Do I need to talk to your Boss before you sit that f*cking chair Mira?" Angil niya sa akin.

"No need to do that Sir," sabat ni Ma'am Alex na nasa likuran ko na pala.

"Ma'am Alex, good evening po." Bati ko sa kaniya.

Kakarating niya lang kasi ng pumasok ako kanina sabi ng kasamahan ko ay hindi pa pumunta si Ma'am Alex sa cafe niya.

Tumango naman siya sa akin bago bumaling ang tingin kay Sir Luke.

"Long time no see, Mr. Montemayor." nilahad ni Ma'am Alex ang kamay niya dito. "How your life?"

"Fucking good, still the same." Ingos naman ni Sir Luke.

"By the way, you like to waste the time of my employee,  ganiyan ka na ba ka boring ngayon," ngising saad kaniya ni Boss.

"Poor cousin you messed the wrong girl, right Mira?" Dagdag pa niya na lalong nagpainis kay Sir Luke.

Senenyasan ako ni Ma'am Alex na bumalik ng counter. Pagka upo ko sa upuan ay natanaw ko pang gumalaw ang panga ni Sir saka bumuka ang bibig niya habang nakatingin sa akin.

"You will be mine soon."

Tama kaya ang hula ko?





LOVE BENEATH THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon