Chapter 4

944 43 1
                                    


Palinga-linga ako sa paligid baka sakaling makita ko s'ya. Kakatapos lang ng simba at nandito ako sa harap ng simbahan, hinahanap si Deon.



"Looking for someone?"



"Ay! Putang--" Napahawak ako sa bibig ko nang ma-realize na nasa harap ako ng simbahan!



Dahil sa gulat ay bahagya akong napatalon at nilingon kong sino ang walang hiya na gumulat sakin.



Natawa s'ya sa naging reaksyon ko, "Don't curse, kakasimba mo lang." Natatawa n'yang sambit kaya inirapan ko siya.




Magsasalita na sana ako nang mapalingon ako sa batang babae na tumatakbo papunta sa gawi ni Vaughn!




Anak ba niya? May asawa naba s'ya? Kasal na pala s'ya? May pamilya na s'ya! OMG.




Napahawak ako sa bibig nang kargahin ni Vaughn ang bata, omg anak nga n'ya. He looked at me, confuse "Ba't ganiyan ka kung makatingin?"





Dinuro ko s'ya, "You... You-" I can't even form a sentence! Tiningnan ko ulit ang batang babae at kamukhang kamukha niya talaga, mana sa Daddy.





"Me, what?" he curiously asked. The little girl looked at me, curious din. Maganda s'ya, naka ponytail ang buhok, naka dress, cute, maputi, parang siopao ang pisnge, masarap kurotin.





I gasped at dinuro ulit siya, "Y-You... May anak ka?!" Nanlalaki ang mata ko matapos kong tanungin 'yon.





Tiningnan n'ya ako puno ng pagtataka. He blinked twice, no thrice. Bago niya makuha ang pinu-punto ko, tumawa siya ng mahina at tumingin sa'kin.




"Mag kamukha ba kami?" Napahawak ulit ako sa bibig ko dahil sa tanong niya, OMG totoo nga! Anak niya! Omygod!




Nilalandi 'ko pa siya may anak na pala. Baka sabunutan ako ng asawa niya, ayoko ma kalbo!




Mag sasalita pa ulit s'ya nang may babae ang lumapit sa amin. She's wearing a Cropped Jacket sa top, Mini Skirt naman sa buttom, terno. She wore a black boots, and she's so good looking.



Is she.... His wife? Omygod!




"What took you so long?" The woman approach Vaughn. She glance at me and smiled, I gave her a awkward smile "H-Hello po." I greeted.





Kinarga n'ya si baby girl at tiningnan ang asawa bago tumingin sa akin, it's awkward na tawagin silang mag-asawa. Medyo na broken hearted ako sa part na'yon, slight lang.





"Is she your girlfriend?" The woman asked Vaughn. Hindi sumagot si Vaughn kaya ako na agad ang sumagot, baka sabunutan pa ako sa harap ng simbahan, no!





"H-Hala hindi po. Hindi ko po alam may anak napo pala si Vaughn. Hindi ko po s'ya boypren, promise po." Sunod sunod na sabi ko, tiningnan n'ya ako na parang nagugulahan at si Vaughn naman natatawa.





Mga 1 minute ata nakatitig sa akin si Ate girl, asawa ni Vaughn. Nang bigla siyang tumawa at napahawak pa sa tiyan niya, si Vaughn naman pailing iling at sinasabayan ang tawa ng asawa. Hala ano bato? Family of Baliw ba sila? Wala sa itsura.





"You're funny. I like you." Tumatawa pa rin si ate girl at huminga ng malalim at tiningnan ako, natatawa parin. Mukha ba akong clown ngayon? Nag ayos naman ako, ah?





"Do you really think that Bella is his daughter, and I am his wife?" Tanong niya, natatawa. Ay, hindi ba? Tiningnan ko naman si Vaughn at tumatawa parin s'ya!




At First Sight Where stories live. Discover now