Nag paalam na ako ka Ina na aalis ako patungo sa opisina ni Tito. Palabas na ako ng biglang. "Ezerie, pumunta ka muna sa Tito mo". Ani ng isa sa aming katulong. Tumango ako bilang pagtugon.
Pumunta na ako sa ikalawang palapag ng mansyon at pumunta sa kanan at kumatok sa ikatlong pinto. Pinag buksan ako ni Tito. Naroon din pala si Ychell. Ano na naman ang idinawit nito sa akin.
"Tuloy ka, ija". Pumasok naman ako. "Nabanggit sa akin ni Ychell na aalis ka. Saan naman ang punta mo?". Tanong nito sa akin.
"Sa opisina nyo Tito. Hindi ba't inutos mo sa akin kahapon na pumunta ako sa opisina mo". Ani ko. "Pero ako ang naatasan baka nakakalimutan mo sampit ka lang rito". Ani ni bruhildang Ychell.
"Tumigil ka Ychell, iyang bunganga mo. Bastos sa Ate mo!". Galit na sambit ni Tito. "Tito ayos lang, sanay na ako sa bunso mo. Sus iyon lang ba. Sige". Ani ko.
"Sabihin mo ke Ychell ang gagawin Ezerie pag tapos nyan tumulong ka sa mama mo". Sabi ni Tito. Tumango ako bilang tugon.
"Ito ibigay mo sa sekretarya ni Tito. Sumunod ibigay mo ito kay Mr. Chua, tapos ito pirmahan mo, ipasa mo sa Supervisor. Then pumunta ka sa Factory observe mo lahat AS IN LAHAT. Tapos submit mo sa Head and last but not the least pa pirmahan mo ito sa shareholders ni Tito at pirmahan mo na rin at umuwi kana rito para ma tingnan ni Tito at pirmahan. KUHA MO?". Ma awtoridad kong sabi. Sabay abot ng mga papeles.
Kita ko sa kaniyang mga mukha ng pagkagulat. "Kung hindi mo natandaan mga sinabi ko, anjan at may papel ako para maalala mo mga sinabi ko. Una na ako Tito. Baka kailangan ako ni Mama". Tumango na lamang si Tito. Ngumiti ako at lumabas na ng silid, bago pa makapag salita si Ychell. 'Yan a hipokrita ka, pabida ka masyado'.
"O ija, akala ko ba ay aalis ka. Akala ko e umalis ka na sige na at baka mahuli ka pa". Ani ni Ina. "Hindi na ako tuloy ma, iyong bunso mo na ang gagawa. gusto nya e. Pagbibigyan ko na".
Sabay naman na bumaba si Tito at si Ychell. Agad tinulungan ng ibang katulong si Ychell sa ibang papeles, dahil sa dami nito. Tumingin ito sa pinaroroonan namin at masama ang tingin sa akin.
'Loh, ba't parang kasalanan ko pa. Bida bida ka kase Jollibee Jollibee'.
Pumunta na si Ychell sa harapan ng gate upang gumayak na sila ng dryaber. Inihatid ito ni Tito at Mama bago ulit sila pumasok sa loob. Si Tito ay umakyat uli, si Mama naman bumalik sa kusina.
