Chapter 23

651 23 1
                                    

Monday nanaman kaya maaga ulit akong gumising para makapag handa. Nag-usap kami kagabi ni Vaughn na magkikita kami pagkatapos ng class namin, 3:30pm end ng class namin at 4pm naman daw sakanila. Itetext ko nalang kung saan kami magkikita mamaya.


Bread at hotdog lang ang breakfast namin at sabay na pumasok. Kotse ko parin ang gamit namin at ako ang mag d-drive, yong dalawa naman ay nasa likod, naglalandian. Kapag kasama ko talaga ang dalawang 'yan, thirdwheel ako, tss.


Nang nasa Ateneo na kami ay pinark ko na ang kotse ko at sabay kaming tatlo na bumaba. Sa kabilang building si Luke kaya kami ni Ash ang sabay, nakahawak siya sa braso ko habang naglalakad kami. May mga student's din na bumabati sa amin kaya binabati rin namin sila, friendly kasi kami, hehe.



Pagkadating namin sa room ay walang pinagbago, maingay parin. Si Alexa naman ay sinundan kami ng tingin hanggang sa makalapit kami sa upuan namin, hindi parin nagbabago ang bruha, tsk. Lumapit siya sa gawi namin kaya napairap nalang kaming dalawa ni Ash.



"Bakit parang tumaba ka ata, Ashtrielle?" Maarte nitong tanong kay Ash na inirapan lang siya. Totoong nanaba nga si Ash, epekto daw 'yon nang pagbubuntis.



"Alexa, kung wala kang magandang sabihin pwedeng umalis ka nalang and mind your own business." Naiinip na sabi ko dahil wala akong gana makipag talo sa coloring book niyang mukha.



Pinagkrus niya ang mga braso niya pero napakunot ang noo ko nang may makitang pasa sa braso niya, "Alexa, what happened to your arm? Bakit may bruise?" I asked, concern.



Agad niya namang tiningnan kong saan ako nakatingin at tinakpan 'yon, masama ang tingin niya sa'kin bago siya umalis palabas ng room namin. Hindi ko nalang 'yon pinansin dahil pumasok na ang prof namin, nag focus nalang ako sa discussion ni Sir at hindi na nakipagdaldalan.
.
.
.
.
.

Tapos na ang klase namin at hinatid ko na muna si Ash sa condo niya at hinintay si Luke na maka-uwi.



"May date ka, Nyx?" Tanong ni Ash habang nasa tv ang tingin.



Napangiti naman ako bago sumagot, "Mmm, bakit?"



"Minsan nalang kayo nag de-date dahil nasa'kin ang atensyon mo, I feel bad tuloy."



Natawa naman ako, " Don't be, you will always be my priority, babe."



Umakbay naman siya sa akin, " Gusto mo maging kabet ko, Nyx? " Natatawang tanong niya kaya mahina ko siyang binatukan.



"Gago!" At sabay kaming tumawa.



May nag doorbell naman kaya ako na ang bumukas no'n at bumungad si Luke dala ang mga damit niya, dito nadaw muna siya mag s-stay para may kasama si Ash. Panatag naman ako do'n at bibisita nalang ako dito paminsan minsan. 3:45pm na kaya umalis na ako do'n at nag drive na paalis kong saan kami magkikita ni Vaughn, hihintayin ko nalang siya do'n.



Nang makarating sa isang resto ay sinend ko kay Vaughn kong saang resto ako maghihintay. Wala siyang reply so maybe nasa class pa siya, nag order na muna ako ng dessert para may makain naman ako dahil kanina pa ako nagugutom!



Nag story ako sa Instagram ko ng picture sa dessert na kinakain ko. Nag s-scroll lang ako sa insta. habang kumakain ng dessert. Ilang oras pa ay may lalaking umupo sa harapan ng table ko kaya napangiti naman ako.



"Sorry, natagalan. Kanina kapa ba dito?" He asked and kiss my cheek.



Ngumiti naman ako at umiling, "Hindi naman... How are you?" I asked back.



At First Sight Where stories live. Discover now