6:00
[yawn]
"Thank You Lord para sa panibagong buhay na ipinagkaloob Niyo sa akin, salamat po at hindi Ninyo ako pinabayaan sa aking pagtulog.Salamat po muli, in Jesus name. Amen." After ko magpasalamat kay Lord na nagbibigay ng buhay sa atin, niligpit ko muna yung hinigaan ko tapos dumiretso ako ng banyo para maghilamos at magtoothbrush.
"Brian! tara na dito, kain na at magsisimba pa tayo, manang, may, sita, rosing, halikayo sabayan ninyo kami sa pagkain, tawagin niyo na rin sina boy saka si berto. Brian, ang dada mo tawagin mo na." sabi ni mama.
"Opo, ma" sabi ko. "Pa kakain na po tayo." "Sige baby susunod na si dada." sabi ni dada.
nasa hapag na kaming lahat, wala si kuya Brigs, nasa Manila, nag-aaral siya ng Civil Engineering sa MIT sa Intramuros, Manila. 2nd year college na si kuya. Si dada naman president siya ng company namin, si mama minsan nasa office pero madalas nasa bahay siya. inaalagaan ako, ako kasi yung baby nila dito samin e. kasama nga pala namin sina manang, ate rosing, ate may, ate sita, kuya boy at kuya berto sila yung mga katulong saka driver namin sa bahay, pero hindi yan yung turing namin sa kanila, pamilya. kasabay namin kumain, kasama sa lahat mg lakad, sa lahat. kasi si mama ang pinipili niyang mga kasama sa bahay yung wala ng pamilya, para doon nalang sila sa samin, di na sila aalis. si manang siya yung nag-alaga samin ni kuya Brigs nung bata pa kami kasi abala sila mama sa pag-aasikaso ng business namin, matagal na si manang sa amin, sabi ni mama naalagaan din daw siya ni manang, sila ate may, ate rosing, ate sita naman nandyan sila simula nung grade 2 ako naaalala ko pa nga natatakot ako sa kanila noon e, pero si ter pinapalakas niya yung loob ko kaya pag kasama ko sila ate may, kasama ko rin si ter kaya di ako natatakot sa kanila. mayroon nga pala kaming café sa may malapit sa amin, lagi akong nagpupunta doon kasama si ter, Kanina niyo pa nakikita yan no, siya si Christian Jester, Christian Jester Abu. best friend ko siya, kaso nung elementary lang, ngayon umalis sila e, 2 months na simula nung grumaduate kami, wala na. sabi kasi niya kailangan daw niya pumunta sa America kasi sobrang halaga daw pero ayaw naman niyang sabhin kung bakit talaga siya pupunta doon.
-Flashback-
Tentenen tenenenenenen tenenenentenen tenenen nenen tenenen tenenen.
habang tumutug-tog yung graduation march, nag-uumpisa na akong umiyak kasi sabi niya, aalis daw siya.
"Brian, pagkatapos nato, aalis na kami, sorry di na kita mababantayan, di na kita mapoprotektahan sa mga mang-aaway sayo. pero basta tandaan mo, pag may nang-away sayo, wag mong gagantihan, kausapin mo hanggang sa magkabati kayo, kasi alam mo naman masamang gumanti diba.?" si ter, habang umiiyak ako, nag-lalakad na sila, ako naman pumuwestonna sa may likuran, medyo dulo kasi yung apelyido ko, siya naman sa unahan. habang nagbabow siya sa may stage alam namin na maiiwanan kami. parang yung pakiramdam na aalis siya ng sobrang tagal na parang di na babalik. ganoon yung pakiramdam ko nung nagbabow siya. matapos niyang makapagbow sunod-sunod na kami. natapos na ipakilala yung mga candidates for graduation. oras na para ipakilala ang mga magigiting na estudyante na nakapagtapos ng may karangalan. Salutatorian siya, Valedictorian ako, salamat at ganoon ang nangyari, magkatabi kami sa upuan. di nag-iwanan kahit kailan. pero pagkatapos neto. doon palang mawawala ang lahat.
Natapos na yung ceremony ng graduation, niyaya kami ng pamilya nina ter sa kanila, padespedida daw saka dahil salutatorian si ter. sabi nga ni mama ipaghahanda daw kami ng bongga kasi kami daw magbestfriend Valedictorian at Salutatorian. pero eto na yung kinatatakutan ko, paano pag wala na siya, sino na yung magtatanggol saakin, poprotekta pag may umaapi saakin. sino na? aalis na sila mamaya.
"Bry, ipaangako mo sakin na di moko makakalimutan ha. bestfriend kita e" si ter. "oo naman no, kahit iiwanan mo na ako di kita makakalimutan. promise" ako. "mag-iingat ka doon ha, wag kang magbebestfriend ng iba. ako lang" habol ko. "sige, promise" nag pinky promise kami.
Ter's POV
walang idea si bry kung bakit ako aalis, pinili ko na wag nalang niyang malaman kasi alam ko na mag-aalala siya para sa akin, kasi naalala ko nung magcocollege na yung kuya niya, umiyak siya buong magdamag, doon nga ako pinatulog nung mama niya kasi ako lang daw nakakapagpagaan ng loob niya, spoiled kasi si bry sa kuya niya saka sa family niya kung ano yung gusto niya, yun yung nasusunod. childish nga siya pero in a way na maganda kasi pag pinaintindi sa kanya yung bagay doon palang niya marerealize kung dapat ba na magpakachildish siya o dapat intindihin niya.
eto aalis na kami, bakit ako aalis? oo may sakit ako. stage 1 lung cancer, ang bata ko pa para magkaroon nato, sabi ng doktor mas maganda daw kung maaagapan daw agad kaya naman habang bata pa ako, uumpisahan na yung therapy para sa akin. ayokong mahirapan yung bestfriend ko. para ngang kapatid ko na yun e. Alam to ng lahat pwera lang talaga kay Bry kasi ayaw namin siyang masaktan, sobra kasi kung masaktan yon e. di na niya iniintindi yung sarili niya. eto nasa eroplano na kami. nagbabasa ako ng libro para di naman ako mabored pero iniisip ko parin si Bry ng biglang may tumunog,
THE SMILE ON YOUR FACE
LET's ME KNOW THAT YOU NEED ME
THERE's A TRUTH IN YOUR EYES
SAYING YOULL NEVEVER LEAVE ME
THE TOUCH OF YOUR HAND
SAYS YOULL CATCH ME WHENEVER I FALL
YOU SAY IT BEST
WHEN YOU SAY NOTHING AT ALL.
"Bry, hinding hindi kita makakalimutan"
-end of flashback-
BINABASA MO ANG
When You Say Nothing at All
RastgeleSi Brian ay isang transferee sa isang paaralan sa bukid (as in bukid kasi nandoon naman talaga sa Gitna actually) mga tapos niyang iwan ang dati niyang paaralan, May Makikilala siyang di niya sukat akalaing magiging kaibigan niya si Jeron. Ano kaya...