Chapter Seven

15 3 4
                                    

Chapter Seven


It was Monday again and Sherrinah obviously hates it. Masakit pa ang ulo niya dahil galing sila ni Haven sa bar kagabi at pasado alas dose na siya ng hatinggabi nakauwi. Siyempre,sinundo pa siya ng Tatay niya dahil lasing na lasing kagabi si Sherrinah. Tumawag pa sa bahay kagabi si Haven dahil ayaw pa nito umuwi.


"Aya, pakigawa ako ng kape." Pagpapasuyo niya sa maid via intercom.

"Yes po, Miss She."

Matapos nun ay agad siyang dumiretso ng banyo para mag-ayos na. Kahit may hangover pa siya ay gusto pa rin niyang pumasok ng School, kesa naman tumambay lang sa bahay at tawagan pa siya ng ina niya para sermunan. For sure, nakarating na kay Lorraine ang paglalasing niya. Sean and L always update her Mom tungkol sa mga nagaganap sa kanya dito sa Pilipinas.




After niyang maligo at mag-ayos, bumungad ang Daddy niya at ang Tita L niya pagkalabas niya ng walk in closet at may dalang kape para sa kanya. Sean looked at her seriously.

"Oh ano, maglalasing ka pa Sherrinah Isabelle Linatoc?"

"I'm still using Papa Maurice's surname." Simpleng sagot niya sa ama.

"Sa akin ka nanggaling, Linatoc ka pa rin." He firmly said towards his daughter. "Gusto mo bang magrounded ulit? Hindi ka ba talaga nadadala sa mga ginagawa mo?"

"Love, mauna ka na sa office. Ako na ang kakausap." L insisted at ngumiti ito sa asawa. "Isasabay na lang namin ni Silver si She sa school."

"You sure about that?"

Loralaine nods at him at tinapik tapik ito. "Ako na ang bahala. Sige na."

"Ayoko nang mauulit ito Sherrinah ha." Ulit ng Daddy niya sa kanya but she doesn't care. Lagi naman siya pinaghihigpitan nito at hindi na bago yun sa kanya.


Nang maiwan sila ng Tita L niya sa kwarto niya ay inilapag nito ang kape sa bedside table niya at naupo sa tabi niya at simpleng iginilid ang buhok niya sa tenga. L then smiled at her.

*May problema ba? You can always talk to us, hindi solusyon ang alak."

Hindi makaimik si She sa tanong ng Tita L niya dahil ang problema nito ay ang pagiging magalitin sa kanya ng Daddy niya for the passed few days habang alagang alaga naman ang Tita L niya at si Silver. Ayaw niyang magselos pero yun ang nararamdaman niya.

Dumagdag pa ang chismis na dinidate daw niya ang sikat na young photographer. Ni hindi na nga niya muli nakita pa si Austin after ng announcement ng Winners ng Local Photography Contest na sinalihan niya. Porke ba nakita silang magkasama sa backstage? Girlfriend agad?

"May problema ka ba sa lovelife?"

"Tita wala ako nun." Tanggi niya sa tanong na yun ng Tita L niya at natawa ang Tita L niya sa nireact nito sa kanya.

"Akala ko pa naman boyfriend mo na talaga yung Austin. Lalo tuloy naghihigpit ang Daddy mo."

"Nang dahil lang po dun, nagagalit na sa akin si Daddy?"

Saglit na nag-isip si L at tumingin sa kanya.

"Hmm. Maybe? Intindihin mo nalang. Nag-iisa kang prinsesa dito kaya iniingatan ka niya." Tipid na ngumiti sa kanya ang Tita L niya.

Gusto niya sanang maniwala na iniingatan nga siya ng Daddy niya pero agad din sumagi sa isip niya ang sinabi ng Mima niya na kung talagang mahal siya ng Daddy niya, never itong magagalit sa kanya anuman ang mangyari.

Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now