Masaya akong nagtitingin tingin ng mga iba pang gawa ng pilipinong pintor. May mga obra rin mula sa mga dingding at sa labas ng museyo dahil sa naglalakihang mga estrukturang gawang pilipino.
Maya-maya lamang ay narinig ko ang ingay mula sa loob ng pagpupulong. Pumasok ako at siksikan dahil sa mga tagapagbalita. Naroon ang mga samu't saring tanungan ng mga mamamahayag.
Tanong dito, tanong rito, tanong diyan, tanong mula sa entablado, kung saan saan. Tapos na siguro ang pagpupulong kaya't puro tanong na lamang ang ginagawa.
Masyado ako nagsaya mula sa pag titingin ng obra mula sa museyong ito. Hilig ko talaga ang mga ganito. Kaya't pinaghandaan ko rin itong pagpunta ko sa museyo.
Umalis na muna ako roon dahil sa masyadong masikip ang pinag gaganapan ng pagpupulong. Lumipat ako sa isang silid kung saan narito ang mga obrang pinta rin ng mga pilipinong pintor.
Medyo madilim ang loob nito, ngunit may nagsisilbing ilaw. Mayroong aparato ng sine rito. Ipinapakita nito ang mga kasaysayan mula sa mga sinaunang pilipinong pintor.
Nag linga linga muna ako bagkus sa tingin ko ay may tao rin rito. Nang aking masiguro na ako lamang ang tao rito ay nagtingin tingin muli ako.
Sa pagtingin tingin ko ay bigla na lamang tumunog ang aking telepono. "Ay kabayoo!". Lintek sino ba ito. Bigla rin may kung sinong kumalabit sa akin.
"Ahhhhhh, hindi na ako magiging magugulatin!". Sabi ko. "Ihaa, pasensya kana kung ika'y nagulat ko. Itatanong ko lang sana saan ang palabas rito?". Tanong ng isang Lola saakin. "Ah nay, rito ho ang labasan. Samahan ko na po kayo". Sabi ko.
"Nako salamat iha, napakabuti mo". Pagka hati ko kay Lola mula sa loob ng silid ay sinabi niya. "Iha, pasensya kana muli at nagulat kita. Narinig ko kase ang boses mo at tunog ng telepono mo kaya't ika'y nilapitan ko rin". Sabi ni Lola.
"Walang anuman po Lola, sige na po mauna na ako. Baka ay hinahanap na ako". Wika kong muli. Nginitian nya ako at ako'y nagpaalam na.
Tiningnan ko rin kung sino ang tumawag kanina. Ngunit hindi ko mahanap ang aking telepono mula sa aking bulsa. Marahil ata ay naiwan ko sa loob ng silid iyon dahil sa sigaw at takot ko.
Agad agad akong bumalik rito at hinanap ito. Hinanap ko ito mula sa kung saan ako naka puwesto kanina bago mangyari ang pag tawag saakin ni Lola. Mukhang sinusuwerte ka nga naman at nakita ko ang aking telepono.
Agad akong lumabas sa silid at tiningnan kung sino ang tumawag. Mukhang lagot ako rito dahil sa sunod sunod ang tawag mula kay Ina. Tinawagan ko ito pabalik at buti at sinagot.
"Nasaan ka Ezerie? Akala ko ba hindi ka magtatagal at mukhang napalayo kana saamin". Bulyaw nito saakin. Sabi ni Ina. "Anjan na ako Ma, wag muna ako sermunan. Kasalanan ko ba nawili akong magtingin tingin mula rito sa mga obra". Sabi ko.
"O sya dalian mo at aalis na tayo. Nandoon pa rin kami sa dating tagpo. Mag iingat ka a." Sabi ni Ina. "Opo sige na ibaba kona ang telepeno". Sabi ko pabalik.
Agad agaran akong naglakad, hindi ko nga namalayan na ako'y napalayo na nga sakanila. Lakad lang ako ng lakad ng biglang. "Aray! Sakit non.".
"Paharang harang ka kasi." Sabi ng boses ng lalaki. "Aba't kasalanan ko bang nagmamadali ako!". Bulyaw ko rito. "At kasalanan ko rin bang nagmamadali ako!". Bulyaw nito pabalik. Nang magtama ang aming mga mata ay nagulat ako sa aking nakita.
"IKAW!?". Sabay naming usal. Imposible "Yawa naman o!". Sabi ko sa aking sarili. Dali dali na lamang akong nagpatuloy sa pag lalakad at hindi na siya hinayaan pang magsalita muli.
Imposible ito, matagal na siyang umalis ng bansa at ni isang sintimong balita sakanya hindi ko na rin alam.
Siguro nga'y masasabi ko na lang ay, maligayang pagbabalik aking mahal.
