PARA SA IYO
By: jhoanne08
Sa aking pagsilang ika'y nahirapan
Tiniis hanggang ako ay masilayan
Binibigay lahat upang mapatahan
Sa bawat oras, ika'y maaasahan.
Kadakilaan mo'y akin ng natalos
Simula pa noong ako'y isang musmos
Pag-aalaga mong 'di matapus-tapos
Ito'y nabanaga't nalaman kong lubos.
Nang ako ay pumasok sa paaralan
Palagi mo akong pinapangaralan.
Sa bawat problemang pinagdadaanan
Ikaw ang nagsisilbing aking sandalan.
Ang mabuting gawi'y itinuturo mo
At itinatama ang maling asal ko.
Pag-ibig sa Diyos, natanim sa ulo
Iyong tagubili'y mahalin ang tao.
Maraming taon na ito'y ginagawa mo
At ako'y nakatapos sa kolehiyo
Humanga't natuwa ka ng todo-todo
Ina, lahat ng ito'y para sa iyo.
Ako ay iyong pinangalandakan,
Sa bawat kakilala at kaibigan.
Ibinida ang aking karunungan
Sa eskwelahan man o palakasan.
Ngunit mayroon ka palang kinikimkim
May karamdaman ka palang linilihim
Nang ito'y malaman, ako'y napatiim
Ang iyong sakit, bakit mo inilihim?
Hindi nagtagal, ako'y iyong iniwan.
Ang paghihirap mo 'di ko nagantihan
Aanhin pa ngayon ang buhay ko't yaman?
Ina, kanino ko ito ilalaan?
BINABASA MO ANG
RAW 1st Poem Making Contest (CLOSED)
PoetryReader And Writers Hall is a sister group of SWWAR. Creator: Ms. Adrypot_Malikot. Will be helding a poem contest in connection with the Mother's Day Special. (CLOSED) Result will be posted on Saturday.