Entry #7

227 16 16
                                    

Paraluman Ni'reng Tanan

by Wattyhyper


Sarado pa ang aking mga mata, pagmamahal mo ay dama ko na

Lamyos ng haplos noong ako'y nasa sinapupunan mo, ina

Siyam na buwan ng pagdadalang tao ay inyo pong kinaya

Para sa aming inyong mga supling na kung ituring ay biyaya


Madilim na ang paligid, marahil ay tulog na silang lahat

Nang biglang pumailanlang ang 'sang hiyaw na nagdulot ng gulat

Marahil ay isa na namang ina ang nabiyayaan niya

Ng 'sang sanggol na magdudulot ng pag-asa sa kanyang pamilya


Makita nilang umagos ang mga luha sa ating mga mata

Puso nila'y nag-aatikabo, kumakaripas kung ba'ga

Sapagkat ang kanilang mga buhay ay nasasaktan ng kung ano

Dagling lalapitan, yayakapi't papatahanin nila tayo


Masaksihan nilang tayo'y may baong ngiti sa ating mga labi

Damdamin nila'y lumulundag at may sayang di maikukubli

Marahil ay dahil sa karugtong tayo ng kanilang mga buhay

Wala tayo sa mundo kung hindi dahil sa giliw nating nanay


Sa panahon ngayon marami ng babae ang nagkakasala

'Pagkat nabubuntis ng maaga na may bansag na disgrasyada

Wala silang magawa kundi ipalaglag ang anak nila

Malinis lang kanilang pangalan at matawag muling dalaga


Napakaswerte ko dahil ang Nanay ko ay hindi tulad nila

Nang ako'y isinilang sa mundo'y, hinasikan ng pagpapala

Pagmamahal ng isamg mabuting ina sa akin ay sumikhay

Damdaming iyon marahil ay dadalhin ko na hanggang sa hukay


Naynay, Nanay, Nana, Mader, Mudra, Mommy, Ina, Ina'y at Mama,

Sila ang ilaw ng tahanan ano man ang tawag sa kanila

Dinugtungan nila ang biyayang buhay sa atin ng Maykapal

Alay nila sa'tin kanilang pagmamahal na walang tarapal


Simula't sapul ilaw ng tahanang nagbantay at dumantay

Sa'ting kanilang supling, araw na ito'y sa kanila'y ialay

Init ng yakap, tamis ng pagmamahal sa kanila'y ihandog

Araw-arawin ito dahil sila ay natatangi at bantog


RAW 1st Poem Making Contest (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon