Chapter Two

20 4 8
                                    

Chapter Two

"Sinabi ko naman na ingatan mo tong damit ko pero anong ginawa mo? Sinunog mo!"

"S-sorry po, Ma'am."

"Kahit ilang sorry pa yan at ikaltas pa sa sweldo mo, kulang na kulang yun para mabayaran mo ito! Bwiset!"

It's been a year since Sherrinah started living with her Father at simula rin noong misunderstanding nila ng tatay niya noong debut niya, mas lalong lumayo ang loob niya rito.

She keeps yelling at Chen today dahil nasunog nito ang damit na sana ay susuotin niya sa pagpasok. It was her favorite dress kaya sobrang nag-iinit ang ulo nito. Inis siya na naghalukat ng iba pang damit sa closet niya. Hindi naman makapagpigil si Loralaine at lumapit na rito.

"Papalitan na lang natin yung damit kung yan ang ikinagagalit mo, Sherrinah."

"You can't replace something came from my Mima and stop acting like you care." Anito  bago nilampasan ang stepmother hustong makuha nito ang damit at muling nagpalit sa loob ng Banyo. "Yung Dolce and Gabbana shoes ko,Chen! Ang bagal mo!" Sigaw nito mula sa loob ng banyo.

Mukhang rinig ni Sean ang mga sigaw ng anak nito kaya pumasok na ito roon sa loob ng kwarto at agad din lumapit kay Loralaine. Hindi na bago sa kanila ang ganitong senaryo mula kay Sherrinah. Hinahayaan nalang din ni Sean bilang nagiguilty din naman siya lalo kapag hindi niya napagbibigyan ito sa atensyon na gusto ng anak.

But in the passed few months mula noong debut ng panganay niya, nag-iba na ang anak niya. Hindi na ito humihingi ng oras para makasama lang siya. Sa isip niya, nag-sawa na rin siguro ang panganay niya na humingi ng oras sa kanya at guiltyng guilty siya roon.

"L..." Tawag niya sa asawa.

"I just want to help her pero okay lang kung ayaw niya." Tipid na ngumiti si Loralaine sa asawa.

"I've had given a chance na makasama siya but still I disappointed her. Kasama nga natin si She pero parang ang layo niya." Sean heaved a sigh on his thoughts. "Mas nakakasama pa niya ang mga kaibigan niya. Doon niya nakukuha ang atensyong hindi ko nabibigay."

"Shh." Alo ni L sa kanya. "Just give her time. Pasalamat nalang tayo na kahit papaano, kasundo na niya si Silver. It will take time." L nodded at tumingin sa pinto ng banyo kung saan naroon si Sherrinah. "Hindi naman ako magsasawa na magpaka-nanay rin sa kanya."

Sean smiled at his wife. Talagang maswerte siya sa asawa niya dahil napaka maintindihin nito despite of everything.


Sherrinah already arrived at her school, The De La Salle University and she's currently taking Bachelor of Arts in Photography. At first, her Mima scolded her dahil ang gusto nitong kunin niya ay anything na related sa Business ang course niya dahil inaasahan siya nito sa Brewery. But she declined dahil mas fit bilang heir Brewery ang anak na lalaki ng Tito Echo niya na si Aiden bilang ito ang nag-iisang lalaking apo ng mga Torres. Nagpromise lang siya sa Mima niya na tutulungan pa rin naman niya ang pamilya sa negosyo kaya pumayag na lang din ang Ginang sa gusto niya.

"Hey girl!" Bungad sa kanya ng kaibigan na si Haven at may simpleng inabot sa kanya. "Look what I've got for us!"

Simpleng binuksan ni Sherrinah ang nasa envelop at laking gulay niya sa laman nito.

"Concert ticket ni Avril Lavigne? Seryoso ka ba?!"

Haven nodded.

"And since vacant naman ang last subject natin sa hapon, why not na umatted tayo sa Korea mamaya di'ba? What do you think?" Anito at nilabas mula sa likod nito ang plane tickets.

"Gaga ka talaga! Mabuti nalang lagi kong dala ang passport ko kung hindi, naku baka nasumbag na kita!"

"Ano? G ka ba? Ipagpapaalam kita kay Ninong!"

Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now