chapter 9

5 0 0
                                    

Kate's POV

Pumipili na ako ngayon ng damit niya.  Kumuha ako ng skinny jeans at sleeveless na shirt at may hood.  Yung shirt na yun ay yung pinakamahal sa lahat at pinaka classy, pinaka first class.

"Eto na oh. Try mo na."

"Ha? Halika."


"Saan tayo pupunta?!" Sabi ko. San niya kaya ako dadalhin. Mainit yung kamay niya.  Gwapo yung kapatid niya pero parang mas gwapo siya. Paran nagugu————-

"San ba ako maghuhubad? Dito? Or sa Dressing room?"

"Dito!" Sigaw ko.

Hala patay. Ano yung sinabi ko?!!!!!

Tinignan niya ako sa mata. Seryoso siya. Hindi siya nagbibiro. Nginitian niya ako at dahan dahan niyang hinubad yung shirt niya.

"HOYYYYYYYYY! Wag kang maghubad!!!!!!!!!!!!"Napasigaw ako. Kitang kita ko yung abs niya. Hindi pa siya fully naked. Hinawakan ko yung shirt niya at hinila pababa. 


"Ohh. Akala ko dito maghuhubad. Bat mo hinila pababa shirt ko?" sabi niya habang naka ngiti. Walang hiya siya, literally, I mean like, seriously. Mabuti nalang wala masyadong tao kaya konti lang yung nakakita.

"Dun na tayo sa dressing room! BILISAN MO!" Sabi ko. Nagmukha ako na parang sundalo.


"SIR, YES ,SIR!" Sigaw niya parin na parang nakangiti.

Pag ngumingiti siya, ang gwapo niya talaga.  GWAPO TALAGA. I SWEAR.

Pagdating namin sa Dressing room, wala masyadong taong nag fe-fit. Parang kaming dalawa lang yung andun. Hinawakan niya yung shirt na suot ko at hinila ako papasok ng isang room doon sa dressing room. Tumayo siya malapit sa door para hindi ako maka labas.

"Sige ka, paghindi mo ako palalabasin, sisigaw ako." Banta ko. Tinarayan ko talaga siya.

Lumapit siya sa akin pero hindi ko siya pinansin.

"Sige ka, pag sisigaw ka, mahuhuli tayo na nasa isang room tayo. Tapos magkakaroon na naman ng eksena tapos mapapagalitan ka na naman tapos masisira lang yung pangalan ng pamilya mo." Bulong niya sakin na nakasexy voice.

Lumingon ako sa kanya at tumingin sa kanyang mga mata. Hindi ako nakapagsalita. Eye-to-eye contact. Walang kumikibo, walang na akong ibang naririnig, kundi ang puso kong tumitibok ng mabilis. Kita kong namumula siya.

Hinawakan ko yung dibdib niya. Mabilis rin yung tibok ng puso niya. Pulang pula na siya pero titig parin kami ng titig sa isa't isa. Ngumiti siya at niyakap niya ako. Merong mirror sa likod niya, kitang kita ko na namumula na rin ako.

I broke the hug.

"Sige na itry mo na yung pinili ko!!" sabi ko. Tinarayan ko siya pero hindi na ako tumingin uli sa mga mata niya..


"Sige." Sabi niya.

Naghubad siya ng shirt sa harapan ko at isinuot yung shirt na pinili ko. Tinignan ko na mukha niya ngayon. Yung mata Marko, natakpan ng buhok niya. Pulang pula parin siya.

"Bagay na bagay sayo!" Sabi ko.


"Lumabas ka. Maghuhubad ako ng pants."


"Sige"


"Teka." Sabi niya ng mahina. Hinawakan niya yung kamay ko.

Natakpan parin yung mga mata niya ng kanyang buhok.

"Ohh? Ano?" Tanong ko habang nakangiti. Mabilis na naman yung tibok ng puso ko.

Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap ulit.

"S-ss-ss-sorry sa nag—-ag-ag-nag-nagawa ko kanina. H-hindi ko s-sinasadya. Nadala lang ako s-sa aking mg-mga emo-em-em-emosyon." Bulong niya.

I broke the hug again. Hindi ko na sinagot yung mga sinabi niya. 

WHAT IS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon