Chapter Thirteen
"Tita, sorry po talaga. Hindi lang po talaga ako makapag-isip ng maayos that time,"
Bumitaw sa pagkakayakap si L saka tinignan sa mata si Sherrinah.
"Wala kang kasalanan. Hindi kita sinisisi,okay? Huwag na huwag mo sinisisi ang sarili mo dahil wala naman may gusto ng nangyari." anito at niyakap muli si Sherrinah. "I'm sorry rin kung nanahimik lang ako sa lahat ng nalaman ko."
"Alam niyo po?"
"Yeah. But I kept it silent dahil gusto ko na sa'yo mismo manggaling ang lahat ng pinagdadaanan mo but I'm wrong. Dapat noong una palang, nagsalita na ako."
"I told you, She. Hindi magagalit sa'yo si Tita Loralaine." naupo si Haven sa katabing upuan ng kama ni Sherrinah.
"But still, dahil sa akin nawala ang baby. I'm too careless. Hindi ako nag-iisip."
"Tama na. Stop blaming yourself. Ang importante, nagkalinawan na ang lahat, hmm?" ani L at hinalikan sa noo si Sherrinah. "Nagkausap na kami ng Mommy mo, malinaw na ang lahat sa Daddy mo kaya sana magkaayos na kayo ni Daddy mo ha pati siyempre, ni Silver."
Hindi na niya muling nakakausap si Silver mula noong gabing umalis na siya sa bahay ng Daddy niya though lagi naman niya ito minimessage para kamustahin pero hindi siya nakakatanggap ng kahit isang reply.
"Oo nga pala, kami na muna ang magbabantay sa'yo dito. May aasikasuhin lang daw si Tita Lorraine." Haven said while smiling.
Tanghaling tapat nang saglit iwan ni L ang magkaibigan dahil saglit itong tinawag ng doctor para kausapin at para na rin siguro icheck ang bill total nag-insist si Sean na siya na ang sasagot ng lahat ng gastusin sa ospital.
"Oy girl, magpagaling ka na. Ang dami na namin nakakamiss sa'yo sa school ha."
Sherrinah scoffed.
"Kung makasabi ka ng 'namin' parang ang dami ko kaibigan sa school e ikaw lang naman ang kasa-kasama ko dun and as if naman na babalik pa ako dun."
"Duh, kinakamusta ka rin ng ibang students dun. Dahil sa'yo,expelled na si Antonietta."
"Ha?"
"Di mo alam?" saglit na binaba ni Haven ang bag niya. "Nag joint force si Ninong Sean at Mr.Chung with the help of your Uncle and Mr.Zild. Usap-usapan yun sa School ha.
Umiwas ng tingin si She kay Haven. For now, wala pa siyang balak na bumalik ng School. Iba yung trauma na inabot niya sa pambubully sa kanya.
"And anyway... Austin was asking kung puwede ka dalawin? But knowing your Dads..." Ngumiwi si Haven at umiling-iling. "Sinabi ko nalang na hindi puwede. Ang connservative pa naman ng mga tatay mo."
"Just like your Dad."
"Yeah right." Haven pouted.
Isang linggo pa nanatili si Sherrinah sa Hospital bago sila umuwi sa Mansion ng mga Torres. Medjo nagtagal siya sa Ospital dahil na rin sa mga Therapy na ginawa sa kanya. Hindi niya alam kung nakatulong ba ang mga Therapy na yun dahil hindi pa rin maalis ang takot sa kanya.
Unti unti na rin sila nagkakaayos ni Silver. Madalas pa ito dumalaw sa Ate niya kasama si Loralaine kada uwian nito galing sa School. Kaso nga lang kada naroon si L or si Sean, umaandaw na naman ang kasungitan ng Mima niya.