Dahil ikaw ang naging ina ko
by tatalinaMPD
Ina? 'Sang walang kwentang bagay.
Hindi daw minahal ang inay.
Nang siyang ako ay winalay,
Na dati'y lagi kong nasasalaysay.
Bugso ng sakit sa damdamin,
Suko na't di na kakayanin.
Sana'y bukas di na buhayin,
Pagkat isa na akong buhangin.
Ngunit narito'y buo pa rin,
Upang ikaw ay haharapin.
Nang nasilayan ka't tanungin,
At ngayon ikaw ay uunawin
Na ikaw, ina kong sinuko
Sa buhay ko na purong bato
Ay nag-iisang ilaw at preso
Sa mga anak mo na kapatid ko.
Masilayan lang ang ang ligaya
Sa mga mata ng bawat bata
Sa iyong mga pag-aruga,
At hatid mong saya sa kanila.
Ay aking ipagmamalaki,
Na ito'y aking ihahalili
Sa bawat 'yong dagliang sukli,
Utang ko man ang pagkamuhi
Ang buhay mo naman ay nilaan
Para sa'yong mga tauhan
Sa iyong kwentong binuyahan
Na mas higit na nangangailangan.
Kung kaya't aking napagtanto
Di ka man 'sang inang perpekto
Salamat ako'y naging ganap na tao
Dahil ikaw ang naging ina ko.
BINABASA MO ANG
RAW 1st Poem Making Contest (CLOSED)
PoetryReader And Writers Hall is a sister group of SWWAR. Creator: Ms. Adrypot_Malikot. Will be helding a poem contest in connection with the Mother's Day Special. (CLOSED) Result will be posted on Saturday.