"Sa wakas Mira, nakapasa ka rin. Ang bilis noh? Ang talino mo talaga Mira." masayang saad sa akin ni Rose.
"Oo nga eh." nakangiti ko na sabi sa kanya.
Nandito kami ngayon ni Rose sa unibersidad na pinag aplayan ko nang scholarship. Two weeks ago nang makakuha ako ng exam after two days nandyan kaagad ang result at laking pasasalamat ko ay nakapasa ako.
"Rose tara kain tayo libre ko." yaya ko sa kaniya.
"Pero sa mura lang muna""Oo naman Mira saka tanongin mo pa rin kung gobyerno ba mismo ang magbibigay ng scholarship sa 'yo." paalala ni Rose sa akin.
Kanina kasi nang umaga nakatanggap ng tawag si Rose mula sa Saint Mary university na pinapapunta ako ng school para sa final interview for scholarship. Nang makarating kami ni Rose ay agad kaming pinapasok sa isang private room para kausapin kami sa mga mahalagang bagay. Tinatanung ko rin kung sino ang sponsor ko. Ayaw daw magpakilala so ayon hindi na ako nagpumilit baka mawalan pa ako ng scholarship sayang naman.
Pumunta kami ni Rose sa isang fast food chain. Nag order ng burger at softdrinks para sa aming meryenda. Pagkatapos ay pumuntang kaming dalawa sa divisoria para bumili ng mga kakailanganin ko sa parating na pasukan.
"Nabili mo na ba lahat ang mga kailangan mo para sa pag aaral mo?" tanong ni Rose nang makalabas kami ng divisoria.
"Hindi pa pero ok na 'to sa susunod ko na lang bibilhin ang mga kakailanganin ko pa." malamya kong sagot sa kaniya.
"Oh siya umuwi na tayo. Pagod na ako." saad niya habang ginagawang pamaypay ang kaliwa niyang kamay.
Sumakay kami ng jeep,pagkababa ay agad kaming nagpaalam sa isa't isa para makapag pahinga. May trabaho pa kasi kami mamaya sa club kaya kailangan ko pang mag beauty rest. Sumapit ang gabi ay nagbihis na ako para pumasok maya-maya lang ay nakarinig siya ng katok kaya alam na niya kung sino ang kumakatok.
"Bukas 'yan." sigaw ko.
Lumitaw ang ulo ni Rose na naka kolorete na ang mukha."Ano ba 'yan Rose sana mamaya ka na lang nag make up. Mawawala din pag pinawisan ka s byahe." komento ko sa kanya.
"Wala akong pake basta gusto ko mag make up ngayon noh!" tumirik ang mata niya sa akin.
Haist bilib talaga ako sa babaeng to.
.............
Lumipas ang araw ay naging busy ako mula school pahinga ng kaunti tatrabaho na naman. Habang si Rose naman todo supporta naman sa 'kin.
Minsan na din akong tinutulongan ng kaibigan kong si Rose sa mga project at kakailanganin ko sa school. Ngunit ang akala kong ayos na ay hindi pa pala dahil nangyari ang kinakatakotan kong mangyari.
Isang gabi habang naka duty ako sa club ay nagkaroon ng intrapment operation. Kabilang ako sa mga nadakip dahil napagkamalan na nagbibinta ng laman. Si Rose naman ay nakaligtas dahil una ko siyang pinalabas sa likurang bahagi ng club. Ako naman ang susunod sana ay nakita ako ng pulis na nakapunta sa dressing room ng mga kasamahan ko. Kaya sumama na ako at hindi na pumalag.
Kaya natulog ako ng isang gabi sa malamig na semento. Mabuti na lang at kilala ko ang nakaduty na pulis si Sir Tristan kaya nakalaya kaagad ako ng umaga.
Hindi na nakabukas muli ang club dahil nakuhanan ito ng pinagbabawal na gamot at marijuana at iba pang party sex drugs.Ilang araw akong nagtipid ng pera dahil halos lahat ng pinag aaplayan ko ay puro paasa.
"We will call you Ma'am."
"Wait for our call Ma'am"
Ito ang kadalasan sabi ng mga ina aaplayan ko.
Nagastos ko na rin ang ibang naipon ko mula sa pinagtatrabahuan kong club dati.Hays!
.........
Naglalakad ako ngayon sa daan at naghanap ng mapapasukan. Desperado na ako kahit ano'ng trabaho basta disente aaplayan ko na.
May nakita cafe at mukhang naghahanap silang service crew."Alexandria Cafe"
"Magandang umaga po, pwede po bang magtanong kung saan ko ito pwedeng ipasa ang resume ko." Tanong ko sa babaeng nakaupo sa counter.
"Sa akin mo na iabot miss." Saad naman niya.
Nakangiti kong inabot sa kaniya ang resume ko kaya nagkaroon ako ng oras para pagmasdan siya.
Maganda siya, matangos ang ilong, yung mata niya kulay brown.
"Miss Mira puwede ka ng mag umpisa bukas." Untag niya sa 'kin.
"Totoo po Ma'am?" Di makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
Ang bilis ng blessing! Thank you G.
"Ako nga pala si Alexandria." Pagpapakilala niya sa 'kin.
Tinawag niya ang ibang crew na nagtatrabaho sa kusina tsaka sa dining area. Isa-isa niya itong pinakilala sa 'kin. Ako naman dahil lutang sa kasiyahan ay tango lang ako ng tango. Bago ako umuwi ay kinausap ko muna si Ma'am Alex 'yon ang tawag sa kaniya ng lahat.
Humingi ako ng pabor na ilagay niya na lamang ako sa pang gabihang duty dahil papasok pa ako ng school sa umaga. Pumayag naman siya nilimitahan ang oras ng pagpasok pero ang sweldo gano'n pa rin.Hanggang sa pag uwi ay parang wala ako sa sarili. Sa tagal ko ng paghahanap ng trabaho ay sa wakas may trabaho na rin ako. Makakahinga na ako ng maluwang ibabalita ko ito kay Rose bukas.
6am ako nagising excited akong nagluto ng agahan ko para makapasok ng school. Mamaya papasok na rin ako ng trabaho, sana tuloy-tuloy na itong blessing sa 'kin.
"Goodmorning Family!" Bati ko sa family picture namin.
Kung nandito si Tatay malamang masaya 'yon sa mga naaabot kong biyaya. Si Boyet kaya? Kumusta na? Malaki na siguro 'yon.
Pagkatapos kong makapag ayos ay umalis na kaagad ako ng bahay ko. Sumakay ng jeep papuntang university. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na makakapasok ako sa ganitong university. Well, thank you to my unknown sponsor dahil sa kaniya nakatapak ako sa university at nakapag aral pa sa gusto kong kurso.
"Goodmorning, Manong Guard." Bati sa Guard na naka assign sa main gate dito sa university,
"Goodmorning din Hija," bati rin nito sa akin.
Nakagaanan ko na ng loob si Kuya Guard dahil sa magaan na aura ng mukha nito.
Dumeretso ako ng classroom namin at umupo sa designated chair ko. Kinuha ang libro ko sa Law para magkaroon ng ediya. Minsan kasi nagkakaroon ng instant exam ang professor namin. Kaya pasalamat ako at hindi ako sumasablay sa mga quiz namin.
Buong maghapon na babad ang utak ko sa lesson pero still alive pa rin ako.
Excited din akong lumabas ng gate at sumakay ng jeep. Deretso sa pagtatrabahuan ko. Doon na lang din ako magpapalit dahil dala ko naman uniform na binigay kahapon ni Ma'am Alex.
BINABASA MO ANG
LOVE BENEATH THE SKY
RandomREAD AT YOUR OWN RISK! This is work of fiction,names ,character,business and place are product only of author imagination. Any resemblance about the story to an actual situation is purely coincidental. COPYING is a crime. Write your own story. @2022...