" Pre!"
Itinaas ni Xander ang mga kamay at lumapit siya sa mga kasamahan na nasa poolside.
" Kumusta, pre ang bagong assignment?"
Sabi ni Dimayuga na may nakakalokong ngiti sa mga labi. Inilibot niya ang mga mata at hinanap sa grupo ng mga kasamahan si Orly pero wala ito doon.
" Okay, lang!"
Matipid niyang sabi at inabot ang beer na inabot ni Xander.
" Balita namin bata pa ang bagong babae na ibinabahay ni Senator ah."
Sabi ni Dimayuga at bahagya pang tinapik ang kanyang balikat.
" Graduating college student."
Sabi niya at tumungga ng beer sa lata.
" Baby daw ang tawag sa iyo."
Amused na sabi ni Xander na lumapit sa kanya. Hindi niya napigilan na mapatiim ang bagang.
" Ang lakas ng radar ah! Huhulaan ko si Lusterio ang nagsabi sa inyo, ano?"
Aniya na tumayo at balak na bumalik na lang sa restaurant. Pero pinigilan siya ni Dimayuga.
" Hindi naman sinasadya. Nadulas lang ang loko sa kalasingan."
Natatawa na sabi ni Xander.
" Ang laki ng inggit sa iyo. Samantalang siya daw hindi maka first base, laging tinatanggihan at iniiwasan. Sino iyon, Reb? Kilala ba namin?"
Untag ni Dimayuga sa kanya. Naiiling na lang siya dahil sa kuryusidad ng mga ito.
" Marunong kami magtago ng lihim. Si Daleon safe ang sekreto niya sa amin. Anong alam mo kay Lusterio?"
Tanong ni Xander na may pagtaas pa ng kilay sa kanya.
" Napaka tsismoso ninyo, ah!"
Tinawanan lang siya ng mga ito.
" Tsk, ano baka kailangan mo ng training?Punta tayo sa bar?"
Pagyaya ni Xander sa kanya pero mabilis siyang tumanggi.
" Anong training ang pinag sasabi ninyo?"
Nalilito niyang baling sa mga ito.
" Humalik. At saka alam mo na."
Hinampas pa siya sa balikat ng malakas ni Dimayuga.
" Hindi na kailangan."
Pagtanggi niya at balak na umalis pero nahatak siya sa braso ni Xander.
"Dito ka lang, mag kwentuhan pa tayo. Ihinatid lang ni Daleon at Travis si Lusterio. Babalik na ang mga iyon."
Pigil ng mga ito sa kanya. Wala siyang nagawa kundi maupo ulit sa sunlounger. Inabutan pa siya muli ni Xander ng lata ng beer.
" Siguro nilasing ninyo si Lusterio kaya kayo may nalaman at balak din ninyong lasingin ako."
Sabi niya na naiiling sa mga ito. Tinawanan lang naman siya ng mga ito. Sabay tanggi.
" Hindi! Weekend lang tayo nagkakasama kaya lubusin na natin. Saka napansin mo, pakunti na tayo. Si bossing, tapos si Pareng Al mukhang malapit na din sumunod kay boss. Ewan ko lang kay Daleon kung may chance."
Natatawa na sabi ni Dimayuga.
" Baka sa kulungan ang bagsak noon."
Sabay na nagtawanan ang mga kaharap. Noon naman dumating si Daleon na mag isa.
" Narinig ko ang pangalan ko."
Komento nito at umabot ng beer at uminom. Tumaas ang kamay nito pag kakita sa kanya bilang pagbati na tinanguan niya.
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard: Dranreb Falcon
Romansa"Take chances with me, Au." Alok niya sa dalaga. The young beautiful mistress of influential and powerful senator Santander. His life turned upside down when he was assigned to become a bodyguard of Aurora Ang.Sa buhay nitong puno ng lungkot, wala...