" Saan mo naman ako dadalhin?"
Tanong niya kay Orly ng sabihin nito na hindi sila sa high land mag spend ng day off.
" Relax ka lang, Reb. Ako ang bahala sa iyo."
Malaki ang ngisi nito, pero ayos lang sa kanya kahit saan siya dalhin nito. Kailangan niyang mag relax dahil turtor ang buong linggo na kasama si Aurora.
Hindi nga sila na nanood ng rated R na palabas pinabasa naman siya nito ng mga erotic novels.
" Sigurado kang ma relax ako sa pupuntahan natin ha?"
" Akong bahala!"
Kumpyansa nitong sabi na hinayaan na lang niya. Hanggang makarating sila sa kanilang destinasyon.
" May nag rekomenda sa akin ng lugar na ito."
Sabi nito na mukhang excited. Wala siyang idea kung ano ang pinuntahan nila hanggang maka pasok sila sa loob.
" What is this place, Orly?"
Maang niyang tanong habang nakatingin sa stage na may nagsasayaw sa isang pole. Napaka sexy ng suot nito o mas tamang sabihin na halos wala na itong suot.
" Para ma practice ka na. Alam ko kunting kunti na lang hindi ka na makapag pipigil."
Natatawa nitong sabi na tinapik pa siya sa balikat. Malaking pagkakamali talaga na nahuli siya nitong tumalon mula sa veranda ng kwarto ni Aurora.
Naiiling na lang sa sumunod siya dito. May lumapit sa kanila at dinala sila sa isang bakanteng mesa na nasa pinaka gitna.
" Para kitang kita mo."
Sabi nito na malaki ang ngiti. Hindi niya alam kung sa ganitong lugar ang mga ito nakakukuha ng babae na pwedeng ikama.
" Madalas ka ba dito?"
Hindi niya napigilang itanong kay Orly na ang mata ay nasa stage.
" Hindi.May nag invite lang sa akin, at dahil concern ako sa iyo kaya pumayag na akong pumunta dito."
Sabi nito na ang mata ay nasa stage pa din. Hindi nagtagal at may lumapit sa kanila na isang babae na marahil dito sa bar nag ta trabaho.
" Hey, Orly. Mabuti naman at naka punta ka."
Tumabi ito kay Orly. Sinulyapan siya nito at nginitian siya ng matamis.
" Oh, Alma. Meet my friend, Dranreb."
Pakilala ni Orly na ginatihan niya ito ng alanganin na ngiti.
"Ang gwapo din. Lahat ba ng friends mo gwapo?"
Hindi nito itinago ang kilig. Pero isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ni Orly.
" Hindi kami lang ang gwapo sa aming magkakaibigan."
Sabi ni Orly, mahina naman na tumawa ang babae na hinampas pa sa hita si, Orly.
" Nasaan na iyong sinabi mong star dito sa club ninyo?"
Tanong ni Orly na agad na uminom ng beer ng dumating ang order sa kanilang table.
" Kasunod na siyang mag perform."
Sabi nito na palitan silang titigan nito. Itinuon naman ni Orly ang pansin sa sumasayaw sa gitna. Dahil hindi siya nakakakita ng ganuon, lubos ang paghanga niya sa talento nito. Bukod doon wala na siyang ibang nararamdaman.
Sinabayan niya si Orly sa pag inom ng beer. Hanggang matapos ang unang nag sayaw Binalingan siya ni Orly,habang malaki ang ngiti.
" Anong masasabi mo, Reb?"
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard: Dranreb Falcon
Romance"Take chances with me, Au." Alok niya sa dalaga. The young beautiful mistress of influential and powerful senator Santander. His life turned upside down when he was assigned to become a bodyguard of Aurora Ang.Sa buhay nitong puno ng lungkot, wala...