Chapter 3: My Plan

120 4 0
                                    

Nagising ako sa Ospital sabi ni mommy dinala daw ako ni fall dun. Naalala ko yung mga nangyare kagabi . Yung kanta, yung break-up, yung reason, yung confession, lahat nag flashback at  naghalo-halo sila sa utak ko at napaiyak nalang ako.

niyakap ko si mommy at sinabing

"Mommy hindi ko na po kaya" Nasabi ko ito kay mommy habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Naikwento na sa akin ni fall ang lahat ng nangyari kagabi. Sige baby iiyak mo lang." Normal at malumanay na sinabi sa akin ni mommy.

"Mommy ang sakit sakit po." Daing ko kay mommy sa gitna ng mga hikbi ko.

"Love really hurts baby. Pain is part of loving." Sagot ni mommy sa akin habang hinahagod ang likod ko. Nakakahiya ito. Ayokong umiyak sa harap ng mommy ko lalo na't dahil lang sa isang lalaki.

Pumasok ang isang doctor at ibinalitang makakauwi na ako ngayong araw. Inayod na ni mommy ang mga gamit namin. Pumikit ako at bumuhos ang alaala. Mga alaalang gusto kong mawala. Mawala na ngayon mismo.

Tinapik ako ni mommy nakaidlip pala ako at nalaman ko kaagad na uuwi na kami. Bumangon ko at nagmuni muni sandali. Ilang sandali pa ay tumayo na ako para mag palit ng damit at nag ayos na.

Bumaba na kami ng ospital. Tumigil si mommy sa cashier para mag bayad ng bill. Ako naman ay lumabas na at tinanaw ang kotse naming paparating na. Tumigil ito sa harap ko, Binuksan ko ang backseat at pumasok sa loob. Mabilis ang naging byahe. Huminto ang kotse sa building ng bahay namin. Dumiretso ako sa taas at pumasok sa kwarto ko. Inilapag ko ang iilang gamit ko at inOn ko ang PC, hinarap ko ang facebook at tumambad saken yung page sa school na.

Wisdom Academy paparazzi

at ang latest news dun .

Controversial break-up of our own varsity player wyeth young and our cheerLeader/Captain ng GreenCats na si Yuri Park.

Ang sinasabing dahilan ng break-up ay 3rd party. Nangyari ang breakup sa party ng mga varsity at cheerleaders sinasabe nila na kinanta daw ni wyeth young ang kantang GOODBYE na senyales ng kanilang hiwalayan.

Nag simula nang tumulo ang mga luha ko hindi ko pa tapos basahin yung punyetang balita ng biglang may nag shutdown ng computer ko. Pag lingon ko nakita ko si fall.

"Sabi ni tita nag papahinga ka raw kaya pinaakyat na niya ako dito. Pero mukang hindi ka naman nag papahinga yuri." Matabang na sinbi ni fall.

Hindi ko siya pinansin at nag kunwaring hindi ko siya narinig. Lumayo ako sa computer table at lumipat sa kama.

"Yuri bakit hindi mo ako pinapansin? Kagabi ay tinext kita hanggang kaninang umaga pero hindi ka nag rereply. Dahil ba ito sa Confession ko sayo?" Frustrated na tanong ni fall. Naawa ako sa kanya.

tumayo na siya at umaakmang lalabas na ng pinto tska pa lang ako nag salita.

"Gusto ko silang gantihan. Gusto kong iparanas sa kanila yung sakit na binigay nila sa akin pero hindi ko alam kung paano." Namuo agad ang mga luha sa gilid ng mata ko.

Let her goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon