" Anong ginagawa ninyo dito?"
Kunot noo niyang tanong sa mga kasamahan na nasa sala. Bigla naman humawak si Aurora sa kanyang mga braso at idinikit ang katawan sa kanya. Parang kumukuha ng seguridad sa kanya.
" Kakausapin ka."
Unang nagsalita si Boss Logan at tumayo at lumapit sa kanila. Sumulyap ito kay Aurora na nakamaang sa kanyang boss.
" My boss, Logan Cervantes."
Pakilala niya kay Logan na inilahad ang mga palad.
" Hi, Miss Aurora."
Sabi ni Logan. Parehong palad ang humawak sa kamay ni Logan.
"Please, wag mo akong ibalik kay Senator."
Pakiusap nito na hindi binibitiwan ang palad ni Logan na mataman na nakatingin kay Aurora.
" Mag uusap lang kami ni Dranreb, okay?"
Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ni Logan. Saka sinulyapan siya. Hinawakan niya sa balikat si Aurora saka lang nito pinakawalan ang kamay ni Logan.
" Dalhin muna kita sa guest room."
Sabi niya kay Aurora. Hindi na niya pinakilala si Aurora sa ibang mga kasamahan pero alam
niya na pinag aralan na ng mga ito ang dalaga." Magpahinga ka muna dito. Alam ko kulang ka sa tulog. Gisingin lang kita mamaya para kumain."
Hindi ito lumapit sa kama sa halip ay hinarap siya.
" Did I give you so much trouble, Reb?"
Nasa mukha nito ang matinding pag aalala.
" Don't think about it, Au."
Hinaplos niya ang pisngi nito. Bigla naman itong yumakap sa kanya.
" Thank you, Reb. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka."
Gumanti siya ng yakap at hinalikan ito sa ibabaw ng ulo.
" Magpahinga ka na. Makikipag usap lang ako sa mga kasamahan ko."
Kumawala na ito sa kanya saka lumapit sa kama. Lumabas na siya ng silid ng makita itong ipinasok ang sarili sa comforter.
Paglabas niya sabay sabay na kumanta ang mga ito, maliban kay Logan at Al.
" Mali man ang ikaw ay ibigin ko
Ako'y isang bulag na umiibig sa 'yo
At kahit ano pa ang iyong nakaraan
Mamahalin kita maging sino ka man"Napailing na lang siya at napapalatak. Dumeritso siya sa malapit sa swimming pool area kung saan may wooden sofa seat. Pero sumunod ang mga ito sa kanya at doon itinuloy ang pagkanta.
"Mahal kita pagka't mahal kita
Iniisip nila ay hindi mahalaga
Mahal kita maging sino ka man"" Tigilan na ninyo iyan."
Sansala ni Logan na may dalang beer in can. Inihagis nito ang isa sa kanya at ang iba ay ipinatong sa center table.
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard: Dranreb Falcon
Storie d'amore"Take chances with me, Au." Alok niya sa dalaga. The young beautiful mistress of influential and powerful senator Santander. His life turned upside down when he was assigned to become a bodyguard of Aurora Ang.Sa buhay nitong puno ng lungkot, wala...