Chapter 14

1.3K 52 7
                                    

" What can you say?"

Untag ni Aurora sa manga habang nakatingin sa maliit na waterfalls na nasa dulong bahagi ng lupain ng mga ito.

Untag ni Aurora sa manga habang nakatingin sa maliit na waterfalls na nasa dulong bahagi ng lupain ng mga ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Nice! Hindi na ako magtataka kung bakit hindi mo hahayaan na mawala ang property na ito sa inyo."

Aniyang hindi mapigilan ang humanga sa magandang tanawin na nasa kanilang harapan.

" Anong gusto mo? Kumain muna or mag swimming na tayo?"

Tanong nito na ginagala ang paningin sa buong paligid.

" Medyo pinagpawisan ako sa nilakad natin. Let's rest first before anything else."

Sabi niya at lumapit sa dala nilang picnic basket. Kinuha niya ang mat at inilatag. Dahil sa magandang tanawin ay na relax siya. Nahiga siya sa mat habang isinuot niya ang kanyang maitim na sunglasses.

Habang nakahiga nakatingin siya sa kalangitan na may iba ibang hugis ng ulap. Napayapa ang kanyang kalooban sa kanyang pinagmamasdan, habang naririnig niya ang lagaslas ng waterfalls.

Nanatili siya sa ganung puwesto hanggang maramdaman niya ang pag upo ni Aurora sa kanyang tabi. Hindi siya gumalaw at hinayaan lang ito sa nais nitong gawin.

Dahil gising naman siya nakita niya ang paglapit ng mukha nito sa kanya.

" Reb."

Mahina nitong tawag na hindi niya sinagot. Pinipigilan din niya ang matawa dito dahil nararamdaman niya ang mainit nitong hininga dahil sa paglapit ng mukha nito sa kanya.

" Tinulugan ako ng loko."

Sabi nito na umatras sa kanya. Hinanap ng mga mata nito ang basket ng pagkain na nasa kabila niyang gilid. Sa halip na tumayo inabot na lang nito. Kahit alanganin ay nagpilit pa din itong abutin ang basket, hindi nito alam na may kabigatan iyon.

" Oh shit!"

Mahina nitong sambit kasunod ng pag subsob nito sa pagitan ng kanyang hita.

" Shit!"

Malakas niyang sabi dahil naka cargo shorts lang siya ay ramdam niya ang mukha nito na tumama sa maselan niyang bahagi ng katawan.

" Aurora!"

Tawag niya dito na nakasubsob sa pagitan ng kanyang hita. Hindi niya alam kung anong pakiramdam ang lumukob sa kanya. Inalis niya ang shades at nanlalaki ang mata na nakatingin sa dalaga na hindi nag angat ng mukha.

" Umalis ka diyan!"

Utos niya dito, parang nag slow-motion lang ito na umalis sa pagitan ng hita niya. Tumingin sa kanya at ngumiti.

" Parang may kalakihan ang alaga mo, Reb."

Nakuha pa nitong magbiro kahit na parang sinisilaban ang pakiramdam niya. Alam niyang pulang pula ang mukha niya. Mabilis siyang tumayo at walang lingon likod na nagtuloy sa waterfalls. Hinubad lang niya ang puting t-shirt at saka lumusong sa tubig.

" Ikakamatay ko yata ng maaga ang babae na iyon."

Naiiling niyang sabi habang inilubog ang sarili sa malamig na tubig ng talon. Matapos pakalmahin ang sarili nilingon niya si Aurora na naka buddha sit habang may hawak na prutas at nakapanood sa kanya.

Pinagsawa niya ang sarili sa waterfalls, pero nakamatyag pa din siya kay Aurora. Nang makita itong tumayo at papunta sa kanya, nagplano na siyang umahon.

Bago pa siya tuluyang maka ahon, na hubad na ni Aurora ang suot na bestida at natira na lang ay ang panloob nito na panlangoy. Isang floral modest flouncy tankini set.

Napalunok siya ng laway, hindi naman revealing ang suot nito pero gusto na naman niyang magbabad sa malamig na tubig ng talon. At hindi na bago sa kanya ang mga babae na halos wala ng itago na mga guest nila sa highland resort. Pero wala siyang nararamdaman, kumpara kay Aurora na malaki ang ngiti na papalapit sa kanya.Para siyang ipinako sa kanyang kinatatayuan.

" This is not me!"

Hindi niya makapaniwala na bulong sa sarili habang hindi inaalis ang tingin kay Aurora na lumusong na sa tubig. Hanggang tuluyan na makalapit sa kanya ang dalaga.

" Okay ka lang, Reb?"

Tinig nito na ikinaway pa ang dalawang kamay sa kanyang harapan.

" Aahon na ako."

Sa halip sagot niya at akma na lalampasan ito.

" Samahan mo ako. Saglit lang ako para sabay na tayong kumain."

" Mauna na —."

" I insist, Reb."

Pigil nito sa kanya at humawak pa sa kanyang mga braso. Seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

" Hindi ko sinasadya kanina. Pasensya ka na."

Hingi nito ng paumanhin. Hindi siya sumagot na sinalubong lang niya ng tingin nito. Nagbaba ito ng tingin saka inilubog ang katawan sa tubig.

" Okay, kalimutan na natin ang nangyari."

Sabi niya, kahit na alam niya sa sarili na hindi niya makakalimutan ang lahat. Dahil hindi niya maipaliwanag ang ngyayari sa kanya.

" Good! Dahil hindi ko naman na maibabalik ang ngyari kanina. Tanggapin mo na lang ang katotohanan."

Heto na naman ang pilya nitong mga ngiti. Napailing na lang siya at sinamahan ito sa paglalangoy. Pero sinisiguro niyang may sapat na distansiya sa pagitan nilang dalawa. Hanggang mag sawa ito ay mag yaya na itong umahon.

" Kumain na tayo, nagugutom na ako."

" Akala ko wala ka ng kapaguran."

Sabi niya na sumunod na din dito pag ahon.

" As much as I wanted to stay here, I can't. Let's visit again Lola later."

Parang nag iibang tao ito kapag napag uusapan ang Lola nito. Hindi naman niya ito masisi kasi mukha ang Lola lang nito ang nag iisa nitong pamilya.

Bumalik lang ulit ang ngiti nito ng matikman ang niluto niya.

" Wow! Ang sarap naman nito."

Habang ninamnam nito ang pork hamonado na ginawa niya.

" Wala ka bang balak mag tayo ng restaurant?"

Tanong nito sa pagitan ng pagkain.

" Masaya ako sa trabaho ko ngayon. Saka may restaurant kami sa highland. Rotation kami sa pag manage ng facilities doon. Nag selos lang si Boss kaya niya ako ini assign sa iyo."

Naiiling niyang sabi na nakangiti. He will not take it personally. Pamilya na sila sa elite agency.

" It will be enough kapag nagka pamilya ka na?"

Tanong nito na marahil na curious ito kung magkano ang kinikita nila bilang bodyguard.

" I think so."

Nagpawala siya ng malalim na buntong hininga na hindi nakaligtas kay Aurora.

" Ang lalim noon."

" Ngayon ko lang na realize, hindi ko naman pinag kaabalahan na isipin ang mga bagay na iyan. I love what I'm doing at sapat na sa akin iyon."

Sabi niya habang nakatingin sa dalaga na maganang kumakain.

" Nagbago lang ng makilala kita."

Tanging sa isip lang niya iyon sinabi habang pinagmamasdan ang dalaga. Ang unang babae na nakilala niya na willing niyang matutuhan ang mga bagay na hindi siya interasado noon.

A/N: Intresado siyang matutunan ang technique ni Don Massimo.😅

Elite Bodyguard: Dranreb FalconTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon