Plan I completed, now we are about to begin our plan II.
*Hi sweety iLoveYou
Shit hindi ko pa pala napapalitan yung ringtone ko naiiyak nanaman ako. Kinuha ko yung cellphone ko at inignore yung text. Nagpunta ako sa Music at shinuffle ang mga kanta at pag minamalas ka nga maman Goodbye yung kanta. Pinakinggan ko yung kanta and i bursted into tears .
Bakit ba kailangan nyang manloko, oo alam ko naman na hindi ako perpektong babae pero hindi nya dapat ako sinaktan ang sakit sakit. hindi ko alam kung pano ka kakalimutan WYETH YOUNG ! SAAN BA KO NAGKAMALI? LAHAT NAMAN GINAWA KO AH ? OO ALAM KONG MASUNGIT SELOSA AT MAUTUSIN AKO PERO KAHIT NAMAN GANUN MAHAL NA MAHAL KITA EH. BAKIT MO BA KO NILOKO BAKIT!
sinuntok suntok ko yung kama.[FALL's P.O.V]
Hi sa inyo readers. PaP.O.V lang ha? kilala nyo na siguro ako pinakilala na siguro ako ng pinakamamahal kong babae. Pero speaking of her kamusta na kaya siya ? Siguro nag luluksa pa yun ngayon pero alam niyo ba may sasabihin ako sa inyong secret. Secret lang natin to ah? KINILIG ako kahapon sa kiss ni Yuri. Ang landi kong lalake no ? Pero seryoso kinilig ako .
*FLAHBACK*
"I'll go ahead na baby. Don't bother to walk with me home. Kaya ko na po." Tapos kiniss niya ko. Hindi ako nakapag salita parang kinain ko yung dila ko nung hinalikan niya ko parang nawala ako sa sarili ko. Tumalikod na si yuri at nag lakad palayo.
"FirstKiss mo pre?" Tanong ni wyeth nanparang naiinis na hindi malaman.
"Ha ahh Hin... Hinde ah." Sagot ko sa kanya. Hindi ko mapigilan mautal dahil nabigla pa din ako.
"Naks ! eh bakit ganyan itsura mo?" Tanong ni summer, ngumiti lanh ako. Bakit kaya ganto tong si wyeth kay summer, hinahawakan lang niya si summer pag hindi namin kasama si yuri . Dahil ba ayaw niyang saktan si yuri o mahal pa niya si yuri ?ang gulo talaga ng lalakeng yun pero hindi ko hahayaang saktan niya ulit si yuri."Sige pre at summer una na ko" nag paalam na ako sa kanila at ganun din sila, kaya nag lakad na ako.
*END OF FLASH BACK*
Tinext ko si yuri kanina pero hindi siya nag reply susunduin ko nalang siya.
[YURI's P.O.V]
nakatulog pala ako kakaiyak at tuloy pa din yung cellphonenko sa kakatugtog. Ewan ko kung bakit pero pagtapos ko umiyak lagi akong inaantok. Kakaiyak ko hindi ko nalimutan ko na basahin yug text kanina kanina dahil sa punyetang ringtone at tugtog. Chineck ko yung phone ko para tignan kung sino yung ang text kanina. Pag silip ko sa cp ko 32 message 16 Missed call lahat puro si fall . Sabi niya susunduin daw nya ko kaya naligo na ko at nag ayos. Hindi ako masyadong nag paganda dahil wala naman ako sa mood pero namamaga yung mata ko hindi naman siguro mahahalata to ni fall .
"Yuri baby ! andito sa baba si fall" tawag sa akin ni mommy.
"Sige mommy paki sabi po akyat na lang siya" sagot ko kay mommy. Pag akyat ni fall mamatay matay siya kakatawa.
"HAHAHAHAHAHA yuri baby!" Sabi ni fall habang tawa pa din ng tawa. Sinimangutan ko lang sya.
He's laughing because mom called me baby.
"You're laughing because mom called me baby?" Tanong ko kay fall. "Yes pano ilang taon kana baby pa din?" Sabi niya habang tumatawa pa din. "Nevermind saan ba tayo kakaen?" Tanong ko kay fall.
"Dito nalang sa bahay niyo aalis naman daw si tita kaya makakagawa tayo ng plano." Sagot ni fall kaya pumayag na ako. Pag alis ni mommy nag luto kami ng baked mac ni fall tapos na nuod ng mga movie.[FALL's P.O.V]
Nakatulog si yuri my love habang nanunuod kame ng dark skies at takenote sa shoulder ko siya natulog pero hindi pa namin napag uusapan yung susunod na plano. Binuhat ko yuri sa kwarto niya at pinag masdan siyang matulog .