Chapter 21

680 25 2
                                    

"3...2...1... HAPPY NEW YEAR!" Sabay sabay na sigaw namin. Nandito kami sa likod ng bahay at sabay sabay na sinalubong ang bagong taon.



Buti nalang walang business sina Daddy kaya kompleto kaming pamilya. Ka video call ko naman sina Luke at Ash para mabati namin ang isa't isa nang 'Happy New Year'.




Year's and Month's has already passed and I'm still living the same. Walang ganap ang buhay ko, sana this year magiging masaya naman.




Nakangiting lumapit si Kuya sa akin at yumakap, "Happy new year,"




"Happy new year." At yumakap pabalik sa kaniya.





Lumapit ako kina Daddy para batiin sila nang Happy new year. May katawag si Daddy and tungkol nanaman sa business 'yon kaya si Mommy nalang muna ang inuna kong batiin.





"Happy new year, Mom," Sabi ko at nakangiti sakaniya.






Tumingin naman siya sa akin at pilit na ngumiti, "Yeah, back to you." 'Yon lang at umalis na siya at pumasok sa loob ng bahay.




Sunod naman akong lumapit kay Ate at binati siya nang happy new year. Ka video call niya 'rin ang mga kaibigan niya at no'ng palapit ako sa gawi niya ay agad niyang inoff ang camera niya bago tumingin sa akin, "Why?" She asked.





"Babatiin lang kita na happy new year, hehe."




"Okay. Happy new year din." Sabi niya at lumayo sa akin na parang may sakit akong nakakahawa.




Bagong taon na at bitter parin sila sa akin.




Lumapit naman sa akin si Kuya ay umakbay, "Tara, kain tayo 'don." Sabi niya at hinatak na ako papasok sa loob ng bahay.




Pagpasok namin ay dumiritso agad kami sa kusina at kumuha ng cake doon. Nag slice siya at binigyan ako nang isang slice ng cake at dalawa naman sakaniya.




"Hoy, Kuya, madaya ka. Bakit dalawa sa'yo?" Nakanguso kong sabi.




Tumawa naman siya, "Gutom ako, e'. Kain kana, lagyan nalang kita ulit kapag gusto mo pa." Pang-aasar nito.




Umirap nalang ako at kinain ang cake na binigay niya. Napatingin naman ako kay Kuya nang kumuha siya ulit nang isang slice ng cake at ngumiti sa akin na may mga chocolate pa ang mga ngipin.
Naubos na niya kaagad 'yong cake? Gano'n ba siya ka gutom?




"Kuya, bukas birthday mo na..." Sabi ko at tumingin naman siya sa akin, "Ako unang babati sa'yo, a'. Happy birthday, Kuya."




Ngumiti naman siya at nagpunas ng mata kahit wala namang luha, tch, Oa talaga.




"Naalala mo? Akala ko nakalimutan mo! Kaya nga kita sinama para kumain ng cake para maalala mo, e."




Mahina ko naman siyang binatukan, "Bakit ko makakalimutan, 'yon, e, palagi kang nagpaparinig kanina na malapit na birthday mo, tch."





"Oo nga pala, hehe!"




"Bakit kinain niyo na 'yan? Hindi pa 'yan napipicturan, gosh!" Nagkatinginan kami ni Kuya dahil sa sinabi ni Ate. Sumulpot nalang kasi siya dito basta basta.




Kaunti palang naman ang nakain ko at si Kuya naman ay naka tatlong slice na!




Agad namang dinura ni Kuya ang kinaing cake na nasa bibig niya kaya nandidiri ko siyang tiningnan, " Kuya! Napaka baboy mo!"




At First Sight Where stories live. Discover now