Chapter Sixteen
"Dad? Hindi pa po ba tayo uuwi? 1 am na po oh." Sherrinah asked her Dad while taking a look at her wrist watch.
Kasalukuyan sila nasa Valeria Restaubar, na minamanage ng Ninong Isaiah ni Sherrinah. Right after nila magkaaregluhan sila sa presinto, nagkayayaan sina Eyris at Sean. Most of the time, sila lang ang mas nag uusap kaya naman parang hindi maipinta ang mukha ng Tita Loralaine niya ngayon.
"I'll just call our driver to fetch you up and your Tita L."
"K." Tinaasan ito ni L ng kilay. Tumikhim naman sa gilid si Kai dahilan para pansinin siya ni Sherrinah at ismiran.
L crossed her arms towards Sean.
"Kaya na namin mag taxi.""It's quite dangerous to take taxi at this time,L."
"I can drive, Dad." Segunda ni Sherrinah but Sean glared at her.
"No, you're drunk."
L rolled her eyes towards her husband. Obviously,hindi niya makausap ng matino ang asawa. She grabbed her phone from her bag, para siguro magbook nalang sa Grab.
"Let's go, She." Anito saka hinawakan sa kamay si She. "Uwi na kami. Ipapasundo nalang namin ang asawa ko sa driver namin."
"Can't you stay for awhile?"
Alanganing ngumiti si L kay Eyris.
"Hindi na. Baka kasi hinahanap na rin ako ng bunso ko. Let's go, She?"
She grabbed her things at nahuli pa ang judgmental look sa kanya ni Kai. Inirapan lang niya ito at simpleng inapakan ang paa nito bago tuluyang nagpahila sa Tita L niya.
"Feeling uncomfortable?" Tanong niya sa Tita L niya habang nasa biyahe silang dalawa. Bilang wala siya sa huwisyo mag drive ng kanyang Mustang ay nagpasya sila na mag Grab nalang. Good thing sa bar ni Marga nila iniwan ang kotse niya, ipapakuha nalang niya sa Personal Driver ng Mommy niya.
Balak niyang sa mga Torres niya ipagkatiwala pansamantala ang sasakyan, knowing Sean na malamang nag iisip na itong parusahan siya at kunin ang gadgets at car niya. Uunahan na niya ito. She immediately texted Habakkuk to fetch her car at the bar.
Kanina pa nakasimangot si L kaya naman naninibago si She sa mood na yun ng Tita niya.
"Hindi ah. Just wanna give your Dad a catch up moments with Sandovals especially with Eyris."
"Sounds like you're a jealous Wife, Tita?"
"Hindi ah." Tanggi agad ni L at bumaling sa bintana.
"Baka kaya di nagkatuluyan si Dad at Tita Eyris kasi baka may ibang plano si Lord para sa am---"
Hindi na naituloy ni She ang sasabihin niyang pang-asar sa Tita L niya nang agad itong bumaling sa kanya.
"Kung magiging balae ko lang din si Eyris, thank you nalang." Anito nang di nililingon si She.
Sherrinah laughed so hard upon hearing her Tita L's sentiments kaya naman pinaka titigan siya ng stepmom niya.
"Hindi daw nagseselos! Ay sus Tita. Nagdedeny pa." Aniya at tumigil na sa pagtawa. "Don't worry Tita,hindi ako papatol sa jerk na Kai na yun."
"Di natin masasabi yan,She."
"Pero paano nga kung..." Tinignan niya ang Tita L niya na tila ba nang aasar pa.
"Sherrinah." Awat na sa kanya nito. She giggled at binaling nalang ang tingin sa bintana bago pa siya pagalitan ng Tita L niya dahil sa mga pang aasar niya.
Nang gabing yun, Sherrinah spent her night at her Dad's house dahil may curfew sa subdivision na tinutuluyan niya at wala namang kaso if she spend her night at Sean's House dahil Linggo naman at welcome siya dito.