PART2 : CHAPTER 3 ✨
-
RED ~
Nang makarating ako kanina sa school nila Raven agad akong dumeretso sa office ni Tita Roan ( Mommy ni Raven). Ipinakita ko ang picture ng apat na bata sa kanya at hiningi ang mga record ng mga ito. Jared Cole Scot, Jace Clarkson Scott, Jerome Clain Scott and Jannella Cassandra Scott nice names. Pero mas nababagay sa kanila ang apelido ko.
Hindi muna ako nag pakita sa kanila pero binabantayan ko sila ng tingin mula sa malayo.
"kuyas?" tawag ni Cassandra sa mga kuya niya.
"hmm?"
"yeah?"
"yes princess?"Sabay sabay na Sagot ng tatlong lalake.
"Are we freak?" nakatungong sabi nito habang nilalaro ang mga daliri niya.
"WHAT?"
"ANO?"
"SINONG NAG SABE NIYAN!?""k-kase narinig k-ko yung ibang s-students sabe nila Quadrufreak daw tayo. Tapos w-wala daw t-tayong d-d-daddy," kagat labing na sabe niya sa mga kuya n'ya.
Tsk. Dapat siguro mag pakilala nako sakanila? Pero pano? Tsk. Lalakad na sana ako palapit sa kanila ng biglang---
*BOOGSH*
Yung basurahan. Tumumba. Napatitig ako sa mga anak kong lalaki. Naniningkit ang mga mata nila habang nakakuyom ang mga kamao nila.
Huminga muna sila ng malalim bago muling nag salita.
"Don't mind them princess. Hindi naman tayo Freak ok? About Papa naman. Let's ask Mama about Him ok?" ani ni Jared.
"Kuya Jared is right Princess. tss wanna punch those faces ng mga nag sabe non." Jace
"Tahan ka na Princess gusto mo bang pumangit ka?" sabi naman ni Jerome.
Napangiti nalang ako sa mga nakita ko
Hours Pass. Uwian na nila. Nakaupo lang sila sa waiting area habang may inaantay at wala pa ngang ilang minuto may nakita na akong matangkad at maputing babae na naglalakd palapit sa kanila.
Alam kong nararamdaman niya ang prisensya ko dagil narin sa nakitong pag lingon lingon nito. Nakita ko pang nag usap muna sila ni Jared bago nag lakad papuntang sasakyan.
Akmang sasakay na din ito ng mapatingin ito sa gawi ko. Kitang kita ko kung pano siya mamutla at manlaki ang kanyang mga mata. Kaya agad agad itong sumakay at nag drive palayo.
Napapangiting sumakay din ako sa sasakyan ko at sumunod sa kanila.