Nagising ako sa alarm ko. Eto na yung pinaka hihintay kong araw. Nag ayos na ako at mag iiba na ko ng ayos. Imbis na mag straight ako ng buhok nag kulot ako at nag make-up na din ako hindi naman yung makapal. Nag liptint, nag blush on at nag curl lang ako ng eye lashes tapos lumipat na din ako ng grupo ng cheering squad at syempre nung nag voting ako nilagay nilang cheerleader. Lumipat ako sa pixies.
Nag kita kame ni fall sa gate ng school at yun na nga ginawa na namin yung plano .Nung nakita ko na si fall sa gate at nandun din si Wyeth sumigaw ako. "Goodmorning baby." Bati ko kay fall at lumapit ako sa kanya nag uusap sila ni wyeth nun . "Hello baby sabi naman sayo susunduin na lang kita ang kulet mo talaga." Infairness magaling umarte si fall. "Okay lang naman baby. I arrived safe naman po." Sagot ko kay fall habang nakangiti. "Tignan mo nga oh? Ang sexy mo sa suot mong uniform mamaya mabastos ka dyan tapos wala ako sa tabi mo." Sagot ni fall sa akin. Tignan mo nga naman. Kulang nalang matunaw kami si fall sa mga titig ni wyeth.
[WYETH's P.O.V]
Pumopoint of view nalang ako dito. Hahaha hi readers napakilala na ba ako ng ex kong not so pretty. Ang bitter ko. Kasi sa totoo lang hindi ko alam kung sino ba samin ni yuri ang unang nag loko. Basta ang alam ko gumaganti lang ako kaya ko siya niloko? Naguguluhan ba kayo sa sinabi ko ? Siguro puro katarantaduhan ko lang kinuwento sa inyo ni yuri. Syempre puro kadramahan lang nya kinuwento niya. Paano naman ako diba? LET ME EXPLAIN MY SELF. Akala niyo siguro nung una napaka perfect ng relationship namin?
Pwes nag kakamali kayo napaka sungit at mautusin nyan ni yuri. pero mabait naman sya yun nga lang sumpungin at selosa pero lagi ko siyang iniintindi at sinusuyo pero dumating na sa point na nag sawa na din akong gawin yung mga bagay na yun. Ang daming pero no. Tapos medyo wala syang time sakip00n kakaturo ng cheering thingy sa mga members nya . kaya si summer na bestfriend niya ang laging kumakausap at sumasama saken sa pag aantay ng practice ni yuri. Tapos parang nahulog ako kay summer. Syempre inisip ko muna kung tama ba nararamdaman ko tpos sabi ng puso ko mali sabi ng isip ko tama naman daw kasi parang may relationship si fall at yuri.
Si fall yung kababata nya na bestfriend ko kaya yun nag karoon kame ni summer ng secret relationship at dahil secret yun kaming dalawa lang nakakaalam kaya lang nahalata ng mga teammates ko kaya inamin ko na din, tapos sabi ni coach pumili daw ako ng isa kaya napag desisyunan kong bitawan na si yuri tutal may fall naman siya eh. kaya nung dumating na yung mismong araw nung party kinanta ko yung song na sign ng break-up namin, pero ano ba tong nararamdaman ko pag nakikita ko silang mag kasama ni fall ?parang ang sakit ganito ba talaga dapat na maramdaman ko?
Landian pa sila ng landian sa harapan ko akala mo ngayon lang nag kita, pero bakit hindi ganto sa akin si yuri nung kame pa? Bakit hindibsiya ganto ka lambing.[YURI's P.O.V]
Mukang nag wowork naman yung plan ko. Nung nag uwian na nag kita kami ni summer, fall at wyeth sa court kinakausap ko parin yung dalawa na parang wala silang ginawa sa akin at nung pauwi na kami hindi na ko nag pahatid kay fall. May balak akong gawin na hindi kasama sa plano pero baka mag work. "I'll go ahead na baby. Don't bother to walk with me home. Kaya ko na po." Tapos kiniss ko na si fall. Nakatingin si wyeth at kahit si fall nagulat sa ginawa ko. Nanlaki ang mga mata ni fall at si summer naman ay parang expected na yung nangyari. Paglingon ko kay wyeth, yung panlalaki ng mata ay nawala parang napalitan ng galit tapos naging poker face na. Wala nang kumikibo kaya tuluyan na akong nagpaalam sa kanilang lahat. Tapos nag lakad na ako pauwi, nakangiti ako habang nakatalikod sa kanila .
Wait for the next chapter my revenge #2