Bumuntong hininga ako. Masyado akong nag iisip ng negatibo mula sa mga nakaraan ko. Iniisip ko rin kung patuloy pa rin ba akong gagambalahin ng nakaraan ko. Masyado akong pokus sa nakaraan ako.
Naiisip ko na rin kung hanggang ngayon sa kasalukuyan ay malaya naba ako. Labis kong ikinababagabag ang lahat.
Upang hindi na rin ako mangamba ay inayos kona ang ang kama ata naghahandang matulog na upang ako'y maagang magising bukas.
Nagdasal ako. Pagtapos ay humiga na ako para matulog. Sandalian ay ako'y nakatulog na ng mahimbing. Dala na rin siguro ito ng pagod mula mag damag dahil nag gala ako.
Kinabukasan ay sinalubong ako ng masilap na araw mula sa langit. Ka'y ganda talaga ng langit kung pagmamasdan. Ako ay umidlip pa saglit at maya maya ay nagising mula sa ingay sa baba.
Nagisip-isip muna ako dahil ako'y hindi pa ganon nag p'proseso mula sa ingay sa baba at dahil kakagising ko lang muli mula sa aking pag idlip. Maya maya lang ay naghanda na ako para sa araw na ito.
Ako'y tumayo na upang ayusin ang aking kama. Pagkatapos ay ako'y pumunta na rin sa banyo upang mag hilamos at mag sipilyo. Lumabas ako upang mamili ng aking susuotin.
Naalala ko pala ay isasama kami ngayon ni Tito sa kanyang pagpupulong. Pinili ko ang isang pulang damit at itatapal ko rito ang isang dyaket na itim. Ipinares ko narin dito ang paborito kong mataas na takong kulay itim rin.
Kumbaga ay parang isang napapanood natin sa pelikula na ang babae maangas ang datingan o tingin. Pumasok muli ako sa banyo atsaka naligo. Pagkatapos ay pinatuyo ko ang aking sarili at nagbihis na.
Nagpatuyo na ako ng buhok, nag lagay na ako ng kung anong kolereta sa aking mukha at kinuha ko ang paborito kong kwintas at nilagay sa aking leeg. Bigay ito ng aking namayapaan lolo't lola.
Ganto talaga kapag masyado kang malapit sa taong nagmahal, inalagaan ka simula pagka bata at sa isa rin iglap ay namaalam na. Hindi mo mabibitawan agad agad ang mga bagay na kanilang ibinigay, ibinilin sayo lahit gaano pa ang tagal nito sayo.
Kumatok ang isa sa aming kasambahay upang sabihin na ako'y gumising na at maghanda sinigawan ko ito ng "Nandyan na po! Palabas na ako pasabi kila Ina. Salamat!". Tugon ko.
"Sige po Señorita Ezerie!". Sigaw nito pabalik. Umalis na ito at ako naman ay lumabas at pumunta sa aking upuan at lamesa upang kunin ang mga papeles ni Tito. Dito ako nag aaral at maganda ang tanawin dito dahil kalapit rin nito ang aking balkonahe.
