Siya
by FickleMindedGal
Sa munti naming tahanan, siya ang ilaw
Bawat gabi nga'y ginagawa niyang araw
Kanyang kasipaga'y di matatawaran
Tila di napapagal kahit nahihirapan
Kanyang mga payo, ikaw ay mayayamot
Minsan pa nga'y magtatanim ka ng poot
Kanyang mga paniniwala't pangaral
Tunay ngang kapupulutan mo ng aral
Sa tuwina ika'y kanyang babantayan
Aalagaan ka't di kaliligtaan
Unos ma'y dumating, siya'y masasandalan
Pagkat siya nga ay tunay mong sandigan
Mahigpit man siya't napakaraming batas
Nais lang niyang ikaw ay palaging ligtas
Pagkat ikaw nga ay kanyang kayamanan
Na hinding-hindi niya kayang pabayaan
Sa mga oras na ika'y nasusugatan
Siya rin naman ay lubusang nasasaktan
Sa mga oras na ika'y naguguluhan
Handa naman siyang ikaw ay pangaralan
Marami mang sinasabi ang kanyang bibig
Ibibigay niya parin ang iyong ibig
Di hahayaang sayo siya ay magkulang
Pagkat sa kanya'y ika'y nag-iisa lang
Sa akin naman ay biyaya siyang tunay
Aking Ina, ikaw rin ang aking buhay
Munti kong tula sa iyo lamang alay
Mga pasasalamat dito inilagay
Di matatawaran iyong mga paghihirap
Naging gabay patungo sa'king pangarap
Aking Ina tunay kang walang katulad
Sa iyo ako nga ay lubhang mapalad
BINABASA MO ANG
RAW 1st Poem Making Contest (CLOSED)
PoesiaReader And Writers Hall is a sister group of SWWAR. Creator: Ms. Adrypot_Malikot. Will be helding a poem contest in connection with the Mother's Day Special. (CLOSED) Result will be posted on Saturday.