Chapter 20

727 25 1
                                    

Pumunta ako sa condo ni Ash ngayon dahil wala naman akong gagawin sa bahay at mag-isa lang ako do'n. Hindi parin umuuwi si Kuya, bukas pa. Dito ako palagi sa condo ni Ash kapag wala akong gagawin sa bahay kaya kapag pupunta ako dito ay hindi ko na kailangan na mag doorbell pa kaya diretso na akong pumasok sa loob.





Nandito ata si Luke dahil nadoon ang sapatos niya. Papasok na sana ako sa kwarto niya nang matigilan ako dahil sa narinig ko.




''Aray! Dahan dahanin mo naman,'' Boses ni Ash 'yon.





''Dahan dahan naman 'yon, a'. I'm being gentle here, tsk!'' At boses ni... Luke?




Hala! Anong ginagawa nila!? Nakahawak lang ako sa doorknob habang naka takip ang kamay sa bibig dahil sa gulat. Don't tell me... They.. are.... shit!





''Masakit, e.'' Rinig ko pang reklamo ni Ash.




''Mawawala din 'to maya-maya.''





''Tsk! Bilisan mo nalang.''




Tangina! Lumayo nalang ako do'n dahil baka may marinig pa ako na hindi maganda. Hinintay ko lang sila dito sa living room. Nag se-sex ba sila!?




Sandali pa ay lumabas na sila nang sabay sa kwarto ni Ash. Halatang nagulat sila sa presensya ko kaya umiwas ako ng tingin. Umupo sa tabi ko si Ash at may tinapon naman sa basura si Luke. Condom ba 'yon!?





''Kanina kapa ba dito?'' Tanong ni Ash sa akin habang sinasamaan ng tingin si Luke.




''Ha? Ah, oo,''



''Ba't ganiyan itsura mo?'' Tanong pa ni Luke nang maka upo sa katabing sofa sa inuupuan namin.




Wala naman. Nagulat lang ako sa narinig ko kanina.





''Ano? Masakit paba?'' Tanong ni Luke kay Ash at bahagya namang nanlaki ang mata ko at napahawak pa sa bibig ko, ''Gago! Ano bang nanyari sa'yo?'' nanguguluhan na tanong nito sa'kin.






Tiningnan naman ako ni Ash na naguguluhan din bago sumagot, ''Hindi na.''





''Tsk! Mag dahan dahan ka kasi, nasugatan ka tuloy.''





Napatingin naman ako sa kamay ni Ash at may sugat nga do'n. Tiningnan ko naman siya nang nag-aalala, "What happened?"




"Nasugatan sa kutsilyo kaya ginamot ni Luke kanina..." Sumimangot naman siya, "Ang bigat ng kamay niya habang nilalagyan ng ointment."




Dahil ba do'n kaya ganon nalang siya maka aray? Napaka sama ko namang kaibigan, pinag iisipan ko pa sila nang masama. Kinalimutan ko nalang 'yon dahil baka ma offend ko pa sila kapag sinabi ko pa na akala ko nag se-sex sila kanina, na hindi naman pala.




***



Sabay kami ni Ash na pumasok sa school. I told her na hindi na muna siya papasok pero nagpupumilit siya at tsaka maliit pa naman daw ang tiyan niya at baka ma huli lang siya sa klase, graduating pa naman daw kami.





Ingat na ingat ako sa bawat galaw niya dahil baka madulas siya or kung ano pa. Tawagin niyo na akong OA pero gusto ko lang naman na siguraduhin na magiging safe siya at 'yong baby niya.





"Nyx, napaka oa mo. Ayos nga lang ako," She said as we entered the classroom. Mabuti nalang at hindi kami nalate dahil nagtalo pa kami kaninang umaga.




At First Sight Where stories live. Discover now