Chapter 24

724 23 22
                                    


"Hoy Franz, anong ginagawa mo?" Tanong ko.


Nandito kami sa bahay kung saan daw kami 'titira'. Ilang araw na ang nakalipas at madami nga ang nagbago. Fail ang plano namin ni Franz na tuwing saturday kami dito dahil may mga maids na hinire nila at sure akong magsusumbong ang mga 'to.



Wala naman kaming nagawa ni Franz dahil magagalit lang sa amin ang Daddy namin, under kami palagi, beb. Hiwalay naman kaming natutulog, sa baba ang kwarto niya at sa second floor naman akin. Malaki naman ang bahay, malinis din.



Saturday ngayon at nandito kami sa salas ni Franz at nanunuod siya ng movie na hindi ko alam. Mamayang 1pm kasi ay pupunta ako sa condo ni Vaughn at ngayon ko sasabihin sakaniya ang tungkol dito. Kinakabahan ako, abot hanggang mars.



Alam din ni Franz na may boyfriend ako at wala naman siyang paki-alam. Naging mas malapit nga kaming dalawa, e. Mabait naman pala ang kumag nato at medyo kaugali niya si Luke pero mas talkative nga lang si Luke. 12pm pa kaya nag ce-cellphone lang ako dito habang siya naman ay focus sa pinapanood niyang movie. Hindi ko maintindihan ang movie, ang hirap intindihan tss. Tungkol kasi sa mga business business ang movie kaya wala akong alam.



"Naiintindihan mo 'yan?" Tanong ko kay Franz na tutok sa pinapanood niya.




"Papanoodin ko ba kung hindi?" Sarcastic na sabi niya habang hindi tinatanggal ang tingin sa tv. Napairap naman ako.



Binabawi ko na ang sinabi ko na mabait siya. May saltik to palagi, e, bipolar lang gano'n. Or baka naman siraulo talaga siya?



"May naisip kana bang paraan para hindi matuloy ang kasal?" Tanong ko.



Inoff niya naman muna ang tv bago tumingin sa akin at sumagot, "Wala pa. Ikaw may naisip kana ba?" Tanong niya pabalik.




Nag isip naman ako ng paraan, pero wala akong maisip. Mag isip ka, Nyx, kahit wala kang isip. Nasaan ba kasi utak ko? Na stock siguro do'n sa cr.



I snapped my finger nang may maisip ako, proud naman akong ngumiti kay Franz.



"Magpanggap ka kaya na bakla tapos kunwari nahuli kita tapos pipicturan kita na may kahalikan na ibang lalaki..." Nakangiti kong sabi bago nagpatuloy, "Marami akong damit, pwede mong hiramin hehehe. Tapos ipapakita ko sakanila ang picture na'yon tapos wala nang kasal na magaganap kasi ayaw na nila sa--- ARAY!"




Napahawak naman ako sa noo ko nang pitikin niya 'yon, ang ganda kaya ng plano ko, tsk. " Bakit ba? Ang ganda kaya ng naisip kong plano." Nakanguso kong sabi habang hawak parin ang noo na pinitik niya!



" Sira-ulo ka? Ba't ko gagawin 'yan?" Inis na tanong niya sa akin.




Ay, tanga! Syempre, para hindi matuloy ang kasal eme eme. Bobo lang?



" Tanga ka, Franz! "


Nagsalubong ang kilay niya, " Ginagago mo ba'ko?"



" Hindi! Tinatang-ina lang!" Sabi ko at tumayo na papunta sa kwarto ko. Naiinis ako kasi ayaw niya sa plano ko, ang ganda no'n, e.



Naiimagine ko na nga ang magiging reaction ng pamilya ko kapag nalaman nila na bakla si Franz, hehe.



*IMAGINATION*


"Dad, bakla po si Franz, ayokong makasal sakaniya." Sumbong ko at pinakita ang picture ni Franz na may kahalikan na lalaki sa bar.


Nag-usok naman ang ilong ni Dad nang makita ang picture. Kinuha naman ng Mommy at Daddy ni Franz ang cellphone ko at gulat na tumingin kay Franz na umiiyak na.



At First Sight Where stories live. Discover now