AHFOS - 11

5 1 0
                                        

Kairitaaaa! "Yawaaaa". Bwiset yung lalaking yon pagka malas malasin ka nga naman. Bakit nakita ko pa rito yon.

Kamuntikan pa nya ata ako hablutin dahil sa nabangga ko sya. Psh, kasalanan nya naman. Buti rin at umalis agad ako bago pa sya magsalita o kaya kung ano pang gawin saakin.

Ano naman kaya ang balak nya rito sa Pilipinas. Ni hindi nya nga manlang ako naalala. Noong nagsisimula palang sya. Noong suportado ko sya sa lahat.

Ni wala rin syang pasabi na aalis sya ng bansa. Tumawag na lang sya at sinabing wala na sya sa Pinas at nakikipag hiwalay. Kairita!

"Ezerie! Mag hunos-dili ka! Masyado kang praning." Sabi ko sa kaloob looban ko. Narating ko na ngayon kung nasaan ang aking Ina at ang Tito ko.

Mukhang tapos na rin talaga ang mga ganap, pagpupulong, tanungam mula sa mga tagabalita. Iba talaga pag kasangkot sa Politika at Kumpanya.

Nakita ko si Rhxy aka Drick patawa-tawa lang sa likod. Hanep talaga. Baka me kinalaman pa sya tungkol sa pag kikita namin ng hipokritong yon kagigil.

Inaya na ako nila Tito sumakay dahil tapos na ang mga ganap. Katabi ko ngayon ang hipokritong si Rhxy. Agad ko syang kinausap.

Pero sa kaming dalawa lang nagkakarinigan. Dahil na rin sa pinaka likod kami ng sasakyan pumuwesto.

"Hoy, Rhyx. Patawa tawa ka jan a. Me kinalaman ka noh." Ani ko. "Anong kinalaman ko, siraulo ka ba." Ano ni Drick. Inirapan ko na lamang siya at umandar na ang aming sinasakyan.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay ngiting mapang asar pa rin ito at ako naman ay snobera. Kairita talaga sya. Iba talaga mga ngiti nya. Hipokrito.

Pumunta kami sa hapag-kainan dahil tinawag na rin kami upang kumain. Nag dasal at kumain na rin kami pagtapos. Salo salo ang ingay bagkus nairaos ang mga kaganapan ngayong araw.

Nagkaka siyahan, sumabay din ang ibang mga tao sa bahay, sa aming salo salo.Medyo nagulat na lamang ako dahil tinawag ako ni Tito at tinanong.

"Iha, Ezerie. Kamusta pala ang pag lilibot mo sa Museo? Ayos ba ang mga gawa roon ng mga pilipinong pintor?". Napatigil sila upang alamin ang aking sasabihin.

"Opo Tito, maayos ko naman nairaos ang paglilibot. Masaya akong kasama ako sa pag alis." Ngiti kong sambit pabalik.

"Sus! Nakita mo lang ulit sya e." Wala sa wisyong pagsabi ni Drick. Napatingin kami sa kanya at ramdam ang tensyon. Pinag tuunan ko sya ng pansin. Sabi na e lintek talaga to.

Napatingin sya sa lahat ng taong asa hapag kainan. Sumunod itong tumingin sa akin na animo'y nakakita ng multo. Masama ang tingin ko sakaniya.

Lumipat ang tingin nito sa aking mga kamay at nakita ko na napalunok ito dahil sa higpit ng aking paghawak sa mga Kubyertos. Kahit kailan talaga sya.

"Anong nakita Drick?". Seryosong tanong ni Mama. Nabasag na ang katahimikang sandaling namayani sa hapag kainan.

"Hon, wag muna natin paka galawin ito. Siguro naman ay ala naman na itong pakialam sa buhay natin lalo na jan sa Unica Iha mo." Mahinahong sabi ni Tito.

"Oo nga ma, tsaka iniwasan ko agad yon noh. Ala naman akong pake don." Ani ko kay mama at hinawakan ang kaniyang kamay at ngumiti.

Nagpatuloy na lamang kami sa pagkain at pagkatapos ay abala na ang mga katulong namin sa pag liligpit ng pinag kainan.

Tumulong na rin ako dahil ala naman akong gagawin. Kung mayroon man ay mas uunahin ko na ito kaysa roon. Mas ayos na rin siguro na e'ehersisyo ko ang aking katawan.

Lumabas muna ako para itapon ang basurahan. Nakita ko ang dalawa na naninigarilyo sa gilid ng puno rito sa aming tapat ng bahay. Nakita ako ni Drick at susundan nya na ako ngunit nauna na ako.

A Heart Full Of SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon