Taon na ang lumipas sariwa pa rin ang alala nila Nanay at Tatay sa akin. Hindi ko na rin nasubukang hanapin si Boyet. Kapag day off ko naman ay pumupunta ako sa bahay ni Lola Neneng. Tulad ngayon nandito ako sa bahay niya dahil namimiss ko si Nanay. Magkasama kaming nanonood ng paboritong telenovela niya. Yung Lobo ni Angel Locsin galit na galit siya pag makita niyang inaapi si Lyca eh. Kilig din siya pag moments na ni Noah at saka ni Lyca. Ako naman ay tumatawa lamang na tinitingnan niya.
"Apo dito ka na matulog ha? Gabi na para umuwi ka pa." sambit niya ng mag commercial ang pinapanood namin.
"Opo lola, plano ko talagang dito matulog." sagot ko naman sa kaniya.
"Alam mo Apo masaya ako kahit iniwan ka na ng lahat naging matibay pa rin 'yang loob mo para lumaban sa buhay araw araw." nakangiti niyang salita sa akin.
"Hindi naman lahat iniwan ako. May kasama pa ako. Ikaw na maalaga sa akin, si Rose. Tsaka gusto ko pa mag aral ng college Lola. Ikaw ang gusto kong mag sabit ng medalya ko kapag nangyari 'yon." nagmamalaking bigkas ko sa kaniya.
"Sana nga Apo mahintay ko pa 'yan pagtatapos mo." sabi niya at binalik ang atensyon sa tv niya.
Hindi na rin ako umimik at nanood na lamang ng palabas.
12am hindi ako makatolog lumabas ako ng kwarto at tiningnan si lola kung tolog.
Nakita ko siya humihilik pa kaya napangiti ako. Lumabas ako ng bahay niya at naglakad lakad. Napadpad ako sa isang tindahan kaya bumili ako ng softdrinks at isang tinapay. At nang makadama ako ng antok ay bumalik ako sa bahay ni Lola Neneng para matolog..............
"Lola good morning po" masigla kong bati sa kanya. "Sunday ngayon 'la. Magsimba kaya tayo la?" suggest ko sa kanya.
"Magandang idea 'yan Apo." nakangiti niyang sabi sa akin.
"Almusal na tayo 'la para makapagbihis tayo at ng makapagsimba tayo. Kailangan kong mag bawas ng sungay 'la." patawa ko sa kaniya.
"Apo kahit mahaba 'yang sungay mo anghel ka pa rin para sa 'kin. Kasi mabait ka sa lahat ng may sungay." natawa ako sa naging turan ni lola sa akin.
"Sus, Lola talaga bolahin pa ako." sambit ko habang naghahanda ng almusal namin.
"Totoo 'yan apo." nakangiti niyang sabi sa akin.
Hindi na ako sumagot sinandukan ko ang pinggan ni Lola Neneng ng sinangag at pritong itlog.
Pagkatapos naming kumain ako na rin ang naghugas habang si Lola naman ay nauna nang maligo at nagbihis.
Pagkatapos ko namang maglinis ng kusina ay naligo ako at pumunta sa kwarto tinutuloyan ko dito sa bahay ni Lola Neneng may damit na rin ako iniiwan dito.
Nagsuot ako ng fit na jeans at saka tshirt na maluwang."Apo bakit hindi mo subukan mag dress?" tanong ni Lola ng makita niya ako na nagsusuklay habang hinihintay siya.
"Hay nako, Lola kung ang uniform ko nga sa club hanggang tuhod naiinis ako dress pa kaya na kung kaunting yuko lang makikita na ang kaluluwa mo. Hindi bale na lang po Lola." natatawa siya sinabi ko .
"Sinasabi ko lang naman Apo subukan mo baka naman magustuhan mong mag suot ng dress." asar niya pa sa akin.
"Sige Lola asarin mo pa ako sa dress." nakanguso kong sabi sa kanya.
"Oh siya humahaba na 'yang nguso mo." Natatawa na naman siya at lumabas na.
Sumunod ako sa kaniya at nilock ang pinto ng bahay niya.
Pumunta kami ng labasan para makasakay ng trysekil papuntang simbahan ng tondo.Nang matapos kaming magsimba nagsindi ako ng kandila para ipagdasal ang kaluluwa nila Tatayat Nanay pati narin si Boyet kung nasaan man siya ay pinagdasal ko rin na sana nasa maayos siyang kalagayan.
Pagkatapos ay niyaya ko si lola na magmeryenda sa isang murang tindahan nilibre ko siya ng siopao at softdrinks ayaw pa sana eh. Ngunit mapilit ako kaya pumayag siya. Nang matapos ay umuwi na kami nagpaalam ako kaagad sa kaniya na umuwi ng bahay para maglinis do'n."Mira, ang hirap mong hagilapin pumunta ako sa bahay kanina ni Lola Neneng pero sarado. Saan ba kayo lumargang dalawa." litanya ni Rose ng makita niya ako naglalakad pauwi ng bahay.
"Nagsimba kaming dalawa tsaka kumain." maikli kong sagot sa kaniya.
"Bakit ano ang kailangan mo at parang nagmamadali ka.?" tanung ko sa kanya"May surprise ako sa 'yo." tili niya.
"Mukha kang timang Rose. Ano ba 'yan?" bagot kong tanong sa kaniya.
"Ano ba 'yan parang hindi ka naman excited. Hindi bale na lang." nakasimangot niyang sabi at sabay na tumalikod.
"Oy biro lang. Ano ba 'yon?" tanong ko sa kanya. Hinila ko siya sa gilid ng kalsada para hindi kami makasagabal ng mga dumadaang sasakyan.
"Kasi sa may Saint Mary college magbubukas sila ng scholarship para sa gustong mag abogado." sumigla akong bigla sa binalita ni Rose sa akin.
"Talaga Rose? kailan ba mag uumpisa?" masigla kong tanong sa kaniya.
"Sabi na nga ba't matutuwa ka sa ibabalita ko sa'yo eh. Sa susunod na linggo sila magbubukas for applying scholarship." nakangiti siya habang nagsasalita sa akin.
"Sige pupunta ako sayang ang opportunity."sabi ko naman kay Rose.
"Oo nga eh. Kagabe lang 'yan sa 'kin binalita ng isa kung na i table. Inofferan ba naman akong siya magpapaaral sa akin kapalit ng katawan ko." Sumbong niya sa akin.
"Bakit hindi mo pa tanggapin sayang 'yun" naghihinayang kong tingin sa kanya.
"Tingin mo Mira pag malaman niyang may anak ako. Mag aalok pa kaya siya ng ganung bagay sakin.?" tanung niya sa akin.
"Eh hindi mo malalaman pag hindi mo sinubukan." sagot ko sa kanya.
"Mayaman 'yun Mira mahirap lang ako p*kp*k pa." nadismaya ako sa kaniyang sinabi.
"Rose hindi porket may anak na hindi na pwedeng seryosohin. Hindi porket ganiyan ang trabaho mo hindi ka na pwedeng magbago. Hindi ba kaya mo ginagawa ang ganiyan dahil sa may anak kang kailangang mabuhay? Hindi man marangal ang trabaho mo atleast hindi ka nangaagrabyado ng ibang tao. " sinubukan kong pagaanin ang loob niya.
"Pano ako magkapag aral Mira kung may anak akong kailangang pakainin araw araw?" Litanya niya pa sa akin.
"Hay nako, Rose pag ayaw may dahilan pag gusto may paraan." tinapik ko siya ng balikat at niyayang pumunta ng bahay.
Nang makapasok kami ng bahay ay binigyan ko siya ng juice na tinimpla ko at saka isang piraso ng ensaymada."Magkano na ba ang naipon mo para sa pag aaral mo Mira?" tanong sa 'kin ni Rose ng makaupo kaming pareho sa sala ng bahay.
"Konti pa lang naman saka hindi ko pa binilang." Sabi ko at uminom ako ng juice ko.
"Hindi na rin siguro kailangan 'yon Mira hindi ba pag makapasok ka bilang skolar libre na lahat?" tanong niya sa akin.
"Hindi rin Rose dahil 'yong mga project tsaka mga paperworks ikaw din ang gagastos." sagot ko naman sa kaniya.
"Bumili ka kaya ng cellphone paniguradong magagamit mo 'yan pag mag aral ka na. Para madali na rin kitang makontak anytime na may kailangan ako sa 'yo." suggestion niya sa akin.
Wala kasi akong gadget kasi ayaw kong gumastos sa mga bagay na alam kong hindi ko kailangan. Saka hindi ko rin kailangan ng cellphone sino naman ang tatawagan ko?
"Sa susunod na lang Rose wala pa akong pera" saad ko sa kanya.
"Puro ka na lang sa susunod nakarami ka na ng susunod hanggang ngayon wala pa rin. Dapat ini enjoy mo yan pagiging single mo para kahit papano may nakikita ka sa pinag hihirapan mo." payo niya sa akin.
Tumango na lang ako sa kaniya bilang pag sang ayon sa sinabi niya."Oh siya uuwi na ako. Baka hinahanap na ako ni Nanay at ng anak ko." sabi niya at tumayo.
Tumayo na rin ako para ihatid siya sa pinto."Sige ingat ka Rose." sabi ko ng magpaalam na siya sa akin.
"Yung scholarship huwag mong palampasin!" sigaw niya habang naglalakad palayo.
Ngumiti na lang ako at nagligpit ng ginamit namin ni Rose na baso.
Sana lang makapasa ako!

BINABASA MO ANG
LOVE BENEATH THE SKY
SonstigesREAD AT YOUR OWN RISK! This is work of fiction,names ,character,business and place are product only of author imagination. Any resemblance about the story to an actual situation is purely coincidental. COPYING is a crime. Write your own story. @2022...