Malalaman mo lang na mahalaga ang bagay pag nawala na ito sayo.
parang sa pag-ibig malalaman mo lang na mahal mo ang isang tao pag naagaw na ito sayo. Nasa huli talaga ang pagsisisi.
Im Yuri Park 15 yrs. old half japanese ako . nag aaral sa Wisdom academy . Pangalawa ang pamilya ko sa pinakamayayaman sa bansa . May mga company kami sa makati at may resort naman kami sa Boracay ang company ng mga Park ang pangatlo sa pinakakilala at pinakamataas na kompanya sa bansa
*Hi sweety iLoveYou
Ringtone ko yun . boses ng pinakamamahal kong boyfriend
Nag text si wyeth.
Wyeth:
Sweety goodmorning magayos kana diyan at susunduin kita para makapasok na tayo . iLoveYou Sweety ko .Ang sweet talaga ng boyfriend ko .
ilang sandali lang ay narinig ko nang pinag buksan ni yaya si Wyeth ng gate . kaya nag madali na akong mag ayos at bumaba na ako .
Sino nga ba ang Boyfriend ko? At ano nga ba siya?
Siya si Wyeth Young 16 yrs. old pareho kaming junior sa parehong school . Pang apat sa pinakamayayaman ang pamilya nila . Part time niya ang pag momodel . maganda kasi ang katawan ni wyeth nag wowork out siya . kaya minsan naiisip ko na napaka swerte ko sa kanya. Palagi ko siyang niloloko na hindi na siya tatangkad sa kabubuhay nya.
"Huy Sweety ano ? Malalate na tayo?" Sabi ni wyeth habang kinakalabit ako .
Kaya dinampot ko na yung bag ko at isinukbit sa balikat ko .
"Mommy aalis na po kami" Paalam ko kay mama .
"Tita una na po kami." Sabi ni wyeth kay mama.
"Osige mag ingat kayo ha." sagot ni mama sa amin .
nag lakad na kami papasok sa school ni wyeth malapit lang naman kasi dito ang Wisdom academy .
habang nag lalakad kami napansin ko na tulala si wyeth
"Sweety may problema ba?" Pag puna ko kay wyeth .
He forced a smile halatang fake ang mga ngiti niya .
"Wala ah ?" Tumango lang ako sa kanya pero hindi pa din mapakali dahil alam kong may problema siya .
papasok na kami ng gate ng Wisdom wala pa man kami sa loob ay maririning mo na ang sigawan ng mga babaeng nag aantay kay wyeth sa gate bumitaw ako sa kamay ni wyeth dahil eto naman ang routine ko araw-araw . Baka madaganan ako ng mga babaeng nag kakagulo dito. Damn i hate this girls. Dumiretcho na ako sa room at agad na pinuntahan si Summer .
Si Summer DeCastro ang bestfriend ko at in the same time abg taga pag mana ng DeCastro Company ang pangalawa sa pinaka matataas na company sa bansa .
"Bessssssst?" Nakakairita naman yung boses ni Summer pero ang cute pa rin niya .
"Oh?" Sagot ko na medyo may pag kairita .
"Smile kana masasanay ka din sa mga flirt na dumidikit kay wyeth." May inis sa tono niya . Hindi inis sa akin ha? inis sa mga nakapaligid kay wyeth . Siguro dahil ayaw niya ako makitang nasasaktan .
maya-maya ay pumasok na ang teacher namin sa room at nag sibalikan na sa kaniya kaniyang upuan yung mga kaklase ko .
Mabilis na dumaan ang oras at vaccant na namin .
hindi ko pa nakikita si wyeth simula kaninang umaga . kadalasan kasi kasabay namin siya .
Pag katapos ng vaccant ay nag klase na ulit kami .
sumilip ako sa cellphone ko. Wala pa din text si wyeth asan kaya siya? Si summer naman hindi pumasok ng next subject namin dahil may emergency meeting daw ang family nila .
Uwian na pag labas ko ng room ay wala si wyeth . Tumunog ang cellphone ko pag tingin ko nag text si wyeth .
Sweety:
Sweety hindi kita masasabayan may emergency kasi kami eh .wala akong choice kung hindi ang umuwi mag isa .
Habang nag lalakad ako palabas ng School ay may nadaanan akong isang Bulletin .
Attention :
CheerLeaders and BasketBall Players Party
You should wear BallGowns and bring your date . it will be held in our covered court on August 23 , 2013
6:00 pm onwards . Your attendance is a must .
Buti pala nabasa ko ng mas maaga 2 weeks before pa naman kaya madami pang oras hindi ko na rin naman problema ang date ko. Leader ako ng isang cheering squad kaya kailangan ko pumunta doon .
tinahak ko na ang daan ko pauwi .
"Pwede sumbay?" Nagulat ako dahil biglang may nag salita pag lingon ko si fall lang pala.
"Ikaw lang pala tinakot mo ko ah? oo naman pwedeng-pwede" Pag payag ko kay fall
sabay kaming naglakad sa parehong direksyon.