Si Inay?
by key_board
Ah si Inay.
Si Inay yung dahilan kung bakit di ako makagala sa gabi,
Siya yung sinasabing nakikipag date ako kahit may practice lang kami.
Siya yung nagpapaliwanag na nga ako kung anu ano pa ang sinasabi,
Minsan nga nakakainis na para bang ang isip nya'y kay rumi rumi."
"Si Inay yung umaga palang putak na ng putak,
Naghapon kang uutusan at magtatalak.
Utos dito, utos doon na halos ang pawis mo'y pumatak,
Pero di ka pwedeng magreklamo dahil baka ika'y masapak."
"Siya yung magsasabi sayo na bawal pang magpaligaw,
Ibig sabihin walang hara-harana at walang kunno na sa bintana nakadungaw.
Kaya pag si crush nagparamdam yang isip mo Ay sabaw,
Yang bunganga mo Ay nganga! At papasukan na ng bangaw."
"Si Inay nalang palagi,ayaw nya bang ako'y maging masaya?
Kelan nya ako papalayain ng matamo ang ligaya.
Alam nya ba itong aking nadarama?
Utos here, utos there, bawal here! bawal there, Inay, Ano ba?!"
"Ngunit isang araw ay nagkasagutan kami,
Di ko napigilan at ang mga naisumbat ko ay kay rami.
Mukhang nasaktan ko sya sa aking mga nasabi.
Biglang pumatak ang luha nya at kumurba ang kanyang labi."
"Kaya pala ayaw nyang umuwi ako ng gabi,
Ayaw lang pala nyang mapahamak kami dyan sa tabi.
At kaya pala kay rami nya laging sinasabi,
Ay dahil pala sa nag aalala sya at ayaw nyang masaktan kami."
"Kaya nya pala ako inuutusan,
Ay hindi lang para ang pagod nya'y maibsan.
Kundi para din pala yun sa aking kinabukasan,
Upang kapag malaki na ako ay kaya ko na ang mga gawain at alam ko na ng lubusan."
"Mahal na mahal pala ako ng aking ina,
Ngunit hindi ko lang agad yun nakita.
Akala ko lang pala na lagi nya akong pahihirapan,
Ngunit ang lahat pala ay para lang sa aking kinabukasan."
BINABASA MO ANG
RAW 1st Poem Making Contest (CLOSED)
PuisiReader And Writers Hall is a sister group of SWWAR. Creator: Ms. Adrypot_Malikot. Will be helding a poem contest in connection with the Mother's Day Special. (CLOSED) Result will be posted on Saturday.