Chapter 2.5

24 1 0
                                    

Kates' POV

Gutom na gutom na ako, hindi kasi ako kumain ng breakfast. I'm on diet. Five days na ata akong hindi kumain ng rice, biscuits lang yung kinakain ko for Breakfast until Dinner, pero kaninang umaga hindi talaga ako kumain.

"Hindi ka kumain no?" tanong Stein sakin

"Ummm... Oo.  Gutom na gutom na nga ako ee."

"Bibilhan kita ng pagkain. Hintayin mo'ko. Umupo ka muna diyan sa bench"


Ganyan talaga best friend ko sakin —Always concern.  Hindi niya gustong magutom ako o masaktan. Pinoproketahan niya talaga ako, binibilhan ng pagkain, at minamahal bilang isang best friend. Meron nan gang nagsabi na parang may gusto raw si Stein sakin, pero alam ko na wala talaga.  Kilala ko si Stein. Kilala ko siya at alam ko kung pano siya ma in love. Yung last MU niya, two lang sila,at hindi na sila nagtagal pa. Ayaw  kasi ng babae na madistract si Stein sa kaniyang studies. Mabuting kaibigan si STEIN VonCross. Meron mang mga panahon na hindi kami nagkakaintindihan pero tina-try parin naming tatagal ang aming pagkakaibigan.


Umupo ako sa isang bench na kung saan hindi mainit,  ito'y nasa tapat ng isang toy store. Nakakita ako ng isang teddy bear, yung teddy bear na malaking malaki.  Tumayo ako at nagsimulang maglakad patungo sa toy store ng biglang nagring phone ko.

Nagulat ako nang nakita ko ang mga message ni Marko. Late receiver pala yung phone ko. Umupo ako ulit at binasa yung mga message ni Marko.

Wala kong reaction sa binasa ko. Wala lang sakin yung mga sinend niya. Pinapafall niya lang naman ako eh. Pag na fall ako, sino sasalo sakin? Diba wala? Ayy, meron nga palang sasalo sakin, si Floor. Sheesh.


May lalaking umupo sa tabi ko, hindi ko na siya tinignan kasi bad mood ako, baka masuntok ko bigla itong gagong to.


"Bad mood ka ata?" Sabi nung lalaki.

Tinignan ko siya at nagulat ako. Si Marko pala yung tumabi sakin.

"bakit ka nandito?" tanong ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"bawal?" sabi niya.

"Oo. Bawal na bawal ang mga HAYOP dito"

"Bawal ang mga hayop?"

"Yes. " tinaasan ko na naman siya ng kilay.

"Sabi mo bawal ang mga hayop, eh bakit ka andito?" Sabi niya.

"Hahanapin ko muna paki ko ha?"

"Hanapin mo dun sa Zoo" Sabi niya.

Hindi ko na talaga siya matiis. GALIT NA GALIT NA AKO. GUSTONG GUSTO KO NA SIYANG PATAYIN. TUMAYO AKO, TINAASAN KO SIYA NG KILAY AT NAGLAKAD AKO PALAYO SA KANYA.

Alam kong sinusundan niya ako. "Kate." Tinawag niya ako, hinawakan niya balikat ko sa right side pero hindi parin ako lumingon, huminto lang ako sa paglalakad.  Nung huminto ako, tinali niya ang kaniyang long-sleeved shirt sa beywang ko at bumulong siya "May dugo pwet mo. Nakakahiya naman. Dapat wala nang makakita nito."

Lumaki mga mata ko sa sinabi niya. Naalala ko bigla na period ko pala ngayon.

Lumingon ako kay Marko, wala na siyang shirt. Abs niya lang nakikita ko.

"Huwag mong tignan abs ko. Baka matunaw ako" Biro niya. Nag blush ata ako tapos sinuntok ko ng mahina mukha niya, hindi naman siya nagalit eh. HAHA.

"Tara. Hatid kita sa bahay niyo para makapagpalit kana ng damit. Pero, pwede maglakad lang tayo? Naiwan ko kasi wallet ko sa bahay." Sabi niya.

"Oo. Sige ba. Pero yung shirt mo? Okay lang sayo na pupunta ka muna sa bahay namin? Dun nalang muna tayo sa bahay mo."

"Ha? Okay lang naman. Ang mas importante ay, makapagpalit ka ng damit." Sabi niya. Habang nagsasalita siya, tinext ko muna si Stein na uuwi muna ako dahil emergency at tatawagan ko lang siya kapag andun na ako sa bahay.

"Sige, pero pupunta tayo agad sa bahay niyo. Pwede?" sagot ko sa sinabi ni Marko

"Sure" Sabi ni Marko habang naka ngiti.


Nahiya ako para kay Marko, nakahubad siyang naglalakad sa public dahil lang sa akin. Inaaway ko pa naman siya. Hindi ko inaakalang mabait talaga si Marko. Marami nang nagsabi sakin na mabait siya pero hindi ako naniwala kasi, yung bad side niya yung ipinapakita niya sa akin. I still remember na sinira  niya yung project ko sa Science, sinipa niya ako, sinuntok niya ako pero yung ipahiya ako? Chance na sana niya ngayon pero hindi niya ginawa. First time niyang  maging mabait sakin, sa kaniyang kapwa hayop. Haha

WHAT IS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon