" May balak ka bang magpa tayo ng library?"
Tanong niya kay Aurora na hindi na nag kasya sa isang bookstore at pangatlong bookstore na ang pinuntahan nila.
Samantalang hindi na niya alam kung saan na naka punta ang habulan ni Orly at Marinel.
"Malapit na ang summer, hindi naman ako pwede lumabas. Wala din naman akong kasamang manood ng movie. So, ito na lang."
Sabi nito habang iniisa isa ang mga libro. Pinapanood lang niya at hindi makapaniwala na sa halip na sa maluluhong bagay gamitin ang pera na natatanggap nito ay sa babasahin nito ginagamit.
Sa isang fast food din ito nagyaya na kumain bago sila mag hiwalay nina Orly.
" Babayaran ko lang ito."
Paalam nito, sumunod siya at tumayo sa di kalayuan.Pero agad itong natigilan sa grupo ng mga kabataan na nasa counter at naka pila. Ipinatong nito ang mga libro sa estante at nilingon siya upang yayain na lumabas.
" I thought you want to buy the books?"
Tanong niya dito ng makasakay na sila sa sasakyan.
"Nagbago na ang isip ko."
Sabi nito at humalukipkip. Halata ang pagkawala nito sa mood. Habang papa uwi, iniisip niyang marahil nakadama ito ng inggit dahil hindi nito katulad ang mga kabataan na nakita sa bookstore.
Hindi lang awa ang bumangon sa kanyang dibdib habang sinusundan ng tingin ang dalaga na deritso na umakyat sa silid nito. Matinding kuryusidad din ang namayani sa kanya.
" Why did you choose a life like this? Mukha naman na hindi ka masaya?"
Dumaan ang mga araw na hinayaan niya ito sa kung ano ang magpapasaya dito. Katulad ngayon na sinamahan niya ito sa clubhouse upang magpahangin.
" Salamat, Mister."
Nakangiti nitong sabi sa kanya. Kung noong una wala siyang sagot upang matapos na ang usapan. Pero susubukan niyang makilala ito.
" When you will stop calling me, Mister?"
Sinamahan niya ng ngiti ang sinabi.
" Kapag tinigilan mo na akong tawagin na Miss Aurora."
Sabi nito na umupo sa isang bench at nakatingin pa din sa kanya habang hindi inaalis ang mga ngiti sa labi.
" Ano pala ang gusto mong itawag ko sa iyo?"
Tanong niya na tinabihan ito.
" Darling, sweetheart o kaya mahal."
Sabi nito na alam niyang nagbibiro dahil sa pag kislap ng singkit nitong mga mata.
" That's not possible, Miss Au. Baka ipapatay ako ni Senator niyan."
May halong biro niyang sabi na agad nagpa simangot dito.
" My life is a mess after meeting him."
Malungkot nitong sabi, hinayaan niya ito kung magsabi pero hindi na ito nagsalita.
" Anong plano mo sa bakasyon?"
Maya maya ay tanong niya dito. Saglit itong nag isip pagkatapos ay malaki ang ngiti nitong bumaling sa kanya.
"Kapag ba pumayag si Tanders, sasama ka sa akin?"
Naiiling na lang siya na hindi pa din nagbabago ang tawag nito kay Senator Santander. Nakikita at nararamdaman niya ang pagka disgusto sa lalaki pero hindi niya alam kung bakit nanatili ito sa piling ng senador.
"Natural naman yata na maging kasa kasama mo ako dahil ako ang bodyguard mo."
Sabi niya dito kaya masaya itong bumaling sa kanya.
" Sabi mo iyan ha?"
Masaya nitong baling sa kanya. Saglit siyang natigilan sa masaya nitong anyo.
" Yeah, to make you happy."
Wala sa loob na nanulas sa kanyang bibig. Agad siyang nag bawi ng tingin ng biglang ma realizes ang sinabi.
Pero sinilip siya ni Aurora at pabiro pang sinundot ang kanyang pisngi.
" I'm glad you want to make me happy."
Pilit pa din niyang iniiwas ang tingin sa dalaga.
Pero ma pilit itong hinawakan ang kanyang baba upang mahuli ang kanyang tingin.Saglit silang nagtinginan, pagkatapos ng ilang saglit kusa na din itong bumitaw sa kanya.
" To be honest, Reb. I'm happy now that I met you. Malungkot talaga ako nong mapunta ako dito. Tanders allowed me to go out at first, but after he's aiming for the highest position. Naghigpit na siya sa akin. May bodyguard kung lalabas at higit sa lahat hindi ako dapat makita ng pamilya niya."
Kahit may ngiti ito sa labi, nahihimigan niya ang lungkot sa tinig nito.
" Akala ko hindi mo natatandaan ang pangalan ko kaya kung ano ano ang tawag mo sa akin."
Mahina pa siyang tumawa para muling ibalik ang magaan na awra sa pagitan nila.
"Hm, anong gusto mo na itawag ko sa iyo?"
" Call me by my name, and not Mister or baby."
Sabi niya na napapakamot pa sa batok. Hindi din niya maintindihan kung bakit nag respond naman siya mga tawag nito sa kanya.
" Okay, basta wag mo na akong tatawagin na Miss Aurora. Aurora or Au will do."
Tumango siya kahit hindi sigurado kung magagawa niya. Nakasanayan na niyang tawagin na Miss ang lahat ng mga nagiging kliyente nilang babae.
" Very good, Reb. Hindi ka lang gwapo mabait ka pa."
Papuri nito sa kanya, pero ang atensyon niya ay nasa pagtawag nito ng pangalan.
" Saan mo balak pumunta?"
" Basta, samahan mo na lang ako."
Dahil sa hindi maitago nitong excitement sa pupuntahan kaya sumang ayon siya ng walang pag aalinlangan.
" Siguraduhin mo lang na hindi ka malalagot kay Senator."
Tumango ito, saka tumayo na.
" Bumalik na tayo. Di ba mag weekend off ka?"
Pag yaya nito sa kanya.
" Wala pa naman ang reliever ko."
Sabi niya at tumingala dito. Dahil nasa harapan niya ito hindi niya napigilan na pag masdan ang kabuuan nito.
" I hope you don't mind. Ilang taon ka na?"
Tanong niya habang nakatingin sa mukha nitong makinis, sumilay ang ngiti nito sa manipis at natural na mapula nitong mga labi.
" I'm twenty years old. Mukha lang akong minor but I'm not."
Tumango tango siya. Kahit hindi na ito minor bata pa din ito kumapara sa edad ni Senator Santander.
" What is your plan after you graduate?"
" Mag work, syempre."
Mabilis nitong sagot. Gusto sana niyang itanong kung mananatili ito sa poder ng senador pero pinigilan niya ang sarili. Tumayo na lang siya at nag muwestra na mauna na itong mag lakad. Pero humawak ito sa kanyang braso at sumabay sa kanyang paglalakad.
" Pero mas gusto kong magkaroon ng sarili ng negosyo. Para hindi na kami aasa kay Tanders."
Hindi nakaligtas sa kanya ang salitang kami na ginamit nito at bigat sa tinig ng banggitin ang huling salita. Pero sa halip na usisain, nanahimik na lang siya. Ngayon alam niya na mayroong dahilan kung bakit ito nasa sitwasyon nito ngayon.
" Kailan mo balak na samahan kita?"
Sa halip tanong niya sa dalaga. Bumalik na masayang tinig ito ng sumagot.
" Pagbalik mo na lang."
Sabi nito, ramdam na ramdam niya ang kasiyahan nito. At hindi din niya maintindihan ang saya na nararamdaman sa dalaga.
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard: Dranreb Falcon
Любовные романы"Take chances with me, Au." Alok niya sa dalaga. The young beautiful mistress of influential and powerful senator Santander. His life turned upside down when he was assigned to become a bodyguard of Aurora Ang.Sa buhay nitong puno ng lungkot, wala...