Prologue

50 7 9
                                    

Prologue...

Lulan ng eroplano ay tahimik na nakamasid ang isang dalaga sa kaulapan at tila malalim ang iniisip.

Wearing her checkered brown dress at nakalugay rin ang mahaba at medjo kulot na buhok nito ay litaw na litaw pa rin ang kagandahan ng dalaga. Yes, indeed. Perfection was on its way for Sherrinah. No, scratch that. It's just an 'almost perfection.'

Sherrinah was on her way back to Philippines after four years of staying in New York with her Mother and Stepdad and now, pabalik na siya ng Pilipinas to start her College life here.

Labag na labag sa dalaga ang pag-uwi rito but she has no choice. Siya ang pinaka unang inaasahan na magtitrain at mamamahala someday sa kanilang Family Business, ang Brewery.

Five more hours when the plane finally reached Manila. Imbis na ngaumiti sa sobrang excitement, she just heaved a very deep sigh.

'Here we go again.' bulong niya sa sarili bago muli huminga ng malalim at sinuot ang kanyang Versace Aviators and she finally walked off from the plane.

Her eyes went busy wandering around when she reached the arrival area habang tulak tulak sa dalawa niyang cart na merong tiglimang malalaking maleta. Naagaw lang ang atensyon nang may makitamg placard na merong pangalan niya. Umiling siya because she was expecting her Dad to fetch her pero driver nito ang sumundo sa kanya. Nilapitan niya agad ito at ibinigay ang dalawang cart rito bago siya umuna sa paglalakad.

She walks like a runway model kaya lahat ay napapatingin sa kanya. She's just 17 years old pero sa unang tingin, aakalain mong isa siyang Supermodel.

"Ma'am, pasensya na po ha kung traffic. Rush hour po kasi ngayon." Ani ng driver pero hindi ito pinapansin ni Sherrinah. She was too busy watching at something that she can't have. A something that her heatt desires for a long time na alam niyang hindi na mangyayari dahil may kanya-kanya nang pamilya ang magulang niya.

'Why am I still living?' Tanong nya sa isip at kapagkwan ay tumingin sa pulsuhan niya na merong ilang hiwa na kagagawan niya. She did that thing when she was drunk. Natigil ang isipan niyang yun nang malingat siya sa maingay na radyo ng sasakyan.

"Turn off the radio." Maawtoridad nitong utos.

"Pero Ma'am, balita na po kasi eh."

"I don't care, just turn it off. Maingay." At ito na, nagsisimula na ang pagsusungit niya. She leaned back at the backseat at muling binaling ang tingin sa labas ng bintana. Balak na niyang matulog pagkarating na pagkarating ng bahay.

Pagkarating sa mismong bahay nila, agad na sinalubong ng maids si Sherrinah at pinagkukuha ang mga maleta nito. Her Dad welcomed her a hug at hinalikan siya nito sa noo. Pinasadahan niya ng tingin ang buong lugar, hindi niya inexpect na meron palang welcome party para sa kanya. Tipid lang siyang ngumiti sa lahat.

"Welcome home, Sherrinah!"

"Thank you." At ngumitj lang siya ng kaunti sa mga ito. She can't feel the happiness, maybe because she's tired. Hindi biro ang 15 hours na nakaupo ka lang sa eroplano.

"Are you hungry? How was the flight?" Her Dad asked.

"Just fine and I'm not hungry yet po, Dad. Kumain na kami ni Manong sa labas." Pagsisinungaling niya pero ang totoo, gusto lang talaga niya mapag isa. Huminga siya ng malalim bago tumingin sa kanyang ama. "I just want to take a rest. You guys, enjoy the party." Mahina niyang sabi at hindi na hinintay ang sasabihin ng ama niya. Andito na naman siya sa pakiramdam niya na gustong umiwas sa lahat.

She walked upstairs kung saan naroon ang dati niyang kwarto na ayon sa isang maid ay isang linggong inayos bago siya umuwi. Simple lang siyang sumilip mula sa blinds at kita niya kung gaano kasaya ang kanyang ama sa pamilya nito at nagtama ang tingin nilang mag-ama. Napangiwi nalang siya sa mga nakikita niya at isinara nalang ang blinds. Nagpasya nalang din siya na ayusin na ang sarili bago matulog.

Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now