Chapter 33

1.3K 47 8
                                    

" Okay ka lang, Reb?"

Napabaling siya ng tingin kay Aurora na kalalabas lang ng banyo nagpalit ito ng damit pantulog. Kadarating lang nila galing sa flower farm ng fiancé ni Al. Doon sila nag lunch at nanatili pa sila hanggang maghapunan.

"Kanina ka pa parang pinag sakluban ng langit at lupa. Actually mula paggising mo."

Sabi nito at lumapit sa kanya. Saka malambing na yumakap sa kanya.

"Wala lang."

Sabi niya kahit na mabigat pa din ang kalooban niya. Ang magandang tanawin at preskong hangin ay hindi sapat upang mawala ang kanyang dinaramdam.

" Reb, alam ko mayroon."

Malambing nitong sabi na hindi inaalis ang mga braso sa kanyang beywang. Nakatingala ito sa kanya at naghihintay na magsalita siya ng totoong nararamdaman. Nagpawala siya ng malalim na buntong hininga saka yumakap at isiniksik ang mukha sa leeg nito na mahinang napasinghap.

" Yeah, there is. Pero wala na akong magagawa, nangyari na. Gagawa na lang ako ng bagong memories sa iyo para makalimutan ko ang pinakamasaklap na pangyayari sa buhay ko."

Mahina itong natawa sa sinabi niya na bahagyang tinapik tapik ang kayang likod.

"Okay, naiintindihan kita. Pero tama ka,kahit gaano ka pa mag mukmok hindi na maibabalik ang gabi na iyon. I'm sorry to say this Reb, pero unforgettable memory ko ang gabi ko na iyon."

Umangat ang kanyang mukha at tiningnan ito, halata sa kislap ng mga mata ang kasiyahan.

" Well, unforgettable din naman sa akin. But differently."

Nagkibit balikat siya at hinila ito sa kama. Hindi naman ito nag reklamo na nagpatianod sa kanya.

" Au, how am I that night?"

Tanong niya habang pareho silang nakaupo sa
gilid ng kama. Hinawakan niya ito sa kamay at bahagyang pinisil.

" Hmm, sweet and cute."

Sabi nito na ngumiti sa kanya.

" Am I?"

Hindi niya maapuhap ang tamang salita. At hindi din niya alam kung kailangan pa ba niyang itanong. Sa huli ay napagpasyahan na lang niyang wag ng sabihin.

" Anyway, never mind. It's no use anyway. Sabi nga ni Orly hindi ka naman na trauma, so maybe I'm tolerable. "

Sabi niya na nagkibit ng balikat.

" Yup, wag mo na isipin iyon. Saka darating din naman ang araw na mababawi mo ang moment na iyon. And if the time comes, let's savor every second of it."

May panggigil pang pinisil ang kanyang pisngi. Bakas sa mukha ang excitement.

" Kailan naman iyon?"

Tanong niya na tinitigan ang kaharap na puno ng pananabik.

" Hmm, kapag wala ng sagabal."

Pilya nitong ngiti. At napaungol siya sa sagabal na sinabi nito. She just had her menstruation this morning.

" Halika na, matulog na tayo.Di ba nagyaya sila Rhianie para pumasyal bukas?"

Sabi nito at tinapik ang unan.Tumango siya at pinanood ito na mahiga sa kama. Seeing her lying on a bed, habang may matamis itong ngiti sa labi ay nakapag bigay sa kanya ng ligalig sa damdamin.

" C'mon Reb."

Muling untag nito sa kanya. Kaya nahiga na din siya sa tabi nito. Hindi pa siya nakakaayos ng higa ay isiniksik na nito ang sarili sa kanya.

" Hmm, hindi talaga ako makapaniwala na nakakatabi na kitang matulog."

Sabi nito na nakapikit ang mga mata habang nakayakap sa kanya. Tumagilid siya ng higa saka hinaplos ang pisngi nito. Nagmulat naman ito ng mata.

" Goodnight, Au."

Sabi niya na mataman na pinagmamasdan ang mukha nito. Ganundin ito sa kanya saka ngumiti at bahagyang nag pout ng mga labi.

" Kiss me goodnight, Reb."

Hiling nito. At iyon lang naman ang hinihintay niya kanina pa. Kaya bumaba ang mukha niya upang halikan ito sa mga labi. Ang simpleng goodnight kiss ay nauwi sa halikan na mapusok. He slid his tongue inside and made love to her mouth. He's learning very past, alam niya iyon. Dahil ramdam niya ang pananabik ni Aurora sa bawat galaw ng kanyang dila.

Humigpit ang yakap nito sa kanya, siya naman ay naglandas ang palad sa likod nito hanggang sa pang upo at marahil sa kanyang nadama na pagnanasa ay bahagya niyang pinisil iyon. Kasabay ng pag ungol niya sa bibig nito. Ito naman ay napaungol din sa ginawa niya, hanggang humiwalay ito upang sumagap ng hangin.

" Sure kang wala ka talagang experience?"

Nakangiti nitong tanong habang hinahaplos ng thumb finger ang kanyang pang ibabang labi.

" Meron na di ba? Kagabi?"

Tanong niya na mahina itong natawa.

" Ang ganda ng performance mo kagabi. Kaya lalo akong doubt kung pinagloloko mo lang ba ako. Tinalo mo si Don Massimo at si Duke of Hastings."

Alam niya na nagbibiro ito dahil sa imposible na talunin niya sa sex ang dalawang kilalang character sa erotic na palabas.

" C'mon, Au. That's imposible."

" Totoo. Foreplay pa lang kuhang kuha mo na si Don Massimo. Malikot din ang kamay mo, kaya nga ako dinugo sa iyo."

Pagkasabi noon ay natawa ito ng malakas.

" Binibiro mo ako."

Tangi niyang nasabi at seryoso niya itong tiningnan. Tumahimik naman ito, sinapo ang kanyang mukha saka inilapit ang mga labi at magaan siyang hinalikan.

" I'm sorry."

Hingi nito ng paumanhin. Hanggang paulit ulit siyang hinahalikan ng magaan sa labi. Aminado na pinag titripan siya nito.

" Ano talaga ang ginawa ko kagabi?"

Tanong niya na seryoso. Umaasa na sasabihin nitong natulog lang siya.

" Madami kang ginawa, Reb. Huwag mo ng alamin."

Bulong nito at marahil para patahimikin siya ay bumababa ang palad nito sa kanyang pagkalalaki. Masuyo nito iyong dinama ng mga palad.

"Tinakot ako nito kagabi, Reb."

Sabi nito na bahagyang napakagat labi. At hindi niya napigilan ang damdamin. Hinapit niya si Aurora at saka hinalikan ng mapusok. Buong puso naman itong tumugon. Hanggang ang halik niya sa labi ay humantong sa leeg nito, giving her love bites. Kahit gustuhin man niyang bumaba ba ang halik sa dibdib nito ay tumigil na siya. Mahigit niyang niyakap ang talaga at madiin na ipinikit ang mga mata.

" I love you, Au. And holding you like this makes me at peace. Hindi ko na iisipin ang bagay na hindi ko na mababago. Nginitian mo lang ako and allow me to hold you like this, okay na ako."

Gumanti ng yakap si Aurora sa kanya at isiniksik ang sarili sa kanya. Mahina itong bumulong na nakapag pangiti sa kanya.

" I love you too, Reb."

A/N: Wag masyadong sweet baka may mainggit.

Elite Bodyguard: Dranreb FalconTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon