Chapter Eight.
The following days weren't easy for Sherrinah lalo na at kumakalat pa rin ang issue ng isang illegitimate child na inilabas ng Marites na Blogger ng School nila. Naglalabas rin ito ng mga hint tungkol sa taong nasa likod ng blind item at tugmang tugma ang bawat detalye nito sa kanya. Tuloy, nagiging bulong bulungan na rin siya sa School, dumagdag pa sa isipin niya ang mga pasaring sa kanya ni Antoinette.
She chose not to tell it over her Family, as long as na walang nininame reveal ang blogger,hindi siya kikilos or magsasalita na muna. That was her plan. Masyado nga namang halata kung aaksyon agad siya. Kinausap na rin niya ang kaibigang si Haven na hangga't maaari ay hindi ito magdadaldal sa kahit na sino, kahit pa sa magulang nito. Nangako naman si Haven at aniya, tutulungan pa siya nito na iresolba ang nangyayari. Hindi niya alam kung bakit tila wala man lang ginagawang aksyon ang School nila. Pero naisip rin niya na given na yun kung kakilala ng mga ito ang Blogger.
Wala siya ibang gustong makausap,kundi si Haven lang. Dahil sa lahat ng tao, ito ang mas pinaka pinagkakatiwalaan niya.
"Bat di mo nalang sabihin sa parents mo? Kay Tito Maurice? Kay Ninong?" Haven asked while they're having a lunch break at the cafeteria. Walang patawad ang chismis dahil kahit sa cafeteria, naririnig niyang pinag uusapan pa rin siya ng mga estudyante roon. Napapasapo na lang siya sa ulo dahil sa hinaharap niyang problema ngayon.
"I don't want to disturb Papa Maurice. May crisis ang Chung Enterprise ngayon. As for Dad, wala naman time sakin yun. Busy yun sa asawa niya. As if naman na pagtuunan ako ng pansin nun." Huminga siya ng malalim. "Baka nga ako pa ang pagalitan nun.
"Hindi naman siguro." Haven said. "Tutulungan naman kita mag explain e. Or kahit sa Mima mo na lang? For sure naman ipagtatanggol ka nun."
"Ayokong manugod siya dito sa School at atakihin lang ng highblood dahil sa issue ko. Saka, kaya ko pa naman." She tried to smile pero ngumiwi lang si Haven knowing hindi totoo ang smile na yun at ramdam niyang pinipilit lang nito ang sarili.
"I know you. Maloloko mo ang lahat pero hindi ako na bestfriend mo."
She sighed very hard. Di niya maipagkakaila na kilala nga talaga siya ng kaibigan niya.
"Basta, atin atin nalang to. At kakayanin ko." Tipid na ngumiti ito. "You're always with me, right?"
"Of course. Basta promise me na kapag nalaman ko na kung sino yung Blogger, wag ka mag dadalawang isip na isumbong sa parents mo. Wag mo hintayin na ako pa ang magsabi, kakaloka ka." Aniya bago sumubo ng steak.
After her classes for that day, on the way na siya sa Parking Lot nang mahagip niya ang isang pamilyar na tao. It was Austin.
"Hindi ko alam kung ano pero parang pinagtatagpo talaga tayo ng tadhana."
"And you surely believed about destiny?" She asked while busy on her phone to book herself a taxi on her way home.
"Look, ilang beses na tayo nagtagpo. Hindi ka ba nagtataka?"
"Ang nakakapagtaka sakin as of now ay kung ano ang ginagawa mo rito? Knowing that you already graduate? Sayang naman ang diploma mo kung magiging stalker ka lang."
"Look who's talking about stalking but seems like you probably knew anything about me. Alam na alam mo na graduate na ako." Preskong sabi nito sa dalaga.
"Why bother to stalk you e kung halos lahat ng front page ng dyaryo, ikaw ang laman. Kung ako ang sinusundan mo, wag ka na umasa na papatulan kita. Ayokong nadidikit ang pangalan ko sa playboy na katulad mo kaya umuwi ka nalang at kung pwede, linawin mo naman sa lahat na we are not dating. Duh." Tinaasan niya ito ng kilay. "Hanga din naman ako sa katulad mo. Sa dami ng problema ng Pilipinas, nagawa mo pang dagdagan."