Marko's POV
Tinignan naming ni kate kung sino yung pumasok. Kuya ko pala yun, si Gabrielle.
"Ba't ka nandito?" Tanong ko sa kanya. Di kasi siya umuuwi ng bahay dahil sa work. Siguro umuuwi nga siya pero hindi ko siya naabutan kasi wala rin akong time na umuwi dahil sa pag-aaral ko. Dun ako nagste-stay sa condo ko malapit sa school.
"Ehh, san ba kwarto ko? san ba ako matutulog?"
"Malay ko. Matulog ka dun sa ibaba ng tulay."
Hindi na niya ako agad pinansin at dumiretso na lamang siya sa kaniyang kwarto. Basang basa siya sa ulan.
Umupo kami ni ulit ni Kate at kumain. Smiling face 'tong babaeng to.
"uyy, anyare? Kakain ka ba or ngingiti nalang?" Tinanong ko si Kate. Tulala siya tapos nakangiti.
"Ha? Wala. Gwapo siya."
"Sino?" Tanong ko ulit. Baka ibig sabihin niya na gwapo yung kuya ko. Aminin ko maputi siya pero hindi porket maputi ang isang tao, gwapo na agad.
"Kuya mo. Kita mo yung abs niya? Kitang kita ng dalawang mata ko ang abs niya. Basa siya sa ulan, at white yung suot niya tapos yung white shirt niya parang see through, manipis." Sabi ni Kate habang nakangiti at tulala. Tumutulo pa nga laway niya ehh. Pulang pula rin yung mukha niya.
"Infatuation, kate. Infatuation" Sabi ko na naka 'EMOTIONLESS FACE' na may halong 'ANNOYED FACE'. Sa tingin ko nga para na akong emoji.
"Honey kaba?" banat ni Kate.
"EHH BAKET? KASI SWEET AKO?"
"Hindi. Kasi PARA KANG HONEY-MAL." Sabi niya.
"Your jokes doesn't sell. So sad."
"HA-HA FUNNY." Sarcastically said.
May narinig akong phone na nagring. Alam kong phone yun ni Gab. Papunta siya rito sa kusina habang may kausap siya sa phone.
"Okay. Bye. Love you" Paalam ni gab sa tumawag sa kaniya.
"Tinawagan ako ni Mommy. Sabi niya Dinner date daw tayo mamaya. 8:30 sharp."
"K."
"And Oh, sabi niya ayaw niya raw na formal yung suot natin. So, no suits, no slacks. Tapos sabi niya rin na dalhin mo raw yang kasama mo. Our li'l sis will be there to"
"K."
Umalis na kagad si Gab. Malamang bibili yun ng damit.
"Narinig mo yun? Dadalhin raw kita dun sa Dinner Date naming."
"Ohhh. Hindi ako pupunta." Sabi ni Kate then she rolled her eyes. Tinarayan niya ako.
"Hindi ka pupunta? Bahala ka. Hindi mo makikita si Gab mamaya. Magpapagwapo yun ng husto. Bahala ka talaga. You'll miss half of your life. Owwww. Double so sad"
"Sige na nga pupunta na ako. Pero sasamahan mo'kong bibili ng Damit."
"Sure. By the way, tawagan mo yung parents mo na late ka makaka uwi."
"Yeahhhhh. Don't worry about that. Sabi ni Mama mag dedate raw sila ni papa. Hindi rin yun sila uuwi."
"K."
Nang matapos na kami ni kate kumain, dumiretso kagad kami sa bahay nila. Nag motor lang kami hindi na kasi umuulan. Ako yung nag drive. Mga 3-4 hours sana yung papunta sa bahay nila pero naging one hour and 30 minutes lang, ewan ko kung bakit pero hind masyadong traffic tapos hindi bumaba sa 90 yung speed namin.
"Tara" sabi niya sabay sakay niya sa motor ko. Galing siya bahay niya.
"Ambilis mo naman magpatakbo ng motor." Sabi niya pero parang sumigaw siya para marinig ko yung sinabi niya. Hindi ko kasi marinig minsan dahil sa hangin.
Ngumiti lang ako sa sinabi niya at binilisan ko nalang yung pagpapatakbo ng motor. Dumikit bigla si Kate sakin. Hinigpitan niya yung paghawak sakin.
"Andito na tayo sa Mall. Bumaba kana." Sabi ko.
"Ha?"
"Andito na tayo sa Mall. Bumaba kana. Huwag mo na akong hawakan. Bumaba ka na."
"Ha? Ahh. Oo nga pala" Sabi niya. Hindi na niya ako hinawakan at bumaba na siya sa motor ko.
Pagkatapos niyang bumaba, pinark ko rin kagad yung motor ko at pumasok na sa Mall.
Bibili kami ng damit, siya yung una na bibili. Pumunta kami s girl's section. Pinapili ko siya ng mga gusto niya at ako yung pumili ng damit na susuotin niya mamaya sa dinner.
Nagkita kami uli, daladala niya yung mga gusto niya at dala dala ko rin yung damit na gusto kong suotin niya mamaya sa dinner. Fe-nit niya agad yung mga damit.
BINABASA MO ANG
WHAT IS LOVE?
RomanceNagtanong-tanong ako, sa kung sino-sinong tao. Ang tanong ko: What is love? Sabi nila "Love is a four-lettered word that has only one syllable. It also starts with letter 'L' and ends with the letter 'E' ", "Love is when you can sacrifice, even thou...