Ina ko
by: Amaya
Sa haplos niyang nagdudulot ng saya
Yakap niyang pag-ibig ang dala-dala
Sa puso't isip ko'y tunay siya twina
Anhin ko ang rangya kung siya'y mawala
Mula pagkasilang lagi saking tabi
Di nawala at laging napapangiti
San man tutungo ika'y namamalagi
Pagmamahal mo'y hindi maikukubli
Musmos sa kanila kung ako'y tawagin
Ngunit nanatili at nandyan ka pa rin
Hindi inisip na ako ay lisanin
oh Ina ko patuloy kang mamahalin
Sa kabataan ako'y nabibilang na
Ngunit magpaalala'y di nawawala
Aking Ina saan man ako mapunta
Bitbit ko lagi ang iyong paalala
Lungkot mo'y nakita..sobra kang nasaktan
Sa ginagawa kong pulos kamalian
Ako'y nagkulang at nagkamali minsan
Ngunit magpatawad iyong inilaan
Ngayon saking pag-akyat sa entablado
Dala-dala ang lahat ng pangarap mo
kapirasong papel..medalyang natamo
Aking Ina tagumpay ko'y para sayo
Sa araw na ito tayo'y magkasama
Upang ihatid ako sating dambana
Naluluha ka ngunit napakasaya
Sapagkat ang anak mo'y ikakasal na
Salamat Ina sayong pag-aaruga
Aalagaan kita sayong pagtanda
Walang katumbas ang pag-ibig mo Ina
Saking mga anak ito'y ipapamana
BINABASA MO ANG
RAW 1st Poem Making Contest (CLOSED)
PoetryReader And Writers Hall is a sister group of SWWAR. Creator: Ms. Adrypot_Malikot. Will be helding a poem contest in connection with the Mother's Day Special. (CLOSED) Result will be posted on Saturday.