Chapter 4

8 1 0
                                    

MARKO'S POV

Kumakanta ako sa taxi. Sinasabayan ko yung kantang pinakikinggan ko nang makita ko si Kate na malapit nang makatulog. Hinawakan ko ulo niya at nilagay ito sa balikat ko tapos nilagay ko ulo ko sa ulo niya. Ganito yung posisyon namin sa buong biyahe. Ulo niya nasa balikat ko tapos ulo ko nakapatong rin sa ulo niya.

2 hours na kami nagbibiyahe. Isang oras nalang at nasa bahay na kami.

"Nasan na tayo?" Biglang gumising si Kate. Nagsalita siya kahit yung ulo niya nasa balikat ko.

"Malapit na tayo. Isang oras nalang."

"Ahh. Uyy, may ipagtatapat ako sayo." Sabi ni Kate.

"Aaminin mo na talaga na crush mo'ko? Aww, don't worry. Matagal ko na yang alam."

"Eww."

"So hindi mo'ko crush?"

"Yeah."

"Hindi mo nga ako crush, mahal mo naman ako. HAHAHA. Alam mo, there's always a difference between "CRUSH" and "LOVE" "

"Ughhh. Hindi kita LOVE at hindi rin kita crush"

"So, "LOSH" mo'ko?"

"Losh?"

"yeah. In between Love and crush. Losh."

"Ewan ko sayo."

"Hahaha. Sige, seryoso, ano aaminin mo?"

"Nilawayan ko yung shirt na ginagamit mo."

"HAHAHAHA. Alam ko. Pero okay lang, kasi ang importante nakatulog ka ng mahimibing and also, sayo rin naman tong shirt na 'to, so okay lang."

"SHADAPHHH."

Pagkatapos ng conversation namin, niyakap ko siya. Wala na akong pake kung anong sasabihin ni Kate, kailangan ko lang talaga kasi ng isang yakap. Yakap na mahigpit ang gusto ko pero parang hindi ata tama na yakapin ko siya ng mahigpit kasi unang una, hindi kami, nirerespeto ko yung pagkababae niya. Alam kong marami akong nagawa sa kaniya na kasalanan. Gusto kong bumawi sa kanya. Gusto ko siyang KAIBIGANIN. Gusto ko siyang maging higit pa sa kaibigan, gusto ko siyang maging BESTFRIEND.

 Nung niyayakap ko siya, sinuklian din niya ako ng isang yakap at bumulong siya.

"Alam kong may pinagdadaanan ka, iiyak mo lang yan. It's okay to cry. Crying, a drop of tear, is a natural response to pain" bulong niya sakin.

Hindi ko na talaga mapigilan kaya. Tumulo na yung luha ko. Si Kate lang yung tinuturing kong kaibigan na babae. I forgot to trust a lady since the day that a girl lied to me. Sabi nila lahat ng lalaki manloloko, pero ang hindi alam ng mga babae nasasaktan din kami mga lalaki, hindi lang sinaktan, pati na rin niloko. Kung merong lalaking manloloko, meron din namang babaeng manloloko. Hindi lang babae ang may puso, pati rin naman mga lalaki. Kung nasasaktan ang mga babae, nasasaktan din ang mga lalaki kasi lahat tayo may puso.

Umiiyak ako kasi, naalala ko yung araw na hindi ko na gustong maalala. Yung araw na yun ay yung araw na nasaktan ako ng lubos. Pinaasa ako ng isang babae, sabi niya mahal niya raw ako kahit hindi naman talaga. Kung binasted niya ako agad hindi sana ako nasaktan ng lubos lubos.

Ngayon, gusto ko na mahalin niya ako. Gusto kong mahalin ako ni Erika, kaso may boyfriend na siya at hindi ako gusto ng best friend niya.

Sana... kahit hindi niya ako mahal... sana hindi niya gagawin sa iba yung ginawa niya sa akin.....

WHAT IS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon