Pagpasok pa lang nila ay maharot ng musika ang sumalubong sa kanila. Madami din ang nagsasayaw sa gitna.
" Weekend kaya maraming bisita."
Sabi ni Perrie na sinalubong sila. Dinala sila nito sa bakanteng mesa.
" Where's Logan?"
Tanong ni Perrie dahil si Logan ang tumawag para sa reservation nila.
" Nasa piling na ni Miss Gia."
Si Xander ang sumagot at iginala ang paningin sa mga nagsasayaw. Kahit siya ay tumingin din sa gitna. Hindi niya alam dahil ba sa ilaw kaya ang tingin niya sa mga babae ay magaganda.
" Nah! Tapos na ang maliligaya niyang araw."
Natatawa na sabi ni Perrie at nag paalam na ito na bumalik sa bar counter.
" Pumili ka na Reb ng natitipuhan mo."
Tinapik pa siya sa balikat ni Orly. Wala siyang imik na iginala muli ang paningin.
"Sige mag inuman pa tayo. Dahil kapag malasing ka, lahat magaganda at sexy na iyan."
Natatawa na sabi ni Xander at nagsimula na lagyan ng whiskey ang kanilang mga baso.
" Lahat kamukha na ni Miss Aurora."
Sabi pa ni Dimayuga na nakatingin din sa dance floor.
"Sana may maging kamukha din ni Mago."
Narinig nilang sabi ni Daleon at malungkot na tumingin sa baso ng alak na nasa harapan. Tinapik tapik ito ni Xander sa balikat.
" Hold on, Pre. Kung kayo ang itinadhana, kayo talaga."
Hindi ito sumagot at muling uminom ng alak.
Ganundin ang ginawa nila. Lumalim ang gabi na puro tutorial ang naririnig niya." May mga babae na gusto na nasa ibabaw. Kasi kontrolado nila, kaya pagbibigyan mo. Lalo na kung baguhan ka kasi masisiguro mo na siya na ang mauna na makaraos. Ligtas ka na sa sumbat kinabukasan."
Hindi na niya alam kung sino ang nagsalita. Dahil lahat naman ang mga ito ay halos sabay sabay na mag salita.Puro kahalayan pa ang lumalabas sa bibig.
"Manuod ka na lang ulit ng movie. I try mo ang Japanese movie na Ninja She Devil."
Pag rekomenda ni Xander, saka makahulugan na ngumiti.
" Nakakalimut ang mga babae sa mga ganung posisyon."
Sabi pa nito na nilaro ng daliri ang baso nito ng alak.
" Bakit hindi kayo kumuha ngayon ng mga babae? Para alam ko kung anong approach para hindi ako matanggihan."
Sabi niya sa mga kaharap na nagka tinginan.
" Medyo mahina pa ang tuhod ko, katatapos ko lang. Ikaw na lang Pareng Daleon."
Pagtanggi nito at itinuro si Daleon na abala sa pag lunod ng sarili sa utak.
" Nawalan na ako ng gana sa ganyan. Si Mago lang nakikilala ng alaga ko."
Pag tanggi din nito. At mahina itong tinapik ni Xander sa balikat.
" Mabuti wala si Pareng Al. Makakatalon ka ng Bell Helicopter ng walang parachute."
Sabi ni Dimaguya patungkol sa luxury helicopter na pag aari ng resort para sa mga VVIP na guest ng resort.
" Intindihin na lang ninyo ako. I'm in love."
Nagpawala pa ito ng malalim na buntong hininga. Hindi niya alam kung gaano katindi ang pagmamahal na nararamdaman nito kay Mago. Pero hindi na ito katulad ng dati.
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard: Dranreb Falcon
Romance"Take chances with me, Au." Alok niya sa dalaga. The young beautiful mistress of influential and powerful senator Santander. His life turned upside down when he was assigned to become a bodyguard of Aurora Ang.Sa buhay nitong puno ng lungkot, wala...